“Henry, pakisabi sa sekretarya ko na i-cancel ang meeting ko sa mga taga-Avaya Land Corporation,” ma-awtoridad na pag-uutos ni Joaquin sa kanyang bodyguard. Mabilis namang tumango ang kausap. “Please tell her that an emergency came up,” pagpapatuloy pa niya gamit ang seryosong mga mata. Bahagyang kumalma ang kaninang mabigat na emosyon ko. Ngunit alam kong hindi pa muna ako dapat magpakampante. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa magiging pag-uusap naming dalawa. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang buong atensyon sa akin. Sinalubong ko siya ng mga mata kong punong-puno ng kompiyansya. “Let’s talk at my suite,” he demanded. Nakasunod ako sa kanya habang marahan na niyang tinatahak ang loob ng elevator. I sighed heavily while I stepped inside the lift. Kaming dalawa lang ni Joa

