bc

She Won't Beg Again

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
forced
heir/heiress
drama
sweet
loser
small town
like
intro-logo
Blurb

Elizabeth Houston, ang nag iisang anak na babae ng pamilyang Houston. Isang mayamang pamilya, pero iniwan ni Elizabeth ang karanyang buhay upang makasama Ang taong minamahal. Kinuha ni Elizabeth ang parte sa yaman ng pamilya bilang nag iisang anak na babae upang ialay eto sa taong minamahal na si Grae Mardrid. Pero sa kabila ng pag mamahal at sakripsiyo ni Elizabeth, Hindi nya nagawang mahalin sya pabalik ni Grae. Naging Isang utusan, alalay at madalas ginagawa syang punching bag ni Grae. Oo kasal sila, pinakasalan sya ni Grae, pero hangang papel lang Ang kasal nila dahil Hindi itinuring Asawa ni Grae si Elizabeth. Dahil may mahal na iba si Grae. Sumang ayon lang si Grae sa kasal dahil sa inakala Neto na mapapasakanya ang yaman ng Houston. Pero Hindi eto nangyari dahil itinakwil si Elizabeth ng kanyang pamilya matapos nyang kunin ang mana netong kayamanan.Sa pag lipas ng panahon, mananatili pa ba si Elizabeth sa piling ni Grae at patuloy na ipag lalaban ang pag mamahal neto kahit kitang kita neto ang lamig na pakiki tungo sakanya ni Grae, o lilisan at muli etong mag sisimula sa panibagong yugto ng Buhay Niya. Pero paano kung, kung kailan umayos Ang buhay Niya at may handang mag mahal sakanya ng tapat, pero bumalik Ang kanyang dating minamahal. Pipiliin ba nya Ang taong handang ipag laban sya o muli nyang bubuksan Ang puso nya para sa taong dati nyang minamahal.

