LUMAPAG ANG HELICOPTER sa Rooftop ng Lake shore Hotel na pag-aari ni Samantha. Ang buong island ay binili noon ni Aaron, para sa kanyang kapatid na si Samantha at sa mga anak nito. Ito ang paraan ni Aaron, upang matulungan ang kapatid na palakihin ng marangya ang triplets noon, habang magkahiwalay sina Samanth at Nathan. Pinagawan din ni Aaron ng Napakalaking building na ginawang First Class Hotel. Meron din mga Banggalow houses sa paligid, para sa mga gustong mag staycation na pamilya o barkada ng sama-sama. Mas mahal din ang rent ng kanilang Banggalow house, kaysa sa isang hotel room. Ngunit dinarayo pa rin ito ng mga tourista, dahil sa napakaganda nitong lugar at ang kanilang world class hotel accommodation for comfortable stay. Meron din sariling Penthouse dito si Aaron, at nasa top

