Natigil ang malagkit na pagtitinginan nina Joaquin at noong babae nang sinimulan na ang Invocation na pinamunuan ng isang pastor. Nagsitayo ang lahat para makiisa sa pagdarasal. Pagkatapos ng opening prayer ay nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip tungkol sa kung anong mayroon sina Joaquin at ang babaeng katitigan niya kanina. Those passionate stare from the two will make anyone who witnessed it thinks that they are into a sensual relationship. Hindi nga kaya karelasyon siya ni Joaquin? Hindi ko mapigilan ang mga mata ko na tanawin iyong babae. Taimtim siya ngayong nakikinig sa mga sinasabi ng emcee. Kagaya niya ay naka-focus din ang mga mata ni Joaquin sa gitna ng entablado. Para lang akong isang hangin ngayon sa tabi niya, hindi niya pansin ang aking presensya. Magmula nang

