Hindi ko na alintana ang ginagawang pagtawag sa pangalan ko nina Troy at Elisse. Mabilis akong nagtatakbo pabalik ng ospital. Panay pagdausdos ng mga luha ko sa tuwing inaalala ko ang mga huling salitang binitiwan ni Mommy sa akin kanina. Halos hawiin ko ang mga taong nakakasalubong ko makarating lang ako agad sa elevator ng ospital. Ngunit hindi pa ito nakakababa sa groundfloor nang makarating ako. Dahil dito ay tinakbo ko kaagad ang kinaroroonan ng hagdanan. Pagkarating ko sa third floor ay halos madurog ang puso ko pagkakita ko kina Mommy at sa mga magulang ni Joaquin na walang patid ang pagtangis. "Mommy, nasaan na ang anak ko?" pasigaw kong tanong kay Mommy. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin patungo sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko pagkakita ko sa namumugto niyang

