Chapter 18

2126 Words
Electra POV  “Nice performance,” Inabot ni Bebs ang mga roba namin. Inalalayan kami isa-isang bumaba sa stage. Tatlo kami nila Marga at Natasya nag-perform tonight. Sa bagong uso ngayong kanta ni Ariana Grande. Buma-vibe sa gusto nila sa amin. Mai-ingay pa rin ang mga tao sa labas. Sinisigaw ang mga pangalan namin. Ang isa sa kanila, nakikipag-away na sa mga bouncer, nagbabakasali na malapitan kami. “Ate, una na ako.” Tinapik ko ang balikat ni Natasya. “Sige, kita na lang tayo mamaya.” Anas ko. Tinignan siya na papalayo sa akin. “Bebs, sino ‘yung lagi niyang kasama?” Iniisa-isa niyang inaayos ang mga maskarang ginamit namin sa isang storage box. “Who? Si Nattie?” aniya, isang beses nilingon si Natasya na wala na sa view namin. “Oo. Minsan ko pa lang nakita dito ‘yon.” Nagtataka pa rin ako. Simula nang malaman ko ang nangyari kay Natasya, at base na rin sa sinabi ni Senator, curious ako sa lalaking ‘yon. Hindi siya madalas dito. Hindi rin siya ‘gaya ng ibang mga lalaking nakikipag-bed para makuha ang mga babae. Bata pa siya, malayo sa mga madalas naming nakakasama. “Si Mr. Montefalco, hindi regular dito ‘yon. Kung pupunta man, iinom lang.” “Pero ngayon. . . napapadalas na. Nabingwit yata interest kay Nattie.” Bumungisngis siya. “Nasarapan sa virgin.” Nailing na aniya. Huminga ako ng malalim. Nag-aalala kay Natasya na parang kapatid ko na. 17 pa lang siya. Minor pa. Bata pa at natatakot ako para sa kanya. “Sa tingin mo okay siya para kay Natasya?” “Girl, hindi naman importante kung okay ba o fit ba sila sa isa’t isa. Ang mahalaga, pera at nakakapagpasaya ka, nakakabigay ka ng aliw sa iba.” “Alam ko naman. Natatakot lang ako kay Nat, baka— magaya siya sa amin.” “Magaya?” Tumawa siya. “Girl, siya nga mas nauna dito. Bata pa lang ‘yan— sanggol pa lang I mean.” Tumawa siyang muli. Hinarap ako. “Anak ng isang pokpok si Natasya. Halos dito na ‘yan lumaki. Dumedede pa lang, ito na ang kinabubuhay ng mga magulang niya. Baka nga dito na buo ‘yang batang ‘yan.” Tumawa siya. Alam ko ang naging history niya. Minsan niya na ito na kwento sa akin. Wala na siyang ama at tanging si Polaris na lang ang pamilya niya. Kaya ganoon na lang gawin lahat ni Natasya para sa kanyang ina. “Kung nag-aalala ka, okay naman iyang si Mr. Montefalco. Pa-inom-inom lang, hindi naman naglalasing, tamang chill lang. Besides, kahit may ka-table ‘yan, hindi niya inuuwi. Itong si Natasya lang talaga nailalabas niya. Gabi-gabi na nga. At mukha naman, masaya si Natasya.” Nagkibit siya ng balikat. Sumulyap sa dinadaanan ni Natasya kahit wala naman na siya doon. “And in love.” Saad ko na kinalingon niya sa akin. Wala siyang kibong binitbit ang storage box at iniwan ako doon. “My baby!” Pagkarinig ko sa boses niya, hinanda ko ang matamis na ngiti ni Electra. Pagkapihit ko, sinalubong ako ng mga bisig niya, tumalon ako at agad naman niya sinapo. Amoy na amoy ko sa bibig niya ang alak at— may kiss marked siya sa leeg. Inamoy niya ang leeg ko. “I missed you last night.” Tumaas ang kilay ko, simula nang gabing ‘yon, bihira na kami magkita ni Senator. At ang rinig ko, kasama niya si Tricia. Hindi na siya pumupunta dito gabi-gabi, si Tricia na lang ang pumupunta sa bahay niya. Kinabukasan, sinasadya nitong dumaan sa kwarto namin para magparinig. Ayon sa mga Marites na kapit-kwarto namin, madami daw siyang dalang mga paper bags mula sa iba’t ibang brands. “Hindi ko ramdam. Any ways, Daddy— how are you?” Pinigil ko ang sarili kong tanungin siya sa event na dadaluhan niya sa Sabado. Malamang siya na isasama niya. Nagkabalikan na ata ang dalawang ‘to! Pupuntahan niya lang ako kapag, umay na siya sa kanya. A dessert kumbaga, pampawala ng umay sa kipay niya. Napanguso ako. Naiinis. Siya pwede, ako hindi man lang pwede kumuha ng ibang lalaki na pwede kong gamitin. “Busy, love. Tiring and stressful. Hopefully sana matanggal mo ngayong gabi.” Humagod ang kamay niya mula sa likod ko pababa sa puwetan ko at pinisil iyon. Nag-growl siya’t kinagat ang sariling labi. “Come. Gusto na kita ma-solo.” “But—” Balak ko pa naman sana magpakipot. Pahabain ang oras namin para lang huwag niya ako madala sa bahay niya pero bago pa man niya ako hilain, papahakbang pa lang siya nang may yumakap na sa kanyang likuran. “My Daddy, iiwan mo ako?” Parang bata niyang maktol. Pinagpapadyak ang mga paa sa sahig. Tumawang nailing si Senator. Sa ‘di kalayuan nakita ko si Marga na papalapit sa amin. Nasa akin ang mga mata niya, nagtatanong. Hindi ako sumagot at umirap na lang. Alam niya na ‘yon. “Akala ko ba, mag-beauty rest ka muna for tonight? Hindi mo ba nagustuhan sa hotel na ni- reserved ko for you?” Gusto kong umikot na rin na parang mga mata ko nang marinig ang pagba-baby talk niya sa babaeng— kala mo Tarsier na nakakapit sa bamboo. Jumbo bamboo. Lately napapansin ko ang konting pagdadagdag ng timbang ng lalaking ‘to. Lumalaki na rin ang t’yan niya. Hindi na ‘gaya dati. “Gusto, kaso wala ka. And— ako lang kasi mag-isa. Akala ko sasamahan mo ako. Hindi ko tuloy na feel magpa-spa. Ang boring!” Humagalpak ng tawa ang best daddy of the year. Inalis ang kamay niya sa kanyang t’yan, hinarap siya na parang batang nagpapatahan sa isang abnormal na impakta. “Aww, I want too but work needs me. Maybe some other ti—” Pinag-crossed ko ang dalawang braso ko sa ilalim ng dibdib ko. Tumayo sa bigat ng isang paa ko. Dalawang beses ko itong ti-nap ang takong sa sahig. “Tapos na ba kayo? Dede gusto mo, Tricia?” Napaawang ang bibig niya sa tinawag ko sa kanya. Nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ni Senator na agad din tumawa. “My two babies, the sweet and the grumpy one, huh?” Bawal kami tawagin o ipaalam sa aming mga costumer ang totoo naming pangalan. Codenames lang pagdating sa trabaho. Mahigpit na bilin iyan kaya kung gulat, kulang na salita para i-describe sa mukha ni Tricia. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Ang tagal niyo matapos mag-usap. At saka, hindi ire isang daycare center. Club ‘to! Baka nakalimutan niyo na.” “What is your problem?” tanong niya, bumalik sa natural niyang boses na laging galit. “Whoo, girls! Calm down.” Hindi namin pinansin ang sinabi ni Senator. Patuloy kami sa pag-iirapan at samaan ng tingin sa isa’t isa. Tinap kong muli ang paa ko sa sahig. Siya naman nagpamaywang. “Nakakabwisit kasi ‘tong babaeng ‘to! Papansin.” “Wow! Sino kaya umeksena?” balik ko sa kanya. “Waiter.” Tinawag ni Senator ang waiter na papalapit sa aming kinaroroonan. Pinagmadali itong lumapit sa kanya. “Book mo nga ang room number 15 sa taas.” Utos niya sa lalaki. “Got it, sir.” Inabot niya ang kulay gold na card sa lalaki na umalis para sundin ang utos niya. Binabalik niya na sa kanyang coat ang wallet nang gumawa na naman ng scene ang babaeng ‘to. “Bakit ka ba ganyan? You are so rude, Electra.” Aniya’t nagkunwaring sumasakit ang ulo. “Ano ba ginawa ko sa ‘yo at ganyan ka ka-inggit sa akin? Lagi ka na lang galit? Ayaw mo bang nakakasama ko si Daddy? Napakasakim mo naman pala.” Kumapit siya sa braso nito, ngumuso nang tingnan siya ni Senator, paglipat ng tingin sa akin ngumisi naman siya. Ngising nagtagumpay sa pag-arte. “Kami ang unang nag-uusap.” Pinaalala ko sa kanya. “Bakit sa ‘yo lang ba siya? Ang sama-sama mo. Hindi pa ba sapat na sinugod mo ako last time at sinabing layuan ko siya?” Ano daw? “What? For what?” nagtatakang tanong ni Senator. “Wait— girls, huwag kayong mag-away. Okay? Walang reason para pag-awayan niyo ako. Let me clarify, kahit sino sa inyo ang kausapin ko, regaluhan ko, ilabas ko, ikama ko— wala kayong karapatan na mag-away o question-in ‘to. Because, I pay you both. So please, stop this nonsense. Sayang sa oras.” Inalis niya ang mga braso ni Tricia sa kanya. Nandidiri niya kaming tinignan salitan. Dismayado namang ngumuso si Tricia, still trying to be mabait. “Ako lang naman una mo nilapitan. So, ikaw ang mamili sino makakasama mo sa amin ngayong gabi, and kung pipiliin mo kaming dalawa, sorry. Nag-request ako kay boss Z na hindi ako pwede sa 2 in 1. Kaya, kung siya piliin mo . . .” Kinumpas ko ang kamay ko. Hindi na tinapos ang sasabihin. “What? But I’m planning to bed you both. We tried, right Orion? We enjoy it and did it again multiple times.” Tukoy niya, hindi ko alam iyon. Alanganin tumango si Tricia, halatang hindi rin nagustuhan ang plano niya. “Hindi pwede. It’s our choice kung papayag kami o hindi.” Alam ko nang mangyayari ‘to kaya naman kinausap ko na agad si Boss Z, hindi ko pa nagagawa magpagalaw ng may iba kaming kasama. Hindi ko kayang gawin kahit na malaki ang offer. Basta hindi. “Oh, come on, Electra. Sino ka para mag-decide? You’re just a slut and no one’s willing to listen to your nonsense whatsoever.” “Sir. . . ayos na po. Pwede na po kayo pumunta. And enjoy.” Dating ng waiter, inabot niya ang card at isang maliit na papel. Todo ngiti niyang inabot ito kay Senator, alam niyang malaki ang tip na ibibigay niya sa kanya. Dito kumikita ang mga server namin sa tips. Inabutan siya ng sa tingin ko nasa tatlo o mas mataas pa ang inabot sa kanya. Hindi niya na ito binilang basta na lang inabot sa ngiting-ngiting lalaki. Umirap ako at napakamot sa sintido. “Daddy,” tawag sa kanya ni Tricia. Kumapit muli. “Ayaw niya naman, tayo na lang. papaligayahin kita. Double-hin ko service ko for you.” Kinindatan niya ito at hinaplos sa dibdib, sa kahinaan ng lalaking ‘to. Ang u***g niya. May kiliti siya doon at agad tatablan sa isang haplos lamang. “Pokpok lang ako. Tama ka d’yan, pero hindi ako ‘gaya mo, Tricia. Pokpok na may dangal ‘to. Ikama mo man, hindi ako kasing baba mo na kahit saan butas na lang papayag papasukan.” Pagkasabi ko n’un tinalikuran ko na siya. Binigyan ko pa muli sila ng pasulyap na dalawa bago tuluyang humakbang. Wala akong pakialam kung bitawan man ako ni Senator. I know makakahanap pa ako ng mas malaking kliyente. Alam ko ang demand ko gabi-gabi. Baka nga meron dyan na willing mag-double bayad kumpara sa binabayad niya maikama lang ako. “Wait, Electra!” tawag niya sa akin. “Bitawan mo nga ako.” Napangisi ako ng marinig ang sigaw niya. Tumaas ang kilay kong mas bumilis ang paglalakad. Hinaklit niya ang braso ko pagpasok ko ng dressing room kasunod niya si Tricia sa kanyang likuran. “Sa lahat ng ayaw ko ‘yung tinatalikuran ako. Baka nakakalimutan mo, Senador ako. Makapangyarihan ako. Kaya kitang ipapatay. Kaya kong burahin ang buong pagkatao mo na parang hindi ka iniluwa sa mundong ‘to. . .” Mahigpit niyang hinaklit ang braso ko nanggigigil na sinabi ito sa akin. Titig na titig. No! Nanlilisik ang mga mata sa tamang salita. Hindi ako nagpatinag, pinatatag ko ang sarili ko, tinago ang takot na nararamdaman. Sa pagkakakilala ko sa kanya, gusto niya ng pa-baby o pa-inosente sa kama pero sa likod noon, gusto niya rin ng matapang at palaban. Napagtanto ko ito noon nang si Tricia pa ang nakakasama niya at hindi pa ako. Nahumaling siya sa dalawang personality na ito. “Mamili ka, siya o ako?” Tumaas ang noo ko, kahit hindi ko tingnan si Tricia, alam kong naghihintay rin siya sa isasagot nito. “Daddy, ma-may pupuntahan pa tayong event sa Saturday. I’m all ready na! Excited na ako!” aniya. Pilit pinapasaya ang boses para ipakitang ‘di siya apektado sa tanong ko. “Nasasaktan ako. Ano ba?” Hinablot ko ang braso ko, sinamaan sila ng tingin. “Daddy?” tawag sa kanya ni Tricia. Lumapit. “Ako ang isama mo, ‘di ba? Last year—” “Ikaw ang isasama ko, Electra.” Lihim akong napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD