Chapter 16

1581 Words
Electra POV Naiinis na nahiga ako sa kama ko. Pumikit nang itakip ko ang braso sa mga mata ko. Suminghot ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Sa tagal namin ‘tong pina-plano— Tsk! Masakit ang loob ko. Natatakot. Kamuntikan na. “Mali. Mali.” Himutok ni Marga. Nakadapa siya sa kanyang pang-isahang kama. Nakasubsob ang mukha sa unan at doon inilalabas ang kanyang sama ng loob. Tahimik akong umiyak, nilalabas lahat ng emosyon ko bago ako tumayo. Hindi matatapos ang araw, at hangga’t nakahiga ako dito, nagmumukmok. . . walang mangyayari. Nag-ayos ako, inunahan ko si Marga na nakahiga pa rin yakap ang unan niyang hotdog. Pinupusod ko ang buhok ko nang may kumatok. Ako ang nagbukas n’un, wala naman pakialam si Marga na nakahiga lang sa kanyang kama. “Ohh?”’ maliit kong binukas ang pinto nang makilala ko kung sino, nilakihan ko ito. Naiiyak siyang ngumiti. “Ate Danie,” tawag niya sa garalgal na boses. Niyakap ko siya sa balikat. “Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” “Si- si Mama ka—si dinala sa hospital. Kailangan daw siya i-xray.” Walang akong sinabing hinila siya papasok sa loob ng kwarto namin. Nakaupo na si Marga sa gilid ng kama. Nag-aalalang nakatingin sa amin. “Kamusta daw siya? Lumalala ba ubo niya?” Tumango siya, pinunasan ang luha sa pisngi. “Sobrang taas ng lagnat niya kagabi, hindi ko agad naidala si nanay dahil nandito ako. Nakita ko na lang siya, walang malay sa kusina. Muntikan pa masunod ang bahay namin. Kung hindi ako umuwi agad. . .” Napasinghap ako sa sinabi niya. Hinawakan ni Marga ang kamay niya. “Naiwan ni Nanay ‘yung pinapakulo niyang tubig sa kalan. Umuusok na buong bahay nang dumating ako. Galit na galit mga kapitbahay namin. Paano na lang daw kung nasunog bahay nila? Pinapaalis na kami doon, ate. Hindi ko alam kung saan na kami pupulutin ni Nanay.” Yumuko siyang tahimik na umiyak. “May maitutulong ba kami sa ‘yo?” mahinahong tanong ko, hinagod ang likod niya. “Hmm. . . nakakahiya ‘man ate, may utang na ako sa inyo last time. Magdadagdag sana ako kahit na 20K lang. Ang iba sa hospital bills at gamot. Ang iba naman, panghanap ko ng malilipatan namin kahit na maliit lang.” “Samahan ka namin maghanap.” Tumango ako sa sinabi ni Marga. Dalawang kamay niyang hinawakan ang palad ni Natasya sa kanyang kandungan. Inaya ko muna magkape at tinapay si Natasya habang hinihintay namin mag-ready si Marga. Galing pa siya dito kagabi at madaling araw na natapos mag-served ng mga inumin. Puyat at pagod siya, halata sa bata nitong mukha. Namamayat na rin siya sa labis na pagod. Nag-aaral siya sa high school sa umaga, waitress naman sa gabi hanggang sa mag-uumaga. Ilang araw nang hindi pumapasok si Polaris, may sakit ito at hindi nawawalan ng ubo. Pinuntahan muna namin si Polaris sa ospital. Dala ang take out na lugaw at mga prutas. Sa isang ward siya naka-admit. Magkasama ang mga bata at matatanda sa kwartong ito. Puno at halos wala nang lugar pa para sa aming tatlo. Tumayo kami sa magkabilang kama niya. Nag-iingat na hindi masagiran ang kabilang kama. Katabi ko si Natasya-ng inaayos ang mga pagkain at iinuming gamot ng kanyang inang tulog. Ngayon lang ako nakapasok sa— ward na puno ng mga may sakit. Iba’t ibang amoy. Iba’t ibang kwento at lahat sila, pinipilit iraos ng maayos ang araw. May sakit na bumalik sa akin ng makita ko ang mga tao dito lalo na si Polaris. Parang ang nanay ko lang. Kwento ni Natasya kanina, may dugo daw ang inilalabas nitong plema. Hindi na rin mahinto ang kanyang pag-ubo. Nahihirapan na rin siyang magsalita dahil sa paghahabol ng hininga. Mga sign ng sakit na meron si Nanay noon. Sinulyapan ko si Marga na may tinitignan sa likod niya. Isang pamilyang umiiyak para sa anak nilang binatilyo na may sakit. Payat at hirap na hirap din. “Nat? Hindi ba makakasama kay Pola— aling Lenita na dito siya sa kwartong ‘to? Samo’t saring sakit ang nandito. Pwedeng lumala ang sakit niya.” “Wala na kasi ate Marga bakanteng room. Meron naman sa taas, paying room nga lang. Hindi ko kasi kaya, ate. Nasa limang libo isang kwarto doon.” Guilty-ng ngumiti siya sa amin. Nakakaintinding tumahimik ako sa sagot niya sa tanong ni Marga. Nasa isang pampublikong ospital kami at nakakagulat lang na kahit pang-masa ang hospital na ito— ganoon pa rin kataas ang bayad sa isang kwarto. Paano pa kaya ang ibang bills? Gamot, doctor at ilang mga laboratory. Nakikita ko ang dating ako sa kanya. Walang magawa, walang kakayahan, walang alam na ibang paraan. Ganyan kami ni Nanay noon. Walang umaagapay. Huminga ako ng malalim. Baka sakaling maalis ang nakabara na sakit sa puso ko. Ang pinagkaiba lang namin ni Natasya, mas matapang siyang harapin ang problema. Namatay ang Nanay nang hindi ko man lang naipagamot. Huli na nang malaman ko. Tinago niya kahit alam na niya. Pinilit na lumaban pero wala. Naiiyak akong nag-iwas ng tingin. Alam ko na rin naman at nahahalata kong may iniinda siyang sakit pero dahil bata pa ako noon, naniwala ako sa sinasabi niyang, ‘wala lang iyon.’ ‘Nalamigan lang ang likod. . . nilagang dahon ng Sambong at Oregano lang, gagaling na siya.’ Nanginginig siya sa lamig, magdamag na walang tigil sa pag-ubo. Nangangalum-matang nakahiga sa kanilang higaan. Namamayat at walang ganang kumain. Pinapainom ko siya ng Paracetamol at Ambroxol na binigay ng mayordoma pero nailuluwa niya ito. Bumabara daw sa lalamunan niya. Nagalit pa ako sa kanya sa kawalang alam ko, walang magawa at inis sa kanya dahil sa panghihinayang sa mga gamot. Kung alam ko lang noon, siguro mas inalagaan ko siya. At kung kaya kong kumita ng pera ‘gaya ngayon— gagawin ko pa rin. Yumuko ako, pasimpleng pinunasan ang mga luhang tumulo. Naghanap ng pwedeng gawin. Walang upuan, walang lamesa. Tanging sapat lang ang maliit na lamesang may gulong sa mga gamit ng pasyente. Isang monoblock chair na kung wala ang bantay, kinukuha ito ng iba para magamit. Wala kahit na kurtinang pumapagitna sa mga pasyente. Kaliwa’t kanan din ang mga labas masok na mga doctor at nurses para i-check ang kanilang pasyente. Namangha ako sa ayos ng isang babaeng nurse, malinis ang itsura sa puti niyang uniporme. Puting sapatos, puting cap sa ibabaw ng ulo. Nakapuyod paikot ang kanyang mahabang buhok. Nakangiti niyang tsini-check ang presyon ng isang pasyente niya na galing sa isang operasyon. “Mga ate. . . pwede bang dito na lang muna kayo? Dadaan lang ako sa Pharmacy sa baba. May note kasi dito na kailangan ni Nanay ng ilang gamot. Okay lang ba?” Pinakita niya sa amin ang isang papel. “Sige, samahan kita.” Naiwan si Marga doon na mag-isa. Umupo siya sa paanan ni Aling Lenita. “Ang mamahal pala nito? Naghanap muna sana ako ng mas mura.” Bumuntong hininga siya. Nilagay sa dalang Eco bag ang mga biniling gamot. “Okay na ‘yan, Nat. Baka mapalayo ka pa. Saka, mas magaganda siguro mga gamot dito. Under sila ng hospital, e.” Inabot niya ang tatlong pisong sukli sa dalawang libo niyang pera. Malungkot siyang ngumiti. 2 libo na ang nabawas sa pinahiram naming 30K sa kanya. Pinilit namin siyang kunin na ang dagdag, nung una, ayaw pa niya dahil sa takot na hindi mabayaran ito. Pinilit namin niyon, lalo na si Marga. Habang naglalakad kami papunta sa isang grocery store, naisip kong humingi ng tulong kay Senator sa kaso ni Polaris. Baka makatulong siya. Baka magamit namin ang pangalan niya sa ganitong paraan. Tiningala ko siyang nakaupong naninigarilyo sa kama. Hinaplos ang parteng may balahibong dibdib niya. “Daddy, pwede ba ako makahingi ng favor?” Hinalikan ko ang isang n*****s niya. Pinapanalangin na ipahatid niya na ako sa driver niya. Hindi ko na maatim na makasama pa siya matapos ang nasaksihan kong ginagawa nila ni Tricia. Iniraos ko lang ang gabing ‘to para kay Polaris. “Ano ‘yon?” Pinagpag niya ang abo ng sigarilyo sa ashtray na katabi kasabay ng pagbuga ng usok nito pataas. “Kailangan kasi ng financial help ng kaibigan ko. Si Polaris. Nasa hospital siya ngayon baka matulungan mo naman sila ng anak niya.” Naningkit ang mga mata niyang tinignan ako. Bumaba sa umumbok kong dibdib sa pagkakadapa. “After tonight, she’ll get the help she needs.” Nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya. Tumagilid ako, hinarap siya. Inilapit pa ang mukha ko at akmang hahalikan siya sa pisngi bilang pasasalamat nang magsalita siyang muli. “Not from me, whore.” Nandidiri niyang inilagan ang halik ko. “I saw her daughter with the eldest son of the Montefalco’s. Tingnan mo nga naman, ang kinikilalang malinis, mabait at perpektong anak, kumakama rin pala ng mga bayaran. Tsk!” “A-anong ibig mong sabihin?” “Ang slow mo.” Sabay ngisi. Umithit siya muli sa sigarilyo, ibinuga iyon sa mukha ko. Napaubo ako dahil sa usok. Napaupo sa kamang iwinawagayway ang kamay para maalis ang usok. “Come here. Ride me.” Aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Hawak niya ang p*********i niyang hinahagod ito hanggang sa mag-umpisa na itong tumigas. Unti-unting nawala ang ngisi niya at napalitan iyon ng makamundong pakiramdam. Hinila niya ako, supporting me to his shaft as he drives me to his lenght.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD