Pagkatapos ng misa ay nagtulos kami ng kandila sa gilid ng basilica. May ilang nagtitinda ng kandila ang nag-aalok ng padasal sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Sinulog ritual. Pagkalabas namin ng simbahan ay nilakad namin ni Manang ang daan papuntang Plaza Sugbo; hindi ito kalayuan mula sa basilica. Dito raw matatagpuan ang isang chapel kung saan naroroon ang replica ng makasaysayang Magellan’s cross. Nakakahanga dahil na-preserve talaga ng lungsod ang history ng lugar na ito sa kabila ng modernisasyon ng makabagong panahon. Dahil sa ginawa naming pamamasyal kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong pagkainis kay Joaquin kanina. Ilang saglit pa ay nagpahatid na kami sa driver papuntang Midland Hotel. Saktong alas dose ng tanghali kami nakarating kaya naman inaya ko ng kumain si Man

