Chapter 20

1756 Words
Electra POV Naka-abrisiyente naglalakad kami sa gitna ng nakalatag na red carpet. Kahit saan ka lumingon, mga iba’t ibang sugal ang nagaganap sa malaking bulwagang ito. A Secret Vegas ang tawag nila. Bukod sa mga illegal na laro, mga mayayaman, mga bumabaha ng pera sa mga lamesa. Mga naggagandahang damit at mga kumikinang na mga alahas ang suot ng mga nandidito mapa-Pilipino man o taga-ibang bansa. Kung nandito lang si Lupin, marami siyang makukuhang gamit dito. Napabaling ang lingon ko sa isang table na naghiyawan. Walo silang mga kalalakihang nakaupo, sa tabi nila ang mga kani-kanilang date. May dalawang lalaking nakaitim doon na nagbuhat ng dalawang itim na tela. Binuksan iyon at binuhos. Nagsinghapan, tawanan at murahan ang nangyari nang tumambad ang limpak-limpak na pera. Napahinto ako sa paglalakad. Mangha sa dami ng mga ito. . . dollars! Nag-dollar sign ang mga mata ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pera at— At— God! Tinatapon-tapon lang nila ito na parang isang basura. Nagtatawanan sila habang ang isa, pinapalo ang kanilang lamesa sa galit at inis. Kumuha ng kumpol ang isang lalaki. Hinagis niya ito sa itaas. At ilang sandali lang. . .umuulan na ng pera. Automatikong napahakbang ako para kumuha sa mga nahuhulog. “Where are you going?” Napahinto ako ng tigasan niya ang mga braso para ‘di makawala ang kamay ko. Tinignan niya ang direksyon ng tinitignan ko. Nabalik doon ang tingin ko, walang tumayo para kumuha o makiagaw. Ang dalawang tauhan, nakatayo lang at nasa likod ang mga kamay. Nagmamat’yag lang at walang pakialam sa mga perang nagkasalat sa sahig. “A-ang da-ming pera. . . pwede ba ako kumuha?” “What?” Hinatak niya ako palapit sa kanya. “You can’t do that! Huwag mo ako ipahiya. Don’t acts like a sleazy cheap and greedy woman. Mamaya makakakita ka rin niyan. Siguradong mananalo ako mamaya sa laro namin.” tumikhim siya matapos niya ibulong iyon sa tenga ko. Puno ng pagbabanta. Hindi ako kumibo, isang sulyap pa ang ginawa ko bago kami naglakad muli. May mga bumabati sa kanya. May nagtangka pang lumapit sa kanyang mga babae. Magiliw nilang sinasagi ang katawan nila sa kanya. Nakasuot sila ng silver gown. Parang pinag-usapan kung ano ang kanilang magiging itsura ngayong gabi. Like a twins, parehong pareho sila ng ayos. Pero hindi naman sila twins! Siguro trip lang nilang magkaibigan mag-twinnings ng damit. Tinawanan lang sila ni Senator nang tangka nila siyang hahalikan. Umiwas siya. Kinuha ang kamilang mga kamay at hinalikan iyon sa isang gentleman gestures. Napataas ang kilay ko. Nag-usap sila sa english. Binati niya ang dalawa at kinung-gratulates sa graduation nila. Napaayos ako ng tayo nang daddy rin ang itinawag nila sa kanya. Mga kagaya ko rin ba ‘tong dalawa? Mga ginagamit niya? “Fred, my friend. . .” Dating ng isang matandang lalaki. Nakaawang agad ang mga kamay nito para kay Senator. Hindi ko inalis ang ngiti ko. Bahagya pang yumuko ng tingan niya ako habang nagbobro-hug silang dalawa. “Long time no see, Sandro. I didn’t know you were coming this year. Kailan ka pa dumating dito?” “Ahm, yesterday lang. Dito na ako dumiretso from Singapore. And also I’m with Dominic, E—wan ko lang kung nasaan siya. Maybe, f*****g the waitress again.” Naghanap silang lumilinga pagkasabi ng pangalan ng lalaking pamilyar ang pangalan sa akin. Tumawa silang dalawa at nagpalitan ng kwentuhan. Nakatayo ako sa tabi nilang nagpaling-linga sa paligid. Nauuhaw ako, nasa pinakadulo pa yata ang mga pagkain at inumin. May mga naglilibot namang mga waitress na may iba’t ibang dalang tray ng inumin, kaso wala akong mahanap na may dala ng tubig or juice na walang halong alcohol. Hindi ako pwedeng malasing. Nanunuot na ang lalamunan ko at nangangawit ang panga kakangiti. Napalakas pa ata ang tikhim ko dahil napalingon kasi sila sa akin. “Ah, sorry! Hindi ko pa pala napapakilala ang magandang kasama ko. Sans, this is Electra, my baby. Baby, this is Sandro, my friend.” Pakilala niya sa akin. Akala yata niya tumikhim ako para maalala niyang ipakilala ako sa kausap niya. Tsk! “Hi!” bati ko, inabot ang kamay niyang nakalahad. Sandali lang naman niya itong hinawakan at binitawan din. “Nice, Fred. Ang ganda niya.” Tumawa muna siya. “Of course, kailan ba ako—” Hindi niya tinapos ang sasabihin n’ya’t nag-usap na lang sila sa makahulugang tingin bago muling tumawa. Nawala ang kambal sa tabi namin. Hindi ko namalayan na umalis na pala sila. “Pwede ba ako kumuha ng maiinom? Kanina pa kasi ako nauuhaw.” Saad ko nang magpaalam na aalis sandali si Sandro. Naglakad kami muli, may kinawayan siya. “Malapit na tayo sa table na ‘tin. Maghintay ka na lang. Yo!” aniya, hindi ako nilingon, nakaabris’yente pa rin kami ng may tawagin siya. At gaya kanina, nagpalitan muli sila ng mga kwento. Ilang minuto din ang tinagal nila sa pag-uusap bago kami muling naglakad. Ngunit— ganoon din ang nangyari, ilang hakbang lang, may panibago na namang lalapit sa kanya. “Excuse me, gentleman. Girl call lang. . .” pina-cute ko ang boses ko para maagaw pansin nila. Ngumiti ako at bumitaw sa kanyang braso. “Don’t do something stupid, okay?” bulong niya. Pinisil ang kamay ko. Nakangiti pa rin ako nang tanguan siya at umalis. Wala akong pakialam sa sinabi niya. D’yos miyo, Marimar! Apat silang kausap niya. Kalahating oras na yata! Saan ba ‘yang lintik na mga makakain? Gutom, ngawit, uhaw . . . buset na ‘to! Hindi pa ako nakakatakas niyan, ah! Pahirapan na mabuhay. Para akong asong nangangamoy ng mga makakain. Palinga-linga ako. Naghahanap ng mga makakain. Sabi niya kanina, may buffet naman daw dito. So, asaan? Pagdating namin dito sa isla, wine agad ininum niya. Ako, nag-order ng cake at coffee. Alas nuebe y medya pa ‘yon. Anong oras na? Gabi na! Nakatulog kami at nagising na lang sa mga katok, dumating ang tauhan niya bitbit ang suit at gown na susuotin namin ngayong gabi at sa mga susunod pang mga araw. Nagmamadali siyang magbihis kami, excited daw siya at atat makita ang mga makakalaro. Akala mo may ball gown nagagawin dito. Lahat naka-gown at suit. Gutom naman abutin namin. Asan ka na ba pagkain? Kahit tubig man lang muna! Sakit na ng paa ko. Naupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa babasaging pader. Malaki at malawak na swimming pool ang natanaw ko sa labas. Nag-iiba ang ilaw nito at may bumubulwak pataas na tubig. Sa paligid mga magagandang mga halaman ang makikita. Hinilot ko ang binti ko, naninigas na ito sa pagod at taas ng suot ko. Sandali ako nagpahinga doon. Ngunit nang maalalang, saan ko ngayon hahanapin ang ka-date ko? s**t! Tumayo na rin ako para magtanong na lang kahit na nakakahiya. “Excuse me, ma’am! Saan po dito ang Comfort room?” tanong ko sa isang babaeng naka-itim. Hindi siya naka-gown at purong itim ang suot, itim na polo shirt, slack at may gold logo sa kanang dibdib. Maganda rin ang pagkakaayos ng buhok niya. Mukhang malinis. Tauhan siya dito sigurado. “Dito po. Samahan ko na kayo . . .” Nilahad niya ang kamay niya paturo sa direksyon ng pupuntahan namin. Walang gaanong tao dito, mga nasa hall pa sila siguro. May malamyos din na tugtog sa speaker na hindi ko alam kung nasaan. “This way, ma’am. Kung may kailangan po kayo, dito lang po ako sa labas, willing to wait for you.” “Ay! Ate, huwag na! Baka may trabaho ka pa. . .” awat ko sa kanya. Tinapik siya sa braso. Ngumiti siya at tumango. Papaalis na sana nang may maalala ako. “Miss, s-saan na pala dito ang . . . food niyo? Nagugutom na kasi ako.” hininaan ko ang huling sinabi sa hiya. Lumawak ang ngiti niya. “Dito lang po sa kabilang hallway, ma’am. Maya-maya lang po open na for dinner. Pero pwede na po kayo pumunta, pero kung kaya pa po n’yo, maya-maya na lang po. Mas bagong luto at ilalabas na lahat ng food.” “Ganoon ba ga? Oh, sige, hintayin ko na lang, busy pa rin kasi ka-date ko. Kahit water na lang muna.” “Okay, ikukuha na lang po kita. Para after mo magbanyo, may water ka na po. Medyo mahaba pa kasi ang lalakarin mo.” “Ay, salamat ate! Ang hirap na nga maglakad sa heels ko.” “Halata po.” Tumawa kami sa katotohanang sinabi niya. Paika-ika na nga ako maglakad. Matapos ko magbawas at nag-retouch ng make-up, lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko siya sa labas. Hawak ang isang bote ng malamig na tubig at isang Skyflakes. “Wow! Thank you so much.” “Sige po, alis na ako. Ingat po, and enjoy.” Aniya. Kinawayan ko siya. Nang makalayo na siya at bumalik sa kanyang post. Uminom ako sa tubig na dala niya. Napaungol ako sa sarap na naramdaman. Guminhawa ang lalamunan ko. Binuksan ko ang biscuit. Ang bait naman niya! Baon niya ito, ibinigay pa sa akin. Naglakad akong bumalik sa kinaupuan ko kanina. Doon mabilis na kinain ang biscuit. Tinanaw ko ang pool area, mamaya pupunta ako d’yan kung may oras pa. Kumunot ang noo ko nang matanaw ang tatlong may katandaan nang lumakad sa gilid nito. Naka-suit rin sila at may hawak na inumin sa mga kamay. Familiar ang isang may tungkod, ito ang mabagal sa kanilang maglakad na sinabayan nila. Mas napalapit sila sa paningin ko, naupo sila sa sunshades na nandoon, dahil maliwanag ang mga ilaw. . . “OMG! Si Don Hidalgo. Anong ginagawa niya dito?” Wala sa sariling tanong ko. Lumapit pa sa salaming pader. Na nasobrahan ko naman. Tumama ang noo ko dito. Napahawak ako at pasimpleng lumingon sa paligid kung may nakakita ba. Wala naman yata. Nang ibalik ko ang tingin sa kanya, mas naaninagan ko siyang-siya nga iyon. Malaki lang ang pinagbago niya sa kilalang Don na nasa probinsya. Ang Don ngayon, mukhang— hindi Don ng isang malawak na farm sa probinsya. Mukha siyang kagaya ng mga lalaking madalas magpunta sa bar namin para kumuha ng babaeng papaligayahin siya. Napanguso ako. Bumalik sa pagsandal. Nakadama ng pagkadismaya. Akala ko hindi siya ‘gaya nila. Lahat ba ng lalaki, pumupunta sa cabaret para magpaligaya sa mga ibang babae at hindi sa mga asawa nila? Pero sabagay wala naman siyang asawa. Nasa ibang bansa yata. At may asawa nang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD