When we’re in love, we feel being swayed in the cloud. It was like we were dancing with the softness of clouds. The feeling is ecstatic. Matapos ang makamundong halik na pinagsaluhan ng dalawa ay nagkatitigan sila. Masuyong hinaplos ni Ken ang pisngi ni Sachi at sa sobrang suyo niyon ay napapikit na lang si Sachi. The feeling is all brand new. Para siyang idinuduyan sa hangin dahil sa gaan ng kaniyang pakiramdam. Nakakatuwa na matapos niyang matakot ay heto na siya at ninanamnam ang masayang pakiramdam. Mula sa pagtititigan ay mahigpit na niyakap ni Ken si Sachi. Kung gaano kasaya si Sachi ay ganoon din si Ken. Alam niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi niya ito pagsisisihan. Ang masayang pakiramdam na nararamdaman niya ay ngayon niya lang ulit naranasan. For the past years, he feels

