Hindi ko alam kong anong naramdaman ko. Napangiti ako ng malungkot kasabay non ang pagtulo ng isang butil kong luha. Sinalo ko nalang ito gamit ang palad ko. Kinalma ko ang sarili ko. Pero.. Aksidenting napatingin ako sa kaliwang daanan ng hospital at tumambad sa akin si Mr. Mrs Samanego na nakatingin sa akin habang tulak tulak ang wheel chair na kong saan naka upo si.. "O-olivia?." Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha nito. Dahan dahan itong palapit sa amin. Kumirot ang puso ko habang nakatingin dito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngaun. Kumirot lalo ang puso ko ng tuluyan na silang nasa harap namin. Ang lapit lapit na ng distansiya namin. Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko ng makita ko ang totoong mukha ni Olivia. Naka upo ito sa wheel chair habang nakasoot

