Electra POV
Walang reklamo kong ginawa ang pinapagawa niya. Bawat giling, bawat usad sa ibabaw niya, tinititigan ko siya. Wala akong maramdaman. Wala akong maisip kung hindi galingan, pagurin siya nang matapos na ito.
Itinukod ko ang dalawang kamay sa dibdib niya. Ginalaw taas baba ang balakang ko, tinitigan ang ibaba naming nawawala sa bawat pagbaba ko. Sinasalubong niya ang bawat paghalaw ko sa kanyang ibabaw.
“Damn, Electra. . . ride my d**k harder. Don’t stop. f**k it!” aniya, pinisil ang magkabilaang pang-upo ko.
Salitan niya itong pinapalo. “This ass. . .” nakaramdam ako ng stinging pain doon. “Yeah. . . that’s right, baby. . . yess!” mahabang ungol niya. Napapapikit ako sa bawat hampas niya.
“Ahh. Napatili ako nang pagpalitin niya ang posisyon namin. Hinila niya ang mga binti ko nang malayo sa kanya. Tinutok at walang pag-iingat na inangkin ako.
“Hmmm. . .” impit kong ungol. Pinipigilan ang t’yan niya sa pag-usad na ginagawa. Kagat labing nasasaktan ako sa dahas niya. Kahit anong lakas kong itulak siya— siya ring lakas ng pag-ulos niya.
“f**k you, little s**t. f**k you!” aniya, sinigaw sa mukha ko bago ako halikan ng madiin.
Nagsipatakan ang mga luha ko sa sakit nang ginagawa niya. Bale wala ang pagmamakaawa ko. kinagat niya ang labi ko haggang sa labasan siya sa panggigil. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos siya sa ginagawa namin. Pabagsak siyang nahiga siya sa tabi ko. Nakapikit. Taas baba ang dibdib.
Patuloy na nagsisipatakan ang mga luha ko, tahimik na umiyak doon sa tabi niya. Hinanap ng kamay ko ang kumot sa sahig. Ito lang ang makakapitan ko sa ngayon. Itinaklob ko ito sa katawan ko. Paa at kamay lang ang gumagalaw sa bawat galaw ko.
“You really good as f**k. It’s only you who can satisfy me like this.” Aniya pa. Napakislot ako nang itaas niya ang isang kamay. Nakapikit pa rin at may mga ngisi sa labi. Kita ang ebidensiya sa sinasabi niya. Ibinagsak niya ito sa kama na akala ko sa akin dadapo.
Umusog ako hanggang sa kaya ng katawan ko. Nasa gilid na ako at malapit nang mahulog. Iniwasan ko ang madikit sa kanya. Kahit paghinga pigil kong maistorbo ang pagkatahimik niya baka magising siya.
Ngayon lang siya naging madahas ng ganito sa akin. Hindi na bago ang mga salitang sinasabi niya sa tuwing nagniniig kami. Pero ang angkinin ako ng ganito na parang walang pakiramdam sa sakit. . .
Hawak ko sa dibdib ko ang kumot. Tumitig sa salamin. Hanggang kailan pa ba ang paghihirap ko? May katapusan pa ba?
“Umabot din pala sa 400,000 lahat ng bags na binenta ko.”
Sinulat niya sa notebook ang buong computation ng pera niya. Hawak sa isang kamay ang mga libong papel. Pinagpantay-pantay niya ito at sinilid sa bag. “Ikaw nakamagkano ka?” nguso niya sa perang nasa harapan ko.
Nai-shipped na namin ang mga bag. Balak naman namin isunod ang mga sapatos at ilan mga gamit pa dito.
“Sinabi mo ba kay Cindy ang plano na ‘ting pag-alis?”
“O-oo. Bakit?” nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa pagsisilid ng pera.
“Sa tingin ko, siya nagsabi kay Tricia kaya bigla na lang sumulpot ang mga armadong lalaking ‘yon.”
Nag-isip siya. “Nagprisinta siyang kunin na rin ang mga pina-laundry na ‘tin. Hindi ko naman akalain na bigla na lang siya papasok dito. Nagwawalis ako that time kaya open ang door. Huli na nang makita kong hawak niya ang envelop na pinaglalagyan ko ng ticket na ‘tin papunta sa Palawan.”
“Akala niya, magbabakasyon lang tayo. She even said na gusto niya sumama. Ang sabi ko, hindi para sa atin ‘yon at akala ko paniniwalaan niya. I’m sorry, Danie.” Dagdag niya. Puno ng guilt ang kinang ng kanyang mga mata.
“Wala ‘yon. Baka—hindi nga pa time na tumakas tayo.”
Alam kong hindi kami isusumbong ni Cindy. Kaibigan namin siya dito. Isa sa mga nakalapit at tumulong sa amin noong walang-wala kami. At kung isusumbong niya kami, bakit hindi pa sa big boss?
