Sabi nila ang isang tao raw na malapit nang mamatay ay nakakakita ng mga yumao nilang kamag-anak. Siguro nga patay na ako dahil sa pagrehistro naman ng imahe ni Daddy ngayon sa harapan ko nang ako’y muling dumilat. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dinampian niya gamit ang palad ang kaliwang pisngi ko. I could thoroughly felt his warmth. Mabilis na naglaglagan ang aking mga luha. Napapikit ako nang mariin. Sa wakas... Makakatakas na rin ako sa malupit kong mundo! Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sinalubong ako ng nag-aalalang mga mata ni Daddy. "Denise, huwag mong ituloy anak!" His words kept on echoing inside my head. Paulit-ulit iyon. Napatakip na ako sa aking magkabilang tainga. Hanggang sa unti-unting nanlalabo ang imahe ni Daddy sa harap

