DAHIL GABI na nagising ang mag-ina kanina ay hindi na makatulog si Aj, kahit anong gawin nina Eve at Aaron. Kung anu-ano na rin ang ginawa ni Aaron, para matulog ang anak, pero hindi naman umobra. Si Eve, naman ay natulog na lang dahil nanghihina ang kanyang katawan. Kung hindi lang nasira ang kama kanina ay mas gugustuhin niyang matulog na lang kanina. Pero wala siyang magawa, dahil kailangan ipatanggal ang nagibang higaan. "Buddy, sleep kana... Very late na oh. Sige ka, hindi ka lalaki kapag nag pupuyat ka." sabi ni Aaron, kay Aj. Hindi na kasi siya tumigil sa kakagapang paikot sa maluwang na sahig ng kanilang kuwarto. Sinusundan naman siya ni Aaron, dahil natatakot din siya baka umakyat si Aj, at mahulog. "It's 1 am, buddy. Let's sleep na..." paki usap pa niya sa bata, pero tinawanan