chap-preview
Free preview
She Won't Beg Again ( Chapter 1)
She Won't Beg Again Chapter 1 "Dad!! mahal ko po so Grae. At mahal din nya ako." pag susumamo ni Elizabeth sakanya ama na si Wilbert Houston. "wake up Beth. Hindi ka mahal ni Grae. Ang yaman lang Ang habol nun sayo. Ang Pera natin." pag papaliwanag naman ni Edward Houston. Ang panganay na anak ni Mr. Wilbert Houston. "ano bang pinakain Sayo ng Grae na yan at baliw na baliw ka dyan ha?!!" pag tatanong naman ni Erwin Houston. Ang pangalawang anak ni Mr. Wilbert Houston. May tatlong anak Sila Mr. Wilbert Houston at Mrs. Beatrice Sue Houston. Si Edward Houston ang panganay na anak. 31 years old. Si Erwin Houston ang pangalawang anak, 28 years old. At si Elizabeth Houston, 25 years old, ang pangatlo at bunsong anak, nag iisang babae sa kanilang pamilya. "Mom, please. Nag mamahalan kami ni Grae. Hindi ka naman tutol sa pag mamahalan namin diba?." Saad ni Elizabeth sakanyang Ina. "wag mong kakampihan yang anak mo Bea, Ang bata pa nya para mag pakasal. At alam natin na kaka Kilala lang nilang dalawa. Ilang buwan lang silang mag kakilala. Tapos mag papakasal agad?! ni hindi natin alam kung anong klaseng pagkatao ang meron niyang Grae na yan at ang buong pamilya niya." Saad Naman ni Wilbert. Nagka gulo sa pamamahay ng Pamilyang Houston ng sabihin ni Elizabeth sa pamilya nya na mag papakasal na sila ni Grae ang Nobyo ni Elizabeth. Tutol Ang buong pamilya nya sa una palang sa pag kakaroon ng nobyo neto lalo nat nag iisang anak na babae at bunso pa. Itinuturing prinsesa, at baby nila si Elizabeth sa pamilya nila. Kaya tutol Sila sa pakikipag relasyon neto, at lalong Lalo na at Kay Grae Mardrid pa. Hindi gaanong kilalang pamilya. "I check his background, at alam mo kung Anong nakita ko ha?!! Beth. Ex fiance niya si Claire Mesis. Hindi natuloy Ang kasal Kasi nag back out si Claire, at nag tungo sa ibang bansa. Nang dahil dun nalubog at nag ka utang ng Malaki Ang pamilya ng Grae na yan dahil sa kasal na di natuloy." Saad ni Erwan. "I know kuya. I know all about him. I know about his ex and I know about his family." pag tatangol ni Elizabeth kay Grae. "alam mo pala! pero bakit nag pupumilit kapa rin na ikasal kayo ni Grae. Look Beth Pera lang Ang gusto nila Sayo, Ang yaman natin,dahil pa bagsak na Ang company ng mga Mardrid." Saad ni Edward. "sweet heart, please." pag susumamo ni Beatrice Ang Ina ni Elizabeth. Hinawakan niya Ang mga palad ni Elizabeth at sinabing, "sweetie, kapakanan mo lang Ang iniisip namin, para Sayo din tong ginagawa namin Sayo, ng mga kuya mo. Pag isipin mo muna ng mabuti anak, wag Kang padalos dalos." "mom, mahal ko Po so Grae, iniwan sya ni Claire kung kailan kailangan sya neto, hindi ako gagaya Kay Claire na iiwan si Grae sa ere. Mommy, mahal ako ni Grae. Maniwala ka, pagkatiwalaan neyo po ako." Saad ni Elizabeth. "Kung ipag pipilitan mo Ang gusto mo, itatakwil kita bilang anak ko!" Galit na Saad ng ama ni Elizabeth. "Dad!!" bulaslas at sabay na Sabi Naman nila Edward at Erwin. "Wilbert! anong pinag sasabi mo??" Sabi naman ni Beatrice. "Dad?. kailangan pa ba natin umabot sa ganito?" Sabi naman ni Elizabeth, at di na napigilan ng kanyang mga luha na pumatak. "kung kinakailangan, Oo! papaabotin ko sa sitwasyong itatakwil kita pag nag pumiliit ka sa gusto mo!" pag mamatigas na Sabi ni Wilbert. Nang akmang tatalikod na si Wilbert at aalis eto, nag Salita si Elizabeth. "ok fine dad! walang makaka pigil sa gusto ko, kung Yan ang gusto mo na itakwil ako, sige!! pero sa Isang kondisyon, sa oras na itakwil mo ko bilang anak mo at bilang parte ng pamilyang eto, kukunin ko Ang mana ko, ibigay mo sakin Ang nararapat na para sakin." Saad ni Elizabeth pero patuloy na bumubuhos Ang kanyang mga luha. "Beth!!" sabay na Sabi nila Edward at Erwin, pareho din Silang nag gulat at di makapaniwala sa mga nangyayari at sa desisyon ng kanilang ama at ng kanilang bunsong Kapatid. Muling humarap ang kanyang ama, tinignan sya ng mabuti na may Galit at pang hihinayang. Makalipas ang ilang minuto, bumuga ng malakas na hangin Ang ama Neto. "mas pipiliin mo pa talaga nag lalaking iyon kesa sa pamilya mo haa?!!" Saad ng ama neto. "oo Daddy, pipiliin ko si Grae. Mahal ko sya." sagot ni Beth. "mag ayos ka na ng gamit mo, at lumayas sa pamamahay na eto, after ng kasal mo makukuha mo Ang parte mo." Sabi ni Wilbert. "Dad!!" sabay na Sabi nila Edward at Erwin. "Hon. Hindi mo pwede Gawin Yan sa anak natin. Nag iisang anak na babae natin si Beth." Sabi naman ni Beatrice. "namili na sya, kagustuhan Niya yan Hindi ako. Ibibigay ko lang Ang gusto nya." sagot ni Wilbert. "No dad! don't do this!! she's still our princes. our little sister." di pang sasang ayon na Saad ni Edward. "sya na mismo nag Sabi na Hindi na sya Bata. Hayaan neyo sya tumayo sa sarili niyang mga paa. Ayaw nya ng gabay natin, sige! pag bibigyan ko sya sa gusto nya." Saad ni Wilbert. "Ako na Ang sasagot sa lahat ng gastos sa kasal mo, piliin mo Ang ingrande at mahal para sa kasal mo. Pero wag mong aasahan na dadalo ako sa kasal mo. Regalo ko na Lang sayo Yan bilang pagiging parte ng pamilyang eto, nang saganun, walang masabi Ang mga tao na pinabayaan ka namin." Saad ni Wilbert Kay Beth. "Dapat pag balik ko reto Wala kana." Dugtong pa na Sabi ni Wilbert sa kanyang anak na si Elizabeth. At tuluyan ng umalis si Wilbert saknilang pamamahay at nag tungo sakanilang kompanya. Sumunod naman na Umalis Sila Edward at Erwin pagka alis ng kanilang ama. Wala din Sila nagawa sa desisyon ng kanilang ama. Naiwan Sila Elizabeth at Beatrice. Yakap yakap ni Beatrice Ang anak na si Elizabeth na umiiyak at napa upo sa sahig ng maka alis Ang ama neto. Makalipas ang ilang oras, hinatid ni Beatrice Ang anak nyang si Elizabeth sa pamamahay ng mga Mardrid. -sa pamamahay ng mga Mardrid - Habang naka higa sa higaan si Grae, kinuha nya Ang larawan sa maliit na table nya na nasa gilid at katabi ng kama Neto, Ang larawan ni Claire Mesis Ang ex fiance neto, 7 yrs. Ang relasyon nilang dalawa. Pero nauwi sa hiwalayan Ang relasyon nila. "I missed you babe. did you missed me? please come back. I still love you." Sabi ni Grae, kausap Ang larawan ni Claire na hawak hawak neto. >flash back "Claire Mesis, will you marry me? can you be my wife? can you be a Mrs. Mardrid?" pag aaya ni Grae sa kasintahan netong si Claire. Nasa isang restaurant Sila at talagang pinag handaan ni Grae Ang gagawing proposal sa kanyang kasintahan sa loob ng pitong taon. Maraming taong nanunuod at Ang iba ay nag ve-vedeo pa sa nagaganap. "yes!!" malakas na sagot ni Claire. "yes!! I will marry you Grae." dugtong na sagot ni Claire. Malawak Ang ngiti ni Grae sa sagot ng kasintahan. Sino bang Hindi magiging Masaya kung Ang babaeng matagal mong minahal ay sasang ayon na pakasalan ka. At Yun Ang Araw na pinaka Masaya si Grae, Ang pag payag ni Claire na pakasalan sya. Minahal ni Grae ng lubusan si Claire, ginawang prinsesa at ginawa niyang mundo. Sa pag lipas ng ilang Araw at linggo, inasikaso ng maiigi ni Grae Ang kasal nila ni Claire, pina pili ni Grae si Claire ng Wedding dress Neto kahit gaano pa kamahal. At sa wakas sa pag lipas ng buwan, dumating din ang pinaka hihintay ni Grae, Ang Araw ng kasal nila ni Claire. Nauna na sa simbahan Ang pamilya ni Grae at si Grae, para doon hintayin Ang Bride Neto. Ngunit.. Lumipas Ang tatlong Oras na pag hihintay ay walang Claire na dumating. Hangang sa kalahating Araw na Ang lumipas sa Araw na iyon, kahit isang pamilya ni Claire ay walang nagpakita. Walang dumalo. Hindi rin ma contact Ang Numero ni Claire, at kahit ni Isang Numero sa pamilya ni Claire ay walang ring ma contact. Hangang sa Isang text message Ang natangap ni Grae galing Kay Claire. >I'm sorry babe, I can't. Hindi pa Pala ako handa mag pakasal. Wag mo na akong hintayin, naka alis na ako papuntang ibang bansa, sana makahanap ka ng babaeng deserve mo. Maging masaya ka sana, for the last time I love you but good bye Bumuhos Ang Galit si Grae at pinag sisira Ang mga dekorasyon sa simbahan, nag Wala sya doon at nag sisigaw. "Claire!! Claire!! " Paulit ulit na Sinasabi ni Grae. "Claire!! wag mo kung Iwan please." pag susumamo ni Grae, umiyak ng umiyak si Grae at nag sisigaw. >end of flash back "ano ba!" pag rereklamo ni Grae ng masilaw sya sa sikat ng Araw mula sa pag bukas ng kurtina ng bintana ng kwarto niya. "Anong oras na Grae! Anong oras mo balak gumising Dyan ha!" pag tatalak ng kanyang Ina na si Margareth Mardrid. At sya din Ang nag bukas ng kurtina mula sa bintana. "ma naman. kanina pa ako gising ayoko lang bumangon, wala naman akong gagawin sa Araw na eto. Hayaan mo na nga lang ako rito ma." saad ni Grae. Bigla Naman pumasok sa kanyang kwarto Ang kanyang ama na si George Mardrid. "baka nakaka limutan mo na may kasintahan Kang nag hihintay Sayo Grae. " bungad na Sabi ng kanyang ama. "Claire is not here." Saad ni Grae. Bumangon eto mula sa pag kaka higa at umupo, Saka nya ibinalik ng maayos sa little table Neto na katabi kah kanyang kama ang larawan ni Claire. "Hindi si Claire Ang tinutukoy ko. Baka nakaka limutan mo na 4 months ago, after di natuloy Ang kasal neyo ni Claire ay may dinala Kang babae dito." Sabi naman ni George. "Pa! Isang Gabi lang Yun! Isang gabing pag kakamali, kung baga! one night stand lang yun, Hindi ko sya pinilit, kusa niyang binigay. and that's not my problem. Wala Naman akong pananagotan sakanya dahil Hindi naman sya buntis. " pag e explain ni Grae. "kung Wala ka palang gusto doon bakit mo sya pinakilala sa mga ka negosyo natin at sa pamilya ni Claire na girlfriend mo sya." Saad ni George sa anak. At di Nalang naka sagot si Grae sa sinabi ng ama. "honey, hayaan mo na Ang anak mo." Saad ni Margareth. "tumayo kana dyan at bumaba, ayusin mo Ang relasyon neyong dalawa ni Elizabeth sa ayaw at sa gusto mo. Naintindihan mo?" Sabi ni George . "yayain mo syang mag pakasal kayo, sya Nalang Ang tanging pag asa natin para maisalba Ang kompanya natin. Tandaan mo, dahil sa pag papakasal mo Kay Claire ilang milyon Ang nawala satin, pati sponsor natin nawala dahil sa eskandalong ginawa ng Claire na Yan." dugtong na sabi pa ni George. Napa buntong hininga nalang si Grae at sabing, "yes pa " Pag alis ng kanyang ama, si Margareth Naman Ang kumausap Kay Grae. "ijho, Gawin mo nalang Ang pinapagawa ng papa mo Sayo, Wala naman masama doon, alam ko Naman na mahal na mahal mo parin si Claire." Saad ni Margareth. Hinawakan ni Margareth Ang palad ng anak. "Ganito nalang, mahal na mahal Ka ni Elizabeth, gagawin nya Ang lahat sayo, isipin mo pag mag Asawa na kayo, hilingin mo Kay Elizabeth na Gawin kang C.E.O ng ibang kompanya nila. Tapos pag Napa Sayo na Ang yaman ng mga Houston maki pag divorce ka at sundan mo si Claire kung nasaan man sya, at don kayo mag pakasal." Saad pa ng Ina Neto. Napa ngiti si Grae sa idea ng kanyang Ina. Nalubog sa utang Ang pamilya Nila kung kayat kailangan nila Ang influencer na tao o mayaman, para maisalba nah maliit nilang negosyo, at si Elizabeth Ang nakikita nilang makaka tulong sa problema nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.4K
bc

Too Late for Regret

read
287.7K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
137.8K
bc

The Lost Pack

read
399.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook