Patakbo akong bumalik sa aking silid pagkatapos ng komprontasyon kong iyon kay Joaquin. Mabilis kong ni-lock ang pinto para hindi siya makapasok kung sakali mang maisipan niya akong sundan. Pagkaupo ko sa kama ay tumunog ang aking cellphone. Isang videocall ang natanggap ko mula kay Liz. “Couz!” excited niyang saad mula sa kabilang linya. Umayos ako ng upo habang inaaninaw ang pigura niya sa screen. “We’re gonna be there on Tuesday!” pagbabalita niya. Hindi ako agad nakaimik. Pinahid ko muna gamit ang tissue ang namamasa ko pa ring mga mata. “Hey! Umiiyak ka ba?” pagpansin niya gamit ang malakas na intensidad na boses. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Agad akong umiling. Kinuha ko ang headset na nakapatong sa side table bago ko tanggalin ang pagkaka-loudspeak ng tawag. “Don’t lie to m

