Chapter 9 - Vomit

2402 Words

She is married! Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Manang Maria. Kung tama nga ang kutob ko na may relasyon silang dalawa ibig sabihin lang no’n ay... Kabit ni Lucy si Joaquin! Masyado ng imoral ang mga bagay na pumapasok ngayon sa isip ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayokong magpaka-stress pa dahil doon. Siguro ay kailangan ko na lang hayaan na lumabas ang katotohanan sa tamang panahon. Bandang alas sais ay inabala ko ang aking sarili sa panonood kay Manang habang nagluluto ito ng adobo. Ayon sa kanya ay alas otso ng gabi ang karaniwang oras ng pag-uwi ni Joaquin dito sa penthouse. Nagte-text daw ito sa kanya kung sakaling maisipan nitong magpaluto ng hapunan. Wala naman itong abiso ngayon sa kanya, gusto niya lang daw talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD