Reyna Ashana at Haring Piyo...◐.̃◐

2081 Words
Papasok pa lang ng Palasyo sila Urduja, Amihan at Fairy Io, nakaabang na sa kanilang pagdating ang Reyna Ashana at kabiyak nitong si Haring Piyo sa bulwagan. "Ina!" "Dahan dahan lang aming Prinsesa!" Nagmamadaling sinalubong ng yakap ni Piyo ang tumatakbong Anak palapit sa kanilang mag asawa. "Urduja, hindi ganyan ang kilos ng isang Prinsesa!" Bagamat nakangiti ang kanyang Ina, alam na alam ni Urduja na hindi nito nagustuhan ang kanyang ikinilos. "Patawad Ina! Nasasabik lang akong ipakilala sa inyo ang aking mga kaibigan." "At sino naman ang magagandang Diwata na iyong kasama, Anak?" Pang aalo ng kanyang Amang Hari ng makitang paglungkot ng kanyang mukha. Sa kanyang dalawang Magulang, mas malapit sya sa kanyang Ama kesa sa kanyang Ina. Nagagawa nyang lahat ng naisin at gustuhin kapag ito ang kanyang kasa kasama. Parang ang gaan gaan ng kanyang buhay kung ang Ama lang nya ang nasa paligid, pero kapag andyan ng Ina, pakiramdam nya'y nakakulong sya sa pinaka malalim na balon at di makaahon ahon. Matayog na Palasyo man ang kanyang tinitirhan, mas nanaisin pa ni Urduja ang manirahan sa kanyang munting tahanan sa kagubatan, kasama ang mga paroparo nyang mga kaibigan. Napangiti sya ng kanyang maalala ang kanyang tahanan, hindi sya nag iisa ng kanyang itatag ito. Sa tulong ng kanyang mga kaibigang Diwata, maganda ang kinalabasan nito. Si Ayana, ang nakaisip na magtatag silang apat ng sari sarili nilang munting Palasyo.. Isang Palasyo na kanlungan nila kapag nanghihina't dina kinakayang mga pagsubok nila sa buhay. Kumbaga, mag re recharge lang muna sila saglit at kapag nakapag isip at naliwanagan na.. saka babalik at sasabak na ulit sa hamon ng kanilang buhay. Si Amihan, na mas pinili ang kabundukan para dun itayo ang matayog nitong Palasyo. Si Ayana, na sa kapatagan malapit sa lagusan patungong mundo ng mga Tao, dun sya nagtatag ng Palasyo nito, para mas malapit sya sa mga tagalupang mga Magulang na nag aruga at nagpalaki dito. Sa karagatan naman, nagtatag ng kangyang Palasyo si Mayumi, dahil bukod sa alagad nitong Octopus, mahilig itong manguha ng perlas at iba't ibang halamang dagat na ginagawa nitong gamot. 'Haayy... Kumusta na kaya kayo ngayon Ayana't Mayumi? Nasasabik na akong muli kayong makita.' Mahinang tapik sa braso ang nagpabalik kay Urduja sa kasalukuyang kaganapan. Pagbaling nya sa katabi ay nakangiting mukha ng kanyang Ama ang nalingunan nya. "Huh! Ama?" "Urduja, Anak! Ipakilala mo na sa'min ang yung mga kaibigan!" "Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko!" Kaagad na nilapitan nyang mga kaibigan, pumagitna sa mga ito, saka sabay na inakbayan. "Mahal kong Inang Reyna at Amang Hari, ito po pala si Prinsesa Amihan, ng Kahariang Nahara." "Nahara? Ikaw ang Anak ni Reyna Shera?" Tila nagulat pang kanyang Ina ng magtanong ito kay Amihan. Baba akyat ang mapanuring mga mata nito sa kabuoan ng kanyang kaibigan. Samantalang ngiting ngiti naman ang kanyang Ama. "Maaliwalas na araw.. Kamahalan! Ikinagagalak ko po kayong makilala." Yumukod bago tuwid na tumayo si Amihan, saka ngumiti sa Hari bago bumaling sa Reyna, at nakipagtitigan dito. Ramdam nyang binabasa nito ang kanyang kaloob looban. Ng biglang nag init ang kanyang pakiramdam na tila ba nag iiba ang pagdaloy ng kanyang dugo. 