Feeling guilty has been a vital part of human nature. It happens every time people forgot or do something and will result in negative things. And that’s what exactly Sachi feels. Hindi pa sumisikat ang haring araw ay tinawagan na niya ang kaniyang kaibigan na si Lyka. Pagkatapos niyang tumawag ay agad siyang naglinis ng katawan at lumabas sa kaniyang kwarto. Tahimik pa ang mansyon ngunit nasisiguro niyang gising na ang mga kasambahay. Hindi na siya nagpaalam dahil saglit lang naman siya. Pagdating gate ay halos ayaw pa siyang palabasin ng guard ngunit sinabi niyang dyan lang siya sa labas. Nang makita ng guard si Lyka at tsaka na siya pinagbuksan ng gate. “Hinihintay ko ang tawag mo kahapon.” ang naging bungad ni Lyka pagkapasok ni Sachi sa kotse. Isang mabigat na buntong-hininga naman

