MAGKASABAY na pumasok sina Eve at Aaron sa loob ng Mansion, habang mahigpit ang hawak nila sa kanilang mga b@ril. Kahit hindi marunong humawak ng b@ril si Eve, ay pinilit na lang niya ang sarili na gamitin ito, dahil kung hindi ay baka siya ang matamaan ng b@la mula sa mga kalaban nila. Dinig na dinig din ang malalakas na putùkan sa paligid at pagsabog. Wala din kasing pinag-iba ang mga tauhan ni Aaron sa tapang ng lalaki. Lahat sila ay mababangis sa gitna ng laban at hindi umuurong sa kalaban. "Mahal, huwag kang lumayo sa akin, dito ka lang sa tabi ko. Baka may kalaban na biglang sumulpot at mabaril ka nila." nag-aalalang wika ni Aaron. Hinila din niya ang braso ni Eve, para maidikit niya ito sa kanyang katawan. Hindi siya maaring magpabaya ngayon, dahil kasama niya ang kanyang asawa.