'Peste! Anubang ginagawa ng Reyna na ito sakin? Bakit nya sinasaliksik ang buo kong pagkatao? At dugo ko pa talaga ang kanyang ginagamit..! Hahh!' "Isa kang Diwatang itim, anong hangarin mo sa pakikipag kaibigan sa aking Anak?" Seryosong tanong ng Reyna kay Amihan na tikom ang bibig. Ayaw nyang magsalita, dahil kapag ginawa nya yun.. Kusang lalabas ang itim na dugo sa kanyang bibig. Ang itim na dugo ng kanyang Ama, na tila isang uri ng asido na pumupuksa sa bawat matalsikan nito. Ayaw nyang makasakit lalo pa nga't ang kanyang mga kasama ay lubhang mahalaga sa kanya, maliban lang sa Reyna Ashana na ito, na sinasagad talaga ang kanyang pasensya. "Ina! Matagal ko na pong Kaibigan si Amihan, pakiusap Ina, wag nyu na po syang pahirapan!" Nilapitan ni Urduja ang kanyang Inang Reyna, kulang ang kanyang salita para mapatigil ito sa ginagawa kay Amihan, kaya niyapos nya muna ito bago binalingan ang Amang Hari, humihingi ng tulong ang kanyang mga tingin dito. Nakakaunawang tumalima naman kaagad ito. Nilapitan ang Kabiyak na seryosong nakikipagtitigan kay Amihan. "Ashana, mahal ko! Tama na yang pagkilatis mo sa mga kaibigan ng Prinsesa natin, minsan na nga lang magdala ng panauhin yang Anak mo dito, kung anu ano pa yang pinaggagagawa mo! Itigil mo na yan, pakiusap lang.. tama na Ashana!" "Wala naman akong ginagawa, Piyo! Umawat ka kapag nakita mong hawak kong gitong gitara ko! At mataranta ka, kapag narinig mong musika na tinutugtog ko!" "Sus! May instrumento ka mang hawak o wala.. alam kong mayrun kang ginagawang hindi mabuti sayong kapwa Engkanto!" "Ah ganun! Pinagbibintangan mo na ako ngayon ganun ba! Ha, Piyo?" At dahil sa sagutan ng mag asawa, nawala ang konsentrasyon ng Reyna kay Amihan, nakahinga ito ng maluwag at unti unti ng bumabalik sa normal ang pagdaloy ng dugo nito. "Hindi naman sa ganun! Mahal kong Reyna, magagawa ko ba naman yun sa'yo! syempre hindi diba? Halika nga dito!" Nakangiting hinila ni Piyo ang nakasimangot na namang asawa. 'Kulang lang ito sa pansin at lambing eh! Kaya nagsusungit na naman! Hehe.. itong kabiyak ko talaga! laging pabebe eh!' "Mahal, wag mo ng paka suriin yang mga kaibigan ng Prinsesa natin! hmm.. Kasi, sigurado naman akong mabubuti silang Diwata, gaya ng Anak natin.. kaya, kumalma kana! Ha!" "Pero, itim na Diwata sya, Piyo!" "Eh! Ano naman ngayon! kung itim na Diwata sya? Hindi naman lahat ng lahing Itim na Engkanto ay masasama, Ashana!" "Nakalimutan mo ng nangyaring pagbihag kay Amethyst noon, Piyo, ha?" "Ang Palasyong Boreas ng mga itim na Anghel ay matagal ng bumagsak at naglaho, Ashana! Ilang dekada na rin ang lumipas, naging Reyna na si Amethyst na isang Prinsesa pa nung binihag sya ng mga itim na Anghel. Hanggang ngayon ba, nag aalala kapa rin?" "Dahil marami pa ring nabubuhay na kauri nila, Piyo.. Nag iingat lang ako! Lalo na sa mga may lahing Itim, masama ba yun?" Ang tatlong Diwatang nakikinig, na palipat lipat ang tingin sa Hari at Reynang nagtatalo pa rin mula ng dumating sila, ay sa wakas unti unti ng nauunawaan ang rason kung bakit at kung saan nanggagaling ang galit ng Reyna Ashana. sa mga may lahing itim. "Pero, Mahal ko, hindi naman isang itim na Anghel si Amihan, para tratuhin mo ng ganyan?" "Isang makapangyarihang itim na salamangkerong Engkanto ang kanyang Ama, na oo nga't namayapa na, pero pareho nating alam na isa ang angkan nito sa pinaka malalakas na nabubuhay dito sa mundo ng Engkantadya. Sa dugo pa lang nito, na asidong lason kapag ikaw ay natalsikan o nakapitan, ito'y napaka delikado! nag iingat lamang ako Piyo, isang Ina na nag aalala para sa kanyang pinaka mamahal na Prinsesa!" Wala ng masasabi pa ang Hari sa narinig na paliwanag ng kanyang kabiyak. Hindi man maganda ang pamamaraan nitong ginagawa sa lahat ng nakakasalamuha nitong panauhin na umaapak sa Palasyo ng Inspra. Lalo na kapag nakakaramdam ito ng itim na kapangyarihan at daloy ng itim na dugo sa paligid. Kaagad nitong isinasailalim sa pagsusuri ang kung sinumang nilalang na pinanggagalingan nun. "Paumanhin, Mahal na Hari at Reyna! Ako po si Fairy Io, galing ng Fairyland.. Naatasan sa isang mahalagang misyon ni Mother Golden Fairy Enolla." Sabay pang napabaling ng tingin ang mag asawa kay Fairy Io, na yumukod bilang pagbibigay galang sa Hari at Reyna ng Kahariang Inspra. "Misyon?" Kunot nuong tanong ng Reyna. "Na hanapin ang mga bagong mangangalaga ng apat na makapangyarihang brilyante ng Bathalang Kaiser, Kamahalan." "At isa ako sa napili ni Fairy Io, Ina!" tuwang tuwa na niyakap pa ni Urduja ang kanyang Ina. "Hinihiling ko po sa inyo, Kamahalan! Na sana ay inyong payagan at pahintulutang sumama sa amin ang inyong Anak!" Wala pa ring kare a reaksyon ang Reyna, kahit halos naipaliwanag na ni Io ang sadya nito sa Inspra. Kaya sa Hari naman lumapit si Urduja at naglambing. "Ama, sige na po, tulungan mo naman akong mapapayag ang Inang Reyna!" "Gusto mo ba talagang maging isa sa mga, tagapangalaga ng brilyante, Anak?" "Gustong gusto ko po Ama, kaya sige naa.. tulungan mo akong mapapayag si Ina!" Tinapik tapik ni Piyo ang likod ng Anak. "Sige, ako ng bahalang magpaliwanag sa'yong Ina." "Talaga! Ama? salamat ng marami, napakabait mo talaga!" "Para sa nag iisa kong Prinsesa, walang hindi gagawin ang 'yung Amang Hari, ang makita kang masaya't maligaya.. sapat na sa'kin yun, Anak!" "Mas mahal na mahal kita Ama!" Masayang nagyakapan ang mag Ama, di man lang nila napapansin ang tinginan at pagbibigay ng senyales nila Amihan at Io sa kanila. Bumalik na naman kasi ang mabagsik na mukha ni Reyna Ashana. Hanggang sa magsalita na nga ito. "Hindi pa kita pinapayagan Urduja!" Tiningala nyang Ama na kayakap, nagpapaawa ang kanyang mukha. "Ama..!!" "Shh.. ako ng bahala sa Ina mo,! Sige, umalis na kayo! Mag iingat ka Anak ha!" Bagamat nakangiti ang kanyang Ama, nababasa pa rin ni Urduja ang lungkot na nakikita nya sa mga mata nito. Humigpit ang pagkakayakap nya dito. Ngayon lang sya mapapalayo sa kanyang Ama, kaya nalulungkot din syang matagal tagal rin na hindi sila magkakasama nito. "Maraming salamat, Ama! wag po kayong mag alala sa'kin, mag iingat ako palagi at palagi kong aalahanin ang inyong mga pangaral at bilin sa'kin..." Napahinga sya ng malalim, ito na naman sya.. nagiging marupok na naman ang kanyang