EVE'S POV.... ***** KABADONG-KABADO ako, dahil sa ilang minuto lang ay darating na si Aaron, upang sunduin ako dito sa Mansion ng mga Go, dito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Hiniling kasi ng lola niya na gawin ang traditional chinese wedding bilang respect sa kanilang lahi. Kahit walang dugong chinese si Aaron ay sumusunod pa rin sila ng mommy niya sa traditional na ipinapatupad ng pamilya Go. Nakaupo lang ako dito sa harapan ng dresser ko, habang hinihintay si Aaron. Tapos na rin akong ma-retouch ng mga make-up artist ko. Nasa kabilang bahay kasi si Aaron ngayon. Sa bahay na ibinigay niya sa kanyang Papa Judy na siyang totoo niyang ama. Doon siya namalagi sa loob ng dalawang araw na ipinagbawal nilang magkita kaming dalawa. Miss na miss ko na rin siya at gustong-gusto ko na siyang makita.

