MAAGA KAMING UMALIS ni Aaron, para mamasyal. Nakasakay lang kami ng kabayo, kaya takot na takot akong mahulog sa lupa. Lalo pa't napakataas ng kabayong sinasakyan namin. Mahigpit kong niyakap ang malaking katawan ni Aaron, mula sa likod. Amoy na amoy ko rin ang mabangong pabango na lagi niyang ginagamit. Kaya lalo kong idinikit ang ilong ko sa kanyang likod, habang nakapikit ang mata. Naramdaman kong lalong bumilis ang takbo ng kabayo, kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa katawan ni Aaron. Kinakabahan din ako, dahil sa takot kong mahulog ako at magkanda bali-bili ang mga buto ko. Parang pataas na rin ang lupa, dahil pakiramdam ko ay naka angat ang katawan ni Aaron, samantalang ako ay tila mahuhulog na sa bangin. "Mahuhulog na ako!" sigaw ko, habang mahigpit na nakayaka