damdamin... naiiyak na naman sya. "A- Ama..." "Hmm... ano yun, Anak?" "Mahal na mahal ko po kayo ni Ina..." Humihikbi ng sabi nya. Naramdaman nyang pagsuyong haplos ng Ama sa kanyang likod, tumulo na tuloy ang mga luha na pinipigilan nya mula pa kanina. "Mahal na mahal ka din namin, aming pasaway na Prinsesa Urduja! Sige na! Umalis na kayo!" Dahan dahan syang binitawan ng Hari, saka bahagyang itinulak sa kanyang dalawang kaibigan na nakamasid lang at naghihintay. "Ina! Paalam!" Kumaway ng pamamaalam sa Reyna, sabay hawak sa mga kamay nila Amihan at Fairy Io! Pakaladkad nyang hinila ang dalawa palabas ng bulwagan. "Maaliwalas na araw Kamahalan! Paalam...!" Sabay pang sambit nila Amihan at Io. Wala ng nagawa ang mga ito, kundi ang sabayan si Urduja sa mabilis na paglalakad nito. "Urduja! Bumalik ka dito! Dipa tayo tapos mag usap!" "Mahal kong Reyna, hayaan na lang nating gawin ni Urduja ang tadhanang nakalaan na sa kanya! Hmm.." "Pero, Piyo! Bata pang Anak natin..! Baka kung mapaano pa sya kapag napalayo sya sa atin!" "Malaki ng Prinsesa natin, Ashana! Kaya hayaan mo na syang gawin kung anong makapag pasaya sa kanya. At sana.. pagkatiwalaan mo sya..!!" "Anupa nga bang magagawa ko! Pinagtutulungan nyo akong dalawa palagi! Ikaw Piyo ha! sinasabi ko sa'yo, kapag yang Anak natin napahamak, ikaw ang mananagot sakin!" "Maluwag kong tatanggapin ang anumang parusa na ipapataw mo sa'kin, Kamahalan!" Sumaludo pang Hari sa nakasimangot nyang Reyna. Gaanu man ito kahigpit at kabagsik na Reyna ng Kahariang Inspra... Pero batid nyang.. pagdating sa nag iisa nitong Prinsesa.. Itago man nito ang kalambutan ng pusong taglay, mangingibabaw pa rin ang pagmamahal nito sa Anak na pasaway. 'Panu pag natuklasan ng mahal kong Reyna, na may kasintahan na ngang Shokoy itong si Urduja! Anong parusa kayang ipapataw nito sakin? Nyay! ngayon pa lang kinikilabutan na'ko sa maaari nitong gawin sa'kin..!' Palihim na sinulyapan nyang kabiyak na habol ng tanaw ang tatlong Diwatang nakalabas na ng Palasyo. 'Baka, ipatapon ako sa malayong lugar?' Bigla tuloy syang pinagpawisan sa kanyang naisip. 'Wag naman sana...' Nagulat pa sya ng biglang hawakan ni Ashana ang nagpapawis nyang kamay. Pero, napabitaw din ito kaagad, kasunod nun, ang nagdududang mga tingin nito, kasabay ng tanong na pinaka iiwas iwasan ni Piyo. "Anuba yang kamay mo Piyo? Nagpapawis na naman! Siguro may inililihim kana naman sakin anu! Ha?" "W- wala ah! Kung anu ano na naman yang iniisip mo! Lika na nga, kumain na lang tayo!" Nauna pa syang naglakad sa Reyna. Basta na lang nyang iniwan ito sa bulwagan.. "Anong nangyayari dun?" Naiiling na nasundan na lang nya ng tingin si Piyo. Kaugaling kaugali talaga ito ni Urduja. Kaya nga magkasundong magkasundo yung dalawa. 'Urduja, Anak! Mag iingat ka..! Mahal na mahal kita!... Alam kung sa ngayon, hindi mo pa maunawaan ang mga ginagawa ko, pero, ito ang pamamaraan ko sa paghahanda sa'yo, dahil balang araw.. sa tamang panahon, Ikaw na ang uupo bilang bagong Reyna ng Kahariang Inspra. Malaki ang tiwala ko sa'yo aming Prinsesa, kaya sana.. wag mo akong bigoin..!' Mahinang usal nya sa hangin.... 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD