Chameleon.. Tagapagbantay ng Lagusang Inspra◐.̃◐

2082 Words
Nagising si Lorsan sa malakas na hampas ng dahon sa kanyang mukha. Muntik pa syang mahulog sa pagkakasandal nito sa puno. Kinusot nyang mga mata, naghihikab na ininat ang mga braso, ng biglang may maalala. "Sina Io!" Napasulyap sya sa dalampasigan, nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala na dun ang kanyang mga pinagmamasdan, nakatulog pa sya ng hindi nya namamalayan. "San ng mga yun?" Naiinis na pinaghahablot nyang mga dahon na malapit sa kanya. Masamang masama ang kanyang loob. Isipin lang nyang basta basta lang syang iniwan ni Io dun, kumikirot ng kanyang dibdib. "San na nagpunta ang mga yun?" Napatingala sya sa bughaw na kalangitan dala ng prostrasyong kanyang nararamdaman. Umihip ang malamig na hanging dagat, napabaling tuloy ang tingin nya sa asul na karagatan. Sa matagal nyang pagmamasid dun, may naaninagan syang isang Sirenang lumalangoy padalampasigan. Sa kulay orange nitong mahabang buhok at sa buntot nitong nasisinagan ng araw kapag lumilitaw sa tubig, nakilala nya kaagad kung sino ang Sirenang yun. "Nixie!' Kaagad syang naglaho at lumitaw sa dalampasigan, hinintay nyang makarating ang Serina dun. "Hoy! Lorsan! Ba't ka nandito? Dika ba sumama sa kanila patungong Kaharian ng Inspra, ha?" 'Grabe! Pumunta sila ng Palasyo na hindi ako kasama?' "Sino bang hinihintay mo dito? Si Ashera ba?" "Ahm.. Oo, may hihingin sana akong halamang gamot sa kanya." Pagdadahilan nya dito... Nakakahiya naman kasing malaman pa ng Sirenang ito, na basta na lang syang iniwan ng tatlong Diwata dun. "Naku! Di makakaahon yun ngayon, binabantayan si Eihran.. Naglalasing na naman kasi ang nagtatampong Shokoy!" "Ahh.. ganun ba! Sige, babalik na lang ako ng Umbra, Nixie! Hanggang sa muli.. Paalam!" "Paalam! Lorsan, mag iingat ka sa'yong paglalakbay!" Napangiti si Lorsan sa huling sinabi ni Nixie sa kanya. 'Silang mag iingat sakin!' Kumaway sya sa nakangiting Sirena. "Ikaw din, mag iingat ka rin palagi, Nixie! Paalam!" Yun lang, at naglaho na sya. Echos nya lang kay Nixie na babalik syang Umbra, pero ang totoo nun sa Inspra sya tumungo.. Ayaw nya kasing magtagal pa dun, napakadaldal pa naman ni Nixie, baka kung saan pa mapunta ang usapan nila kung mananatili sya dun. "Chameleon!" Tawag ni Lorsan sa tagapagbantay ng makita itong nakatayo sa gitna ng Lagusan ng Inspra pagkalitaw nya. Tila inaasahan na nito ang kanyang presensya dun. "Anong ginagawa dito ng isang Dwendeng mapagbalatkayong espiya ng Kahariang Umbra?" Mahigpit nitong hawak ang espada. Habang walang kurapang nakikipagtitigan kay Lorsan na pangiti ngiti lang. 'Hanep talaga sa aurahan itong si Chameleon! Dina nakapagtatakang halos bukambibig ito ng mga Diwatang nakakakita't nakakasalamuha nito! Hah! Kung alam lang nila ang totoong pagkatao nito, baka mailang at umilag na sila kapag nakaharap na nila ito.' Mula sa mahaba nitong itim na buhok na maayos na nakapusod sa likod, sa makinis na mukha, makapal na kilay, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang manipis na labi. Idagdag pang maayos nitong pananamit na kahit nga simpleng mahabang puting damit lang at pinatungan nito ng kulay gintong baluteng pandigma, nangingibabaw pa rin ang taglay nitong kakisigan. 'Lamang ka lang ng isang paligo sakin eh!' Lihim syang napapalatak sa kanyang naiisip.. Sumilay pang maliit na ngiti sa kanyang labi ng di nya namamalayan. Pero napansin naman yun ng kanyang pinagmamasdan na napapailing na lang. "Wag mo akong tingnan ng ganyan, Lorsan! Baka iba ng isipin ko sa'yo nyan!" "Haha.. Bakit Chameleon! Anu ba ako tumingin sayo?" Nakataas ang sulok ng kanyang labi, naaaliw syang pagmasdan ang nalulukot sa inis na mukha ni Chameleon. Priceless ika nga, ang nakikita nyang reaksyon ng mukha nito. Naiiba si Chameleon sa lahat ng nakikilala at nakakasalamuha nyang tagapagbantay ng mga Lagusan.. Dito nya nararamdaman ang kakaibang saya sa tuwing nagkakaharap na sila. Nailalabas nyang totoong pagkatao at kakayahan nya ng walang pangamba at pag aalinlangan. Kumbaga matinik at mahusay man itong tagapagbantay.. mabait, mapag kakatiwalaan at higit sa lahat tunay na kaibigan. "Isang uri ng hayop na naglalaway...," napaismid ito. "... wala ka pa ring pinagbago.. hanggang ngayon ba pinagnanasaan mo pa rin ako, Lorsan?" "Oo, mas tumindi pang pagnanasa kong.." tinapatan nyang pag ismid ni Chameleon ng pag ngisi na sigurado nyang ikakaasar pa nito lalo. "...patayin ka!" "Hay! Lorsan, ilang beses mo ng sinubukan sakin yan, pero ni minsan, dika nagtagumpay!" "Tsk! Yabang! Pag nakahanap ako ng tamang tyempo, titiyakin kong magluluksa ang lahat ng tagahanga mo!" "Maliban kay Diwatang Io, na minamah-." "Shh.. wag mo ng ituloy! Baka may makaalam pang iba!" Napalingon lingon pa si Lorsan sa paligid, para makatiyak na silang dalawa lang ni Chameleon sa lagusang yun. "Syanga naman! Kasi, sabi mo nga... may tenga ang lupa! may pakpak ang balita!.." "Mismo! Kaya yang bunganga mo, lagyan mo naman ng preno! Kasi, ultimu uod, matapat na tagasunod ni Io." "Hanggang ngayon ba Lorsan, dika pa rin makapag tapat sa kanya? Abay! ilang dekada na kayong magkasama ni paramdam at konting pahiwatig di'mu magawa? Ang hina mo naman!" Naiinis na sinipa ni Lorsan sa binti si Chameleon. "Aray! Para saan naman yun?" "Kabayaran sa pang iinsulto at panliliit mo sakin!" Pinagpag ni Chameleon ang damit, dun sa parting nilapatan ng suot na sapatos ni Lorsan. "Bakit kaba nandito?" Inis nyang tanong kay Lorsan. "Wag mong sabihin sakin na.. kaya ka naligaw dito para lang makipag usap sa'kin, dahil hindi ako maniniwala dun!" "Chameleon, dumaan na ba dito sila Io?" "Ayun! Yun lang pala ang nais na itanong.. pinahaba pa ang usapan at nanakit pa ha!" "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko! Dadaldal kana naman dyan eh!" "At apurado pa! Kala mo naman, ako'y kanyang utusan!" "Sasagutin mo ba ako o nais mo pang tawagin ko si Zia ha?" Natulos sa kanyang kinatatayuan si Chameleon, Kitang kita ni Lorsan ang unti unting pagbabago ng anyo nito.. Mula sa buhok nitong mahabang kulay itim na naging kulay pula, naglaho ang gintong balute nitong pandigma, napalitan ng tunay na kasuotan nitong kulay abuhin, maging ang sandata nitong hawak na espada ay naging mahabang sibat na ang dulo nito ay kumikislap pa ang talim. lumiliwanag din ang mga markang simbolo ng apoy sa magkabilang braso nito. Napapalatak na lang si Lorsan ng lumabas ang tunay na katauhan ni Chameleon. "Mantakin mo yun! Binanggit ko lang ang pangalan ni Zia, ang pinuno ng tagahatol at tagaparusa, naging ganyan kana agad!" Masamang tingin lang ang naging tugon ni Chameleon kay Lorsan. "Abah! Whisper, papaalala ko lang sa'yo ha! Hindi kana isa sa mga Alagad ng Bathalang Krisanta! Isa kana lang tagapagbantay nitong lagusan ng Inspra! Kaya hinay hinay lang kaibigan hmm...!" 'Sige pa! Lorsan! Hayaan mo pang matabil mong dila na magdaldal, sige pa! Ibalik mo pang nakaraang pangit na mga alaala ni Chameleon! Ng matusta ka nya agad!' Natatarantang paninisi ni Lorsan sa kanyang sarili ng makitang umangat ang simbolo ng apoy na marka sa magkabilang braso ni Whisper.. Tanda na hindi na nito kontrolado ang naghahalong emosyon na bumabalot sa katawan nito. 'Masama na ito! Hindi ko na nagugustuhan ang mga nakikita ko dito! Kumbakit ko pa kasi nabanggit si Zia eh! Yun pa naman ang kahinaan nitong si Whisper!' Parang kagaya lang ng patak ng ulan na bumuhos bigla kay Lorsan ang nagbabagang maliliit na apoy galing sa mga simbolo sa braso ni Chameleon, kung medyo nahuli pa syang maglabas ng pananggalang makapal na yelo, paniguradong bumaon ng lahat ang nagbabagang apoy na yun sa kanyang katawan. "Hoy! Whisper! este Chameleon pala! Magkaibigan tayo! baka nakakalimutan mo, papaalala ko lang ulit sayo! Ako ang nagdala sa'yo dito sa Kaharian ng Inspra, at dahil sakin, kaya ka naging tagapagbantay nitong lagusan!" Panay ang salag ni Lorsan sa mga atake sa kanya ni Whisper, ayaw nya itong labanan kasi, unang una, malaki rin naman ang naging kasalanan nya dito, kaya ito nagkaganito ngayon. Kaya ito nakikihati sa katawan ni Chameleon. Isinumpa si Whisper dahil sa paglabag nito sa kautusan ni Bathalang Krisanta, ang kakambal ni Bathalang Kaiser. Tatlo ang Alagad na pinangangalagaan ng Bathalang Krisanta. Si Shadow, si Wings at si Whisper.. Mabait ang Bathalang Krisanta, pero malupit kapag may sumuway at lumabag sa kanyang mga patakaran, kautusan at paniniwala. Bawat Alagad nitong pinangangalagaan ay may kanya kanyang tungkulin na ginagampanan. Ang tungkulin ni Shadow, ay ang magbantay, mangalaga at magligtas.. Taglay nya ang kapangyarihan ng kadiliman.. Ang kanyang sandatang gamit ay isang palaso.. Dalawa ang kanyang katauhan.. Isang babae at isang lalake. Pero, ang madalas nitong gamitin na katauhan ay ang pagiging babae.. maamong mukha, kaya mas madali para sa kanyang magampanan ang mga, tungkulin kapag nasa anyong babae sya. Di kagaya ng kanyang katauhan bilang lalake.. mabagsik, kaya maraming natatakot kapag anyong lalake na sya. Si Wings! Ang tungkulin naman nito ay maghanap, magsundo at maghatid.. Taglay nya ang kapangyarihan ng liwanag... Ang kanyang sandatang gamit ay isang mahabang tungkod na may pakpak sa isang dulo at sa kabilang dulo naman ay tatlong matutulis na korteng patalim na iba't iba ang nilalabas na kapangyarihan. Sa kanilang tatlong alagad, tanging si Wings lang ang pinagkaooban ng pakpak ni Bathalang Krisanta. At si Whisper naman na ang pangunahing tungkulin ay ang magbigay muli ng buhay sa mga nilalang sa Mundo ng Engkantadya, Mapa kalupaan, karagatan at kalikasan. Pero, bago nya ipagkaloob at ibalik ang buhay, kelangan nya munang alamin ang katotohanan ng pagkamatay nito.. Ang kanyang sandata ay isang mahabang sibat.. Kung si Shadow ay dalawa ang taglay na katauhan... Si Wings na bukod tanging may taglay na mga pakpak... Si Whisper naman ay taglay ang kapangyarihan ng iba't ibang mga simbolo na marka sa magkabilang braso nito... "Araayy! Tama na Whisper! Dami ko ng sugat oh!" Pagpag sa tuhod, sa balikat, napasapo sa tiyan si Lorsan ng yun ang sunod na tamaan ng nagbabagang apoy na pinapakawalan ni Whisper. "Suko kana? Apoy pa nga lang yan, umaayaw kana? Akala ko ba pinagnanasaan mo akong patayin ha, Lorsan? Eh! bakit ka puro salag dyan?" "Tsk! Sabi ko lang yun! Para ba namang magagawa ko yun sa'yo! Parehas naman nating alam na, kung di dahil sa pakikialam ko sa misyon mo kay Amber, dika isusumpa ni Bathalang Krisanta! Kaya patawad na!" Naiiling na itinaas ni Whisper ang kalingkingan nitong may markang kulay asul, mahinang bumulong saka hinipan paturo kay Lorsan. Binalot ng asul na liwanag ang buong katawan ni Lorsan na walang tigil kakatalak kay Whisper na nagbabagong anyo bilang si Chameleon. "Hoy! Whisper! Di'ko gusto yang galawan mo ha! May binabalak kana namang gawin sakin? Pwedeng tama na! Luray luray at gutay gutay ng kasuotan ko oh! Sa susunod naman tayo magsakitan!" "Tanggap ko ng mananatili ako sa ganitong katauhan! At naihanda ko ng aking, sarili kung hanggang kailan ako maghihintay na mapatawad at tanggapin ulit ng Bathalang Krisanta. Ipinagpapasalamat ko pa rin, na hindi nya binawi ang lahat ng kapangyarihang pinagkaloob nya sa'kin!" Nakaramdam ng ginhawa si Lorsan ng unti unting maglaho ang asul na liwanag na bumalot sa kanyang buong katawan. "Haayy... Guminhawang aking pakiramdam! Salamat Whisper! Ay! si Chameleon kana pala ulit! Salamat binalik mong kakisigan ko! Hehe" "Parati ko naman ginagawa yan pagkatapos nating maglaban! Kumusta naman pala si Amber?" "Ayun! Naparusahan din ni Reyna Amethyst, isa na syang pusa ngayon, kung kelan babalik sa dati nyang anyo, yun ang hindi ko pa alam, nasa mundo sya ng mga Tao." Mabagal na naglakad si Lorsan patungo sa isang tipak na bato malapit sa lagusan, kung saan nakatayo na ulit sa gitna nun si Chameleon. Umupo sya dun at nangalumbaba. "Hindi mo ba susundan sila Io sa Palasyo?" "Hmm.. wag na! Hintayin ko na lang sila dito, mas masarap pang makipag kwentuhan sa'yo, kesa sumama sa tatlong Diwata na yun!" "Bakit, kinakawawa kaba nila?" "Anupa nga ba! Tatlo na sila, anupa bang laban ko sa kanila? Kilala mo naman si Io, hinding hindi yun nagpapatalo!" "Parehas lang naman silang dalawa ni Zia! Basta't alam na mahal na mahal mo! Umaabuso!" "Syang tunay, Whisper! Pero wala tayong magagawa eh! Silang kaligayahan natin.. pinaghuhugutan ng lakas at kahit ng buhay natin!" Napatango tango na lang si Chameleon, wala na itong maisasagot pa, kasi malinaw pa sa patak ng tubig ulan, ang katotohanan sa pinahayag ni Lorsan sa kanya. 'Hay.. pag ibig! Mapanakit pero, hatid naman sa puso'y ligayang walang patid...!' Sinuklay suklay ni Lorsan ang buhok nitong magulo.. Iniisip nya kung san sila susunod na patutungo, sa Palasyo ba nila Mayumi o sa Palasyo nila Ayana? kung saan sya naglilingkod bilang isang mapagbalatkayong espiya ng Mahal na Reyna Amethyst. 'Hmp! Bahala na nga ang mahal kong Io, na magpasya sa bagay na yun! Alalay lang naman nya ako eh!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD