Electra POV
Nakaupo kami sa isang pabilog na lamesa. Habang nag-uusap sila patungkol sa politika, nagawa ko naman pag-aralan ang lugar. Hindi ka nga makakapasok basta-basta dito kung hindi ka invited or dating ng member dito.
Karamihan mga politiko at mayayamang tao ang mga nandito, pinoprotektahan nila ang ganitong lugar para sa kanilang mga transaction. Ito rin ang nagsisilbi nilang libangan o bakasyunan. Hindi lang mga laro ang nandito, sa pagkakarinig ko, may mga naipapasok rin silang mga illegal na gamot at mga armas. Kaya ganoon na lang ka-higpit ang security.
Natatakot ako. Kung mahirap makapasok. Siguradong mas mahirap makalabas. Nagkalat ang mga armadong lalaki sa buong lugar. Sa bawat sulok may mga camera na nagbabantay sa bawat galaw namin.
Kinuha ko ang sparkling water na inilapag sa akin ng waiter. Napahawak ang isang kamay ko sa tuhod ko. Ngumiti ng magtawanan sila at dahan-dahang uminom. Hindi ako makapaniwalang may kasama kaming isang anak ng dating president. Isang anak mayaman at ang ama niya kasama ang dalawang babaeng naggagandahan. Sa tabi ko si Senator at si Sandro. Sa kabila niya si Dominic na naalala ko na ngayon, siya ang lalaking dinala niya noon sa bar na nais akong ikama ngunit ayaw ni Senator kaya nag-walk out siya.
Ramdam ko ang inis niya sa kasama ko, hindi niya ito kinikibo mula kanina at halatang napilitan lang makisama sa table namin. Wala silang kasamang date. Tatlo lang kaming babae dito na alam kong kagaya ko din ang dalawa. Panay ang hipo at halik nila sa lalaki na parang isa itong dessert na hindi na nila mahintay para matikman.
Nagpaalam kami kasama ang dalawang lalaki para makapag-gambling na daw. Naka-abrisyente pa rin ako sa kanya habang siya’y kinakausap ang dalawang lalaki sa dapat nilang gawin mamaya.
Balak nilang talunin ang kanilang makakalarong isang Mafia. Nakikinig lang ako, tutok sa plano nila. Ngunit may kaba. Alam kaya nila ang pwede mangyari sa kanila kung malaman ito ng kakalabanin nilang tao?
Nagtataka akong hindi sila natatakot o kahit man lang makitaan ng pag-aalangan. Hinaplos ko ang kamay niya kaya napatingin ito sa akin.
“Yes, baby?” malambing na tanong niya, alam kong nasa mood na siya.
“H-hindi ba delikado ‘tong mga plano mo?” bulong ko sa tenga niya.
Tumawa naman ito at bumulong din sa akin. “They are no one compared to me, baby. Besides, I have a lot of friends here willing to help me out. Hmm. . .” Hinalikan niya ako sa labi.
Huminga ako ng malalim nang makapasok kami muli. Dito na kami galing kanina. Mas dumami na ang mga nandito. Lahat busy at masayang tumataya.
May larong baraha, roleta, dice at ang iba. . . hindi ko alam.
Elegante ang lugar. Gold, black and red ang karamihang kulay ng lugar. Bawat table, mga busy sila, may mga nag-iinuman din, habang masaya nagtataya. Meron naman akong nakikita na masama ang mukha, marahil natatalo na ito ng malaking halaga.
Nakasuot ako ng red fitted gown with a slit sa kanang hita ko. Labas ang likod ko kaya ramdam na ramdam ko ang lamig sa buong lugar.
“It’s gamble time. . .” aniya sa dalawa. Inalalayan niya ako maupo katabi niya. Ang dalawa naman sa kabilang panig.
Baraha ang laro nila. Sa gitna ng table ang isang babae. Pabilog itong lamesa, nasa gitna siya at nakangiting naghihintay ng mga maglalaro. Mala-donut ang dating nito para sa akin. Kailangan daw anim ang player bago sila magsimula, saktong may tatlo nang naghihintay ng makakalaro. Nginitian kami ng mga ito, may mga lahi sila at halatang hindi marunong magtagalog.
Inilapag ni Senator ang mga papel niyang pera sa harap ko. “This game is for you, baby. Pagnanalo ako dito, sa ‘yo na ‘yan lahat.” Kinindatan niya ako sabay nakaw ng halik sa nakangiti kong labi. Pinindot niya pa ang ilong ko. Nakarinig ako ng pag-hissed at buyo mula sa mga kasama namin.
May lumapit sa aming dalawang tauhan ng lugar, itim ang mga suot nila ‘gaya sa babaeng nakausap ko kanina. Kinuha nila ang pera sa harapan ko at may sinabi kay Senator na hindi ko maintindihan ang mga ginamit nilang terms. Pagbalik nila, mga iba’t ibang pabilog na bagay ang nilatag nila sa harapan namin. Orange, green and blue ang kulay ng mga ito na may mga numero sa pinakagitna.
Wala akong naintindihan sa takbo ng laro nila. Ang babae lang ang gumagalaw at wala ng ginagawa ang mga lalaki kung hindi panuorin siya at magbaba ng chips o taya sa tatayaan nila.
Poker ang nakalagay sa gitna ng table. Sa mga gilid nito may malambot na edge, siguro ginawa ito para hindi mangawit ang mga naglalaro at hindi mahulog ang mga chips na ginagamit nila sa pangtaya. Ibinaba nila ito sa harapan ko, patong-patong ito at pantay na pantay. Binilang nila bawat tower at kung magkano na ang lahat ng ito. Inaantok ako habang pinapanood silang nagbabangayan ngunit alam mong nag-aasaran lang sila at hindi mga batang basta-basta na lang mag-aaway-away. Pinipilit ko ibuka ang mga mata kong papikit na at sumabay sa trip nila.
Kapagtatawa sila, tatawa ako. Kahit na hindi ko naman talaga naintindihan ang mga sinasabi nila. Nilalambing ko ang katabi ko na panay naman ang halik sa akin sa tuwing mananalo ang bet niya.
“Hindi ako nagkamali na ikaw ang sinama ko dito. You’re my lucky charm tonight, baby.”
“Tonight lang?” panghahamon ko.
Ngumisi siya. Triple ang naging kita niya sa laro na. . . nilagay nila sa isang card. Nalula ako sa dami noon. Isang laro lang ‘yon, ah! Kumita na siya agad ng ganoon kalaki.
Ang swerte!
“Daddy, wala ba ako pwede malaro dito?” Gusto ko rin masubukan.
“You wanna play?” aniya, inilapag ang tatlong chips na pusta niya. Gold ang kulay noon.
“Hmm. . . baka swerte nga ako. Baka manalo pa ako!” Pa-cute ko na ikinatawa niya lang.
“Later, tuturuan kita. Saan ba tayo pwede? Hmm. . .” Pag-iisip niya. Kumuha ng isang drinks sa dumaang waiter at ininum ang kulay dilaw na inumin sa mahabang baso.
“Whoooo! Congrats, Fred!”
Inayos ng babae ang mga chips na napanalunan niya gamit ang isang babasaging rake. Ito ang pinangkukuha niya sa mga naipusta para maabot ito. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, ang ganda niya. Hindi siya Pinay, ang linis at napaka-professional niyang gumalaw.
“Tara sa roulette game. Baka mabawi ko natalo ko.”
Napahiwalay ako sa kanya nang may dumaan sa gitna namin. Si Dom iyon. Tinawanan siya ni Senator at hinila ako sa direksyon n’ya.
“Lakas ng tama niya sa ‘yo.” Buska niya pa. Nilakasan iyon.
“Mas gusto ko ang tama mo sa akin.”
Hinalikan ko siya sa pisngi. Agad nagbago ang rekpresyon niya sa ginawa ko, tinitigan ako sandali at pinisil sa baywang ko. Alam kong tinamaan siya sa akin. Tumahimik siya at iginaya na ko para maglakad.
“Wala bang madali lang laruin? Hindi kasi ako pamilyar sa mga ganitong laro.”
“Hmm. . . pwede ka naman matututo.”
Dahil may naglalaro pa, naghintay muna kami sa turn ni Dom. Pinanood namin siya. Magaling siya at walang talo.
Nilingon ko ang buong lugar, papalalim na ang gabi. Mas nagiging buhay na ang lugar na ito. Marami na rin ang mga nalalasing at nawawalan ng pera sa pagkatalo.
Kung nandito siya, nasaan na siya?
Nagpunta din ba siya dito para magsugal?
Naghihiyawan ang mga kasama ko sa pagkapanalo ni Dom, ang laki ng mga ipinusta niya. Lahat ng madaan dito, napapahinto para panuorin siya. Pero ang swerte niya, limited lang din pala.
Sa pang-apat na pusta niya, sunod-sunod na pagkatalo naman ang nangyari. Inis at bwisit niyang hinampas ang lamesa.
“Ohh, Damn, Dom! 5000 dollars, ha?” pang-aasar niya sa kaibigan.
“You shut-up!” masama niyang tinignan si Senator. Tinukod ang dalawang kamay sa lamesa. Huling turn na niya, hinihintay siya ng croupier kung tataya pa ba o tatapusin na ang laro para sa iba naman. “100 dollars, even numbers, baby!” aniya. Tinungga ang bote ng alak sa kanyang harapan.
“Hey, that’s mine!” sigaw ng babaeng nanunuod lang, ibinaba lang pala niya ang inumin sa lamesa.
“And you’re mine tonight!” balik sa kanya ni Dom. Napailing ako.
Imbis na supportahan ng mga kaibigan, binuyo pa siya na mas lalong nakadagdag sa inis niya. Hinapit niya sa baywang ng babae at hinalikan ito habang hinihintay ang paghinto ng maliit na bolitas sa numero. Naghiyawan sila. Kumapit ang babae sa kanyang leeg at diniin ang halik.
Sa amin sa probinsya, running lights lang ang katapat nito. Mas masaya iyon lalo na kung mga malalaking tsitsirya ang napapanalunan ko sa pisong halaga. Ito, easy money. You bet high, you win tripled. Probability lang naman ‘to. Mas may chances kang manalo ng malaki kung tataya ka ng maramihan. Bingo kuno na may roleta nga lang.
Ang babae ang nag-aayos ng mga taya at nagbibigay na rin ng mga napanalunan. Ang galing niya sa math. Agad n’ya nabibilang ang mga taya nila. Mabilis din siya sa pag-aayos. Pagkataya nila, aaysuin niya ito. Sisinyasan ang mga naglalaro na ito na start ng laro. Kukunin niya ang maliit na bola o bolitas dahil ganoon ang itsura nito. Papaikutin niya ang roleta at ilalagay ang bolitas sa ibang direksyon. Hihintayin lang na mahulog ito sa mga numero.
May screen din sa tabi niya para mas makita ng madami ang roleta. Tahimik ‘kong inaaral ang laro nang yakapin ako ni Senator sa baywang ko. Hindi ko siya nilingon, tinitigan ko ang roleta. Agad ko hinanap ang numero sa tinayaan ni Dom. Napahampas muli siya ng hindi sa taya niya ang lumabas. Tumatawa sa leeg ko si Senator. Alam niyang hindi mananalo ang kaibigan niya. Hinalikan niya ako doon ng matunog, sinipsip ang leeg ko.
Frustrated na hinila ni Dom ang babaeng katabi paalis sa lugar na ito. Binitawan ako ni Senator at siya naman ang pumuwesto sa harap. Pinag-cheer ko siya. Binabati siya ng mga nakakakilala sa kanya, maging ang kambal, biglang singit sa tabi ko para i-good luck siya. Napaatras ako. Nailing. Binalingan ko na lang ang roleta nang marinig na itong umikot.
“Congratulations!” bati ko sa kanya. Lumambitin ako sa leeg niya.
Ngayon alam ko na kung bakit ako ang sinama niya imbis ang asawa niya. Lahat ng tukso nandito. At kung malaman ng asawa niya o lahat ng mga taong nandito ng hindi alam ng mga asawa nila, malaking gulo sigurado.
Kaya pala, Secret Vegas ang tawag nila sa lugar na ‘to. Lahat ng kasalanan, nandito na. The Sin City, the Gambling Capital of the World. Dito naman Gambling Island of the world.
Naghahanap kami ng iba pang malalaro, inaya siya ni Sandro sa isang Pocket Jacks. Anim silang maglalaro doon, at ‘gaya sa una nilang nilaro may pagka-similarity ito.
“Pwede bang doon muna ako?” bulong ko sa tenga niya. Hindi pa sila nag-uumpisa maglaro.
Tinuro ko ang mga nakahilerang machine. Maingay iyon at parang alam ko na kung paano ito laruin.
“Oh, baby. Are you sure maglalaro ka sa slot machine?” nakangiting tanong niya, hindi yata makapaniwala.
“O-oo. Mas madali yata ‘yon. Saglit lang ako. Puntahan mo na lang ako pagkatapos mo d’yan.”
“Alright.” Kinawayan niya ang lalaking nag-assit sa amin. May binulong siya. “Wala ba akong kiss d’yan bago ka umalis? Baka mawala luck ko.” Natawa ako, yumakap sa leeg niya at ginawa ang sinabi niya. Inabutan niya ako ng 1000 dollars.
“Thank you! You’re the best!” pambobola ko na ikinatawa niya.
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niyang naglakad ako papunta doon sa hilera ng mga slot machine. Naghanap ako ng bakante. Magkakaibang klase ito at halos lahat may nakaupo para maglaro. Pumili ako ng isa at naghintay. Pinanood ko siya kung paano gamitin ito. Madali lang naman pala!
Nagpa-assit ako sa lalaking nakasunod kay Senator. Inilagay niya ang pera ko, place my bet at account kung saan papasok ang perang mapapanalunan kung sakali man. Mas gusto ko sana makuha na lang agad, ipalit kaagad ganoon. Kaso, nailagay niya na. Kaya, hinayaan ko na lang at nagpasalamat. Umalis siya para balikan ang Senator. Nag-umpisa naman akong tumaya. At halos. . . makalimutan ko na kung bakit nandito ako.
Sayang rin, pwede kong magamit ang mga mapapanalunan ko dito. Naging 4000 na ang pera ko. Tuwag –tuwa akong nagpa-assist sa babeng nasa isang sulok. Nagtanong ako kung paano ika-cash out ang pera. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga dito. Basta tinanong ko na lang. Tumawa siya at sinabi sa akin ang dapat kong gawin. Napanguso ako nang hindi pala dito kukunin ang mga napanalunan ko. Kung gusto ko daw, ilalabas ko iyon sa office nila kung saan pinapalit ang mga chips.
“D-danie?”
Napaangat ang tingin ko mula sa resibong lumabas sa machine. Nakatayo sa harapan ko ang kanina ko pa hinahanap. Una kong napansin ang tungkod niya, napaawang ang bibig ko.
“D-don Hidalgo,” nauutal na tawag ko sa kanya.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti siyang nilingon ang piligid. “Anong ginagawa mo dito, Hija? Si-sinong kasama mo?” sunod-sunod na tanong niya. Napagaya ako sa kanyang luminga-linga sa paligid namin.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang makita siya.
“Ahm. . . kayo po kamusta?”
“Ayos naman, hija. Ikaw, kamusta? Ang ganda mo ngayon, ah!” aniya.
Hindi ako naging kumportable nang muling humagod ang tingin niya sa buong katawan ko. Tumikhim ako. Isang hakbang na umurong.
“Hey, nandito ka lang pala!”
May kumapit na isang babae sa kanyang braso. Nagpalitan ang tingin ko sa kanila at alanganin na ngumiti.
“Tara na sa kwarto?”
Muli akong napatikhim, nahihiya. Mas lalo ng nahihiya.
Sa tagal kong namalagi sa hasyenda, hindi ko pa nakitang may iniuwing babae ang Don. O, ni mabalitaan na may bago na itong iniibig. Hindi pa ako sinisilang, trabahador na niya sa hasyenda ang mga magulang ko. Mas lalo ko siyang nakilala nang magtrabaho ako bilang katulong nila.
Alam ko ang history ng buhay pamilya niya. Hinahangan ko siya sa pagmamahal niya sa asawang nasa ibang bansa.
Ngunit ngayon, nang makita ko ang babaeng todo ang ngiti, kapit at sa inaya siya sa private na lugar. . . nakaramdam ako ng matinding hiya. Hindi ko dapat nakikita ‘to. Malisyoso ang isip ko masyado.
“Ahm, Danie, can I invite you to have a coffee or something?” aya niya.
Tumikhim rin ako, “P-pwede naman po kaso. . .” nilingon ko ang babae. “Next time na lang po.”
“Ah, Amanda, I like you to meet Danie. Isa sa mga naging tauhan ko sa Farm. And Danie, this is Amanda. My secretary sa Manila.”
“Oh, hi!” magiliw na inilahad niya ang kamay para sa akin.
“Hello po!” nakipag-shake hands ako sa kanya. Nagku-kwento siya nang may matanaw ako sa labas. Nakatayo si Senator doon at may hinahanap. Magkasalubong ang mga noo niya. Sa likod niya, ang kanyang assistant. Nang magtagpo ang mga mata namin, agad akong bumaling sa mga kausap.
Pinutol ko ang sinasabi ng kanyang secretary. “Ahm, sorry po. Pero kailangan ko na umalis.”
Oo, tama. Bago pa nila malaman ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito.
Mabilis akong lumapit sa kanya na tangka nang lalapitan ako. Ramdam ko ang init ng ulo niya. Mabilis niya akong hinatak. Sa likod niya papalapit ang dalawang kaibigan. Sinulyapan ko sila. Masakit ang hawak sa akin ni Senator na halos kaladkarin na ako. Hinihila niya ko palabas.
Anong nangyari? Nasaan ang mabait at malambing na awra niya bago ako umalis sa kanyang tabi?
“A-anong nangyayari?” nagtatakang tanong ko. Hinawakan ko ang laylayan ng gown ko para hindi ko ito matapakan.
“Aalis na tayo. Bago pa man tayo mamatay sa islang ‘to.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Napalinga ako at sa ‘di kalayuan, nakita kong nakatayo si Don Hidalgo na may pagtatakan at simpaty’ang nakatingin sa amin.