Ang sakit sakit sa dibdib. Nag pumiglas ako kasabay non ang pag dating ambulansiya. Mas lalo akong nanghina. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ako makahinga kakaiyak. Kaagad tumabi ang mga tao ng lumapit doon ang dalawang nurse na lalaki at isa pang tao. Nag pumiglas ako sa hawak ni Adam. Gusto kong lumapit. Gusto kong lapitan si Lucas. Kasalanan ko. Mas lalo akong humagulgul. Halos hindi ko maramdaman ang mga katawan ko dahil sa panghihina. "S-sasama ako."nanghihinang sabe ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ni Adam na nakahawak sa bewang ko. Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Kaagad akong pumasok sa ambulansya pero bago un narinig ko muna ang malutong na mura ni Adam. "Si A-abbie Adam. Ang anak ko, sumunod kau sa akin.." pahabul ko bago sumara ang ambulansiya. Para a

