AARON'S POV..... ****** LAKAD DITO, LAKAD DOON. Ito ang ginagawa ko ngayon habang naghihintay kay Eve, dito sa harapan ni Father. Kanina lang ay kasama ko si Eve at kausap. Nag paalam pa ako ng maayos sa kanya kanina, bago ko siya iwan sa bahay. Kailangan kasi na mauna ako dito at maghintay sa kanyang pagdating. Nandito kami ngayon sa Andaya Hotel. Ang isa sa pag-aari ni mommy na Hotel dito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Isa rin ito sa pinakamahal na Hotel dito sa Kuala Lumpur na dinarayo ng mga tourist. "Can you please stop walking around Aaron? Your constant movement is making me dizzy. Look at yourself, you appear as if you've been working on a farm, covered in sweat. Your bride is on her way, you need to relax now." wika ni Thisa, habang hinihilot niya ang kanyang noo. Nahihilo siya sa

