Ok lang! Masakit pero kailangan tanggapin. Masakit pero ok lang. Hindi namin ipililit ang sarili namin ng anak ko sa mga taong ayaw namn sa amin. Hindi ko ipipilit ang sarili namin ng anak ko sa mga taong hindi kami tanggap. Masakit kase wala kang magagawa kundi ang tanggapin nalang.. Ngunit. Nagulat ako ng nasa harapan na namin si Mrs. Revamonte habang nakatingin sa anak ko. Lumuhod ito para mag lebel sila ng anak ko. Nagulat talaga ako at hindi makagalaw. Seryoso ang mata ni Mrs. Revamonte habang pinagmasdan ang anak ko. Kumirot agad ang puso ko ng dahan dahan inangat ni Mrs Revamonte ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ng anak ko. Umusog ang anak ko palapit sa akin na parang natatakot. "She look like Lucas." wala sa sarili nitong sabe. Mas lalo akong nanigas. Ramdam ko kaagad ang