“Anong ibig mong sabihin?”
“’Yung ginamit na ‘ting pangalan. Agad din nila mati-trace ‘yon. Isa pa, baka madamay si Natasya at mga kaibigan niya.”
Sinundo namin si Natasya sa eskwelahan na pinapasukan niya. Inaya namin siya at ang dalawa niyang kaibigan para magmeryenda. Kasabay noon ang plano naming pagkuha sa mga ID’s nila. Gagamitin namin ‘yon para makabili ng ticket ng roro sa pantalan. Gumawa si Marga ng Gcash account gamit ang mga pangalan nila. Doon niya nilagay ang mga perang ipon namin. At ang mga perang ito naman ang gagamitin namin on hand sa pagtakas.
Nakukunsenya ako sa naisip naming plano. Walang kaalam-alam ang mga batang ito sa balak namin. Gagamitin namin ang mga pangalan nila hanggang sa makapunta kami ng Palawan at doon, magbabagong pangalan muli. Iibahin ang mga ayos namin at lilipad naman papuntang ibang lugar kung saan mas walang makakakilala sa amin. Doon na rin kami maghihiwalay ng landas.
Ang tawag nila sa amin, mga ate. Ang babait nila, ang su-sweet. Mga inosenteng bata.
Inisip na lang namin na siguro— kung— magkataon ma-trace nila kami at makitang iba ang gamit naming pangalan, hahayaan na lang nila sila. Wala naman silang kinalaman ditto. Wala silang kaalam-alam sa gagawin namin.
Ang planong pagtakas, naudlot. Sinabihan ko si Marga na siya na lang ang umalis. Ako ang magtatakip sa kanya. Ngunit ayaw niya. Nakiusap ako sa kanya nang matanaw ko ang mga armadong lalaking papalapit sa amin. Inakay niya ako sa isang tagong kainan. Inayos ko ang suot kong sumbrero at salamin.
“Hindi pwede. Kung aalis ako, dapat kasama kita. Papatayin ka rin nila.” aniya.
“Di ba ‘yon naman ang. . . ang sabi mo dati, kung hindi kayang dalawa tayo dapat isa sa atin ang makatakas. Marga, ito na oras oh. . huwag mo nang sayangin.” Hinawakn ko ang kamay niya.
“Marga, willing akong mamatay, makaalis ka lang dito. Makinig ka,” hinila ko ang kamay niya. palinga-linga siya sa paligid. Walang balak na intindihin ang mga sinasabi ko.
Tinitigan ko siya. Pilit pinapaintindi ang sitwasyon namin.
“Let’s go. Balik na tayo sa Casa. Let’s pretend na namamasyal lang tayo. Huwag tayo papahalata.” Aniya pa. Pinutol ang sasabihin ko.
Tinanggal niya ang suot na cap at shades. Inayos niya rin ang sa akin. Tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko. Inalis niya ang suot niyang jacket. Sinilid iyon sa nag-isang bag na dala namin.
“Marga, please. . . umalis ka na. Tumakas ka na.” Pakiusap ko. Pinigilan ang kamay niya.
“Lalabas tayo dito ng parang wala lang, okay? Iiwan ko na ‘tong bag.” Ibinaba niya ito sa ilalim ng kabilang table. Halos kakabukas lang ng kainan na ito at wala pang kumakain. Busy ang mga tauhan sa kani-kanilang pag-aayos ng mga putaheng idini-display sa harap.
Pagbalik ng tingin ko sa kanya, nakangiti siya. Hinila ako palabas. Pinigilan ko ang mga luha ko. Tinignan ang mga bangkang papalis papunta sa kabilang daungan ng mga mas malalaking barko.
“Ayon!” rinig naming sigaw sa likod. Nanigas ako. Kinabahan, napahawak ako sa kamay ni Marga. Magkahawak kamay kaming naglalakad.
“Act normal, Danie. . . kunwari namamasyal lang tayo.” Niyugyog niya ang mga kamay namin.
Pasimple akong tumango. Ngumiti na rin kahit na hindi na ako makahinga sa sobrang takot. Bumabalik ang alaala kung paano ako kidnap-in ng mga pinagkakautangan ni Tatay sa probinsya. Kung paano nasira ang buong buhay ko.
“Really? Oh, My God. Ang galing naman.” Peke siyang tumawa. May tinuturo sa mukha ko pero ang mga mata nasa gilid. Pasimpleng sinulyapan ang mga lalaki.
“Hoy!” May humaklit sa barso ko. Napaikot akong mabilis sa lakas noon.
“Ku-kuya, a-ray naman po.” Napangiwi ako sa sakit n’on.
“Hoy! Sino ba kayo? Bitawan mo nga kaibigan ko!” balik sigaw ni Marga. “Ano? Bitawan mo ako! Sino ba kayo?” Nagpupumiglas siya sa dalawang lalaking humawak sa kanya.
“Tatakas pa kayo, ha?”
“A-ano? Tatakas?” pagmaang-maangna ko. Hinihila ang braso ko sa hawak niya.
“Hala! Dalhin sila sa Van. Nakakagawa na tayo ng eksena dito.” Hinila nila kami papasok sa van na naka-abang na sa di kalayuan. Nagpupumiglas kami habang papalapit. Sinusubukan makawala sa matitikas nilang katawan.
“Baka naman pwede na ‘tin silang pakinabangan bago i-turn over kay boss? Siya ring papatayin sila, baka naman. . .”
Hawak ng lalaking nakahawak sa akin ang isang baril. Nasa tagiliran ko iyon. Nanginginig man, sumasakay ako sa mga sinasabi ni Marga kanina.
“Namamasyal lang kami. Ano ba! Bitawan niyo kami. Sino ba kayo? Mga tauhan ba kayo ni Boss Z”? Itinuhod ni Marga ang isang paa para hindi siya maipasok ng dalawa sa loob ng Van.
“Tahimik!” saad ng isa. Tinulak niya si Marga. Napaupo siya sa sementadong sahig.
“Marga!” sigaw ko. Inabot siya ng pilit. Binalibag ko ang lalaking nakahawak sa akin. “Kayo ang isusumbong ko kay Boss Z. Namamasyal lang kami. Day-off namin ngayon, oh. Masama na ba maki-fiesta ngayon? Bawal na ba kami lumabas? Sino nag-sabi sa inyo na tatakas kami?” Sunod-sunod na tanong ko. Dinuro sila. Pinatapang ko ang mga titig sa kanila.
“Bakit, hindi ba? Pinapunta kami ni Boss Z ditto. May nagsabi daw sa kanya na tatakas kayo at sasakay ng Bangka papunta sa Pier.”
“What? Kami? At sa tingin mo ba, makakatakas kami sa big boss? Ito oh. . . may ticket kami sa Ferris wheel. Sa horror house. Sa photo booth. May tatakas bang magpapa-picture muna?”
Pinakita ni Marga ang mga kinuha naming ticket sa dala niyang slingbag. Binili namin iyon ng huling nagpunta kami dito. Gabi iyon at balak sana namin gawin ang mga ito nang biglang sumakit ang t’yan ni Marga sa kinain naming street food kaya nagpasya kaming ipagpaliban.
Mabuti na lang hindi niya ito inalis sa bag niya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Binitawan ako ng lalaki. Kinuha kay Marga ang mga hawak na ticket at tinignan ‘yon.
“Dammit, kuya. Sino ba nagsabi sa ‘yo ng fake tsismis na ‘yan, huh? Kayo ang lagot kay big boss. Mga inutil kayo!”
Dinuro n’ya ang tatlo na sinisipat ang mga hawak. Nilapitan ko si Marga. Nanalangin na kagatin nila ang palusot niya.
“Oh? Ano? Isusumbong ko kayo kay big boss at boss Z.” banta niya na akala mo kilala ang naunang boss.
“s**t, tol! Legit. Mali ka ng araw ng pagsipsip sa mga bosses’. Malilintikan pa tayo nito, eh. Ikaw kasi!” ani ng isa pa. Pinalo ang pintuan ng van.
“Gago. Malay ko ba!”
“Tsk! Tsk! Ano na? Tara na. Ihatid niyo na kami. Sinira niyo day-off namin! Bayaran niyo lahat ng ‘yan, ah! Nilandi ko pa naman mga operator ng mga ‘yan para bigyan kami ng ticket sa ganito kaaga. Mahaba ang pila mamayang hapon kaya— ay! Mga bwisit kayo!” Nanggigil na binatukan isa-isa ni Marga ang tatlo. Doon niya binuhos ang inis at kabang naramdaman namin kani-kanina lang.
Nakahinga ako ng maluwag nang humingi ng sorry ang tatlo. Kapalit ng hindi namin pagsusumbong, inaya nila kaming kumain at bibilhin lahat ng magustuhan namin ngayong araw.
Nagkatinginan kami ni Marga bago pumayag. Ngunit sa ibang lugar.
Hindi pwede dito. Baka mamukha-an kami ng pinag-iwanan namin ng mga gamit, habulin kami at sabihin naiwanan namin ito.
Pagkasakay, sumandal ko at pumikit. Muntikan na iyon, ah.
Isang malamig na kamay ang humawak sa kamay ko. Nilingon ko siya. Puno ng relief ang mga titig niya. Kita ko rin ang panghihinayang sa pagkakataon na meron sana kami.