Love really does play on your emotion. But at the end of the day, it will also give you the satisfaction you want. Pagpasok sa kabahayan ay agad na humingi ng paumanhin si Sachi kay Nanang Della sapagka’t ito ang pinakamatanda at nagsisilbing guardian nila. Mapagpasensya naman ito kung kaya’t agad siyang pinatawad. Si Sachi ay likas na matigas ang ulo at madalas talaga niyang magawa ang nagawa niya. Dahil naging independent siya sa Canada noon ay nasanay siyang umaalis na lang bigla at hindi na nagpapaala. Nadala niya iyon hanggang sa Pilipinas. Ang kaso ay iba na sa Pilipinas dahil dito ay mayroon na siyang mga kasama sa bahay. Matapos kausapin si Nanang Della ay tsaka na siya tumuloy sa ikalawang palapag. She stopped right in front at Ken’s room. Makailang beses siyang kumatok pero hin

