EVE'S POV ..... APAT NA ORAS lang ang tulog namin ni Aaron, dahil kailangan na naman namin umalis. Patungo kami ngayon sa Lake Shore Private Island na pag-aari ni Samantha Legaspi. Ang half sister ni Aaron na asawa naman ni Nathan Del Valle. Bukas na ang kasal nilang dalawa at itinapat pa sa mismong kaarawan ng triplets. Sabi sa akin ni Aaron ay isa daw iyon surprise wedding. Walang kaalam alam si Samantha na ikakasal ulit sila ng asawa niya. Napapaisip na lang talaga ako, dahil sa maikling panahon na nakilala ko sina Aaron Go at Nathan Del Valle ay hindi pa rin ako makapaniwala na meron pala silang itinatagong ka-sweetan sa katawan. Kung titingnan mo kasi sila ay para silang mga walang pakiramdam. Lalo na kapag ibang tao ang kaharap nila ay mabibilang ang magngiti ng mga ito. Laging

