Electra POV
Walang nagsalita sa ‘ming dalawa. Patuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nakahiga siya sa kanyang kama yakap ang hotdog na unan nito. Nakakumot hanggang sa leeg niya. Narinig ko ang pagsinghot niyang pilit hinihinaan.
“Marga, huwag kang umiyak.” Banta ko.
“Gaga! Sinisipon ako.”
Muli siyang suminghot, mas malakas na ngayon. Ibinaba ko ang ilang underwear na tinutupi. Hinarap ko ang katawan ko sa kanya. Naka-indian seat akong pumihit at tinitigan siya ilang sandali na biglang nagtalukbong ng kumot. Inestema ang mga salitang sasabihin ko nang hindi umiiyak sa harapan niya.
Nagpapalakas. Hinahanap ang mga dapat na salita. A good-bye speech kuno ko.
Kahit pala ilan beses na kami nag-usap ng ganitong bagay, iba pa rin pala pag-ayan na. Nandito na at ito na. Baka ito na ang last.
“Ito na ang time siguro. Marga, tanggapin mo na ang offer ni Mr. Ramirez. Be with him, ito na lang ang huling way na ‘tin para makaalis sa lugar na ito.”
“Tinanggap ko na pero hindi ko akalain na ganito kaaga. Nag-iisip pa lang ako, binubuo ko pa lang second plan na ‘tin ‘yon pala, may paraan ka na. Biglaan pa.”
“’Di ba ang sabi nga nila mas natutuloy kapag hindi pina-plano?”
“P-pero paano kung hindi ka— hindi ka makatakas? Saan kita hahanapin? Saan ka pupunta? Paano kita makakausap?”
Mula sa pagkakahiga, umupo siya. Ibinagsak ang kumot sa kanyang kandungan, humarap sa akin ng mabilisan habang sunod-sunod na nagtatanong.
“Bahala na!” Dahil hindi ko rin alam.
“Danie, napaka-delikado ng plano mo. What if, sama na lang ako sa ‘yo or sa akin ka sumama? Sasabihin ko kay—” pinutol ko ang sasabihin niya.
“Marga!”
Tumayo ako’t umupo sa kama niya. Pumikit siya at sandaling nag-isip. Hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi mangyayari ‘yang plano mo. Makukulong lang tayo pareho sa kamay ni Ramirez na ‘yan. But this, bahala na! Sure sa ‘yo kahit papaano, malaki ang chance mo na makakalaya ka dito. Then, tuloy mo plano mo sa Ramirez na ‘yon.”
“Paano ka? Bahala na rin, ganoon? Bahala na si Kipay mo, ganoon? Danie, delikado si Senator.” Frustrated siyang nag-bounce sa kama.
“I know! Pero ito na lang chance ko! Alam kong— gumagawa ng paraan si Tricia para makuha sa akin si Senator. At ‘yon na nga ang nangyayari ngayon. Mamatay or mabuhay man ako, bahala na. Bahala na siya kung kukunin niya ako. Ano pa ba pinagkaiba n’un ‘di ba? Para na rin tayong patay nito. Sawa na ako magpagamit, sawa na ako sumayaw nang . . . Sawa na ako mang-akit at magpaligaya gamit ang katawan ko, Marga. Kung ikakamatay ko ‘tong plano na ito, at least hindi ako namatay ng basta walang ginawa para mabago ang buhay ko. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ngayong alam ko nang. . . may willing sa ‘yong ilayo ka sa ganitong klaseng buhay na maayos at walang iisiping makakabalik pa ulit. Masaya ako para sa ‘yo, sis.”
Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Suminghot ako at tumingala. Niyakap niya ako nang mahigpit at sabay kaming umiyak.
Madaling araw ako sinundo ng driver ni Senator. Wala man tulog ngunit wala akong maramdamang antok at kapaguran. Umiikot ang t’yan ko. Hindi ko maipakali ang mga kamay ko sa kandungan ko, aakyat ito sa bibig ko para kagatin ko lamang. Kakamot sa leeg. Sa buhok. Sa anit para kamutin at maghanap dito ng pwedeng makuha.
Ibibiyahe nila ako papunta sa Pampanga kung saan nangyayari ang pinuntahang Pres-con at iba pang mga obligasyon ni Senator. Doon niya ako kikitain sa isang hotel bago kami lumipad gamit ang private chopper na pagmamay-ari niya papunta sa isang private resort kung saan magagamit ang party na pupuntahan namin.
Wala na akong idea bukod pa sa mga ‘yon. Sa mga gamit, ilan lang ang dala ko, karamihan, siya na ang nag-provide. Huwag na daw ako magdala at siya na ang bahala. Of course, sisiguraduhin niyang hindi mukhang G.R.O ang kasama niyang babae.
Maghahanda ito ng mga mamahaling mga gamit para magmukha akong elegante at mayaman sa mga makakasama niya doon.
Curious ako noon kung ano ba ang party na pupuntahan niya at— ito na lamang ang bukambibig ni Tricia na gusto niyang puntahan.
Sa estado ng buhay niya, nagtataka akong isasama niya ako doon. Magsasama siya ng isang babae na hindi naman niya asawa sa isang exclusive party na hindi ko alam kung para saan. Ang naririnig ko sa kanya, excited siya sa magiging laro nila. Sisiguraduhin daw niyang mananalo siya.
Isa kayang sugal?
Kahit ano pa ‘yan, mas mahalagang magawa ko ang mga plano ko, kung hindi, dito na rin siguro ang katapusan ko, baka sa isla na rin doon ang maging libingan ko.
Matagal ang naging biyahe namin. Nakatulog ako sa inuupuan ko. Pagdilat ko, nakatigil ang sasakyan namin sa mahabang pila. Luminga-linga ako, maraming rin mga sasakyan ang dahan-dahang umuusad at naghihintay. Wala akong makita kung hindi sasakyan. Sa harap, may isang malaking building na pinapasukan ng mga ito.
“Gising ka na? Ito kape.” Inabot sa akin ng driver ang kape.
“Hindi na kita ginising kanina. In-order-an na lang kita ng makakain.”
“Thank you po. Nasaan na po tayo?”
Kinuha ko ang kapeng inabot niya. Sinunod niya ang tissue at isang nakabalot ng foil. Hinilot ko ang batok at leeg ko sa ngawit.
“Nandito na tayo. Checking na lang para makapasok. Mahigpit kaya matagal ang checking na gagawin nila. Mga politician ba naman mga a-attend sa lugar na ‘to.”
“Ohh. . .” tinignan ko ang digital clock sasakyan, mag-aalas kwatro na ng umaga. “Tutuloy ba ako sa room na binigay ni Senator? Nandoon na ba siya?”
“Yes. Doon ka sa kwarto. Sabay tayo papasok, naka-name kasi ‘yon sa akin. Ang bilin ni Boss, huwag na huwag kang lalabas. Hintayin mo siya sa kwarto. Baka mamayang gabi ka na niya mapuntahan. Hectic ang schedule niya for today.”
Tumango-tango ako. Makakapag-isip pa ako at makakatulog ng maayos. “Saan ka nito after mo ako mahatid?”
Tinabingi niya ang ulo at nag-isip. “Hintayin ang utos ni Boss.” Hindi na ako kumibo sa isinagot niya. Nilantakan ko ang sandwich na bigay niya. Sa gutom ko, hindi ko na halos nginuya ito. Hindi na rin ganoon kainit ang kapeng binigay niya. Maligamgam na ito. Pero ayos lang, masarap pa rin.
Sabay kaming nagtungo sa kwartong pina-reserved niya sa pangalan niya. Iba ang tingin na ginawad sa amin ng receptionist nang magpakita ng ID si Kuya. May bahid ng malisya ang mga tingin na binalik nila sa amin. Hindi ko iyon ininda, sanay na ako. Tahimik lang ako sa likod ni kuya hangggang sa makasakay kami ng elevator.
“Nasa taas na daw ang mga maleta ninyo ni Senator. Nagpaakyat na rin ako ng makakain mo.”
“Eh, ikaw kuya?”
“Aalis na ako. May text siya sa akin na kunin ko daw ang ibang dadalhin niyo sa isang shop. Ang bilin niya, ha, h’wag kang lalabas. Baka may makakita sa ‘yo dito.”
Hindi na ako kumibo sa mga bilin niya pa. Nagising akong hapon na. Pababa na ang araw sa salaming pader. Tumayo ako doon at nilislis ang makapal na kurtinang hanggang ceiling ang haba. Ang ganda ng tanawin. Orange na ang kulay ng langit, may kumpol ng ibon ang lumilipad sa langit, nagmistula iyon katulad sa mga drawing ko noong bata pa ako. Huminga ako ng malalim.
Ilang oras na lang.
Sana ‘gaya sa mga ibon, maging malaya rin ako. Malaya sa mundo ko ngayon. Maging matayog naman sana ang lipad ko, taliwas sa nangyayari ngayon sa akin; mababa, pababa, at sadlak ang lipad.
Binuksan ko ang malaking TV. Bumungad sa akin ang nagaganap ngayon at pangunahing balita. Mga politiko at ilang mga kilalang taon, nakasuot ng mga magagarang damit at mga palamuti sa katawan. Kakahirang lang sa bagong president kaya may malaking pagpupulong na nagaganap sa buong Pilipinas.
Ini-interview ng isang magandang babae ang mga dumalo. Nahagip ng kamera ang lalaking hinihintay ko. Nakatayo siya doon, may hawak na isang baso ng alak at masayang nakikipagkwentuhan sa dalawa pang kalalakihang ka-edaran niya lamang. Kumaway siya sa gilid nito at may sinabi.
Patuloy sa pagtatanong at pagsagot ang dalawang babae. Binibida niya ngayon ang mga suot nitong yari sa isang recycle na gawa ng isang sikat na designer sa ibang bansa. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.
“Kapangyarihan, pera at koneksyon.” Habang sinasabi ko ‘to, kinakabahan ako. Pakiramdam ko, nalalapit na ang oras ko.
Kung tutuusin, kaya kong tumakas ngayon din. Ngunit kung dito lang, kaya nila akong ipahanap sa mga tauhan nila. Walang imposible sa mga gaya niya. Minsan ko na nakita ang pagiging madahas niya. At kung ako lang, hindi siya magdadalawang isip na saktan ako. Para sa kanya, isa lang akong bayarang babae, pampalipas ng oras niya.
“Baby. . .” bulong niya pagbukas ng pintuan ng kwarto.
Dahan-dahan niyang sinara ang pintuan. Ang pagod at puyat sa mga mata niya, napalitan na iyon ngayon ng pagnanasa nang makita akong nakahiga, naka-roba lamang sa malapad na kama.
Nakatagilid ako, nakasandal ang ulo ko sa malambot na head board. Litaw ang kalahating dibdib ko sa posisyon ko ngayon. Litaw na litaw ang mga mapuputi kong hita sa lumihis na itim na roba.
Alam kong ganitong oras siya darating kaya pinaghandaan ko. Naligo na ako. Ginamit lahat ng mga binili niyang toiletries para sa akin. Hinayaan kong basa pa ang buhok ko sa gilid ng aking balikat.
“Daddy. . .” bulong ko rin.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin. ‘Di ako kumilos. Tanging tingin lamang ang ginawa ko. Awang ang mga labi niyang tumabi sa akin. Automatikong dumapo ang palad niya sa hita ko pataas sa aking baywang.
“So ready for me, baby?”
“Kanina pa nga kita hinihintay. Aalis na ba tayo?”
Napangisi siya. Kinagat ang labi. Bumaba ang tingin niya sa hita ko kasabay ng pagpisil-pisil dito.
“Kahit gusto ko, I can’t. We can’t be late to our flight.” Pinalo niya ang pang-upo ko. “Get up! Before I change my mind and laid you.” Tumayo siyang nagtungo sa banyo. Nangingiti akong sumunod sa kanya. Sinilip siya.
“Are you sure, daddy?” pilyang tanong ko.
Bumagsak ang balikat niya sa harapan ko. Napabuntong hininga sa tanong ko. “Magbihis ka na. I’m hungry and tired. May 30 minutes na lang tayo.” aniya. Kinuha ang toothbrush at nag-dial sa kanyang cellphone.
“Okay. Wait for us at the elevator. Make sure no one can see us.”