Chapter 22

2555 Words

Electra POV  “Shut up!” “Tarantado ka! Ako pa niloko mo!” “Ahhh!” Napatakip ako ng tenga sa sigawan nila. Nagkubli ako sa likod ng pintuan. Sinigurong hindi nila ako makikita. Pinilit ko pagkasyahin ang katawan ko sa masikip na espasyo, iniiwasan makagawa ng kahit na anong ingay. “Nasaan ang pera ko? Don’t you know how much those cost me?” “Wala akong kinukuha sa ‘yo! I swear to God, wala akong kinuha. . .” Hindi niya pa natatapos ang kanyang sasabihin nang udyukan muli siya ng sipa ng lalaki. Nakatalikod siya sa akin. Matangkad siyang lalaki. Itim ang maluwag na t-shirt at isang maong pants ang suot niya. Tumitig ako sa suot niyang sapatos, may bahid iyon ng dugo, naglakad siya sa buong kwarto. Anino ng paa niya ang nakikita ko sa sahig. Sinilip ko sila mula sa awang ng pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD