Eihran...◐.̃◐

1880 Words
Pagka litaw ni Lorsan ng tabing dagat, kaagad din syang naglaho ulit ng makita nyang si Eihran nga ang Shokoy na tinutukoy ni Amihan na kasintahan ni Urduja. At hindi ito nag iisa, kasama nito ang kapatid na si Ashera, at ang kaibigan nitong si Nixie. 'Naku! Lalong hindi ako dapat magpakita!! Baka alam na ni Eihran na sakin nanggaling ang mahiwagang gamot. Lalong madagdagan ang galit nito sa'kin!' Hindi naman kasi nya alam na si Ashera ang gagamit ng gamot na pinagawa pa nya kay Alex, na isa sa pinaka magaling at dalubhasa sa paggawa ng gamot sa Palasyo ng Umbra. Minsan kasi, sya ang pinapa kiusapan ni Alex na kumalap ng mga sangkap sa paggawa nito ng mga gamot. Noong kinailangan kasi nito ng halamang dagat na bihirang makuha at matatagpuan lang sa Kaharian ng Orlin. Sya ang nagprisentang kumuha kapalit ng gamot para sa sakit ni Io. Nanatili sya sa likod ng punong pinag kukublihan nya, yung magandang pwesto na kitang kita si Io habang abala ito sa pakikipag usap kila Eihran. At ng makita ang pag ngiti ni Io, pakiramdam ni Lorsan ay lumulutang sya sa alapaap sa ligayang kanyang nararamdaman. 'Lahat ay aking gagawin para mapasaya ka lang Io! Sana balang araw.. bumaba ka sa kina uupuan mong trono, para maabot naman kita! Mahal ko!' Hinding hindi nya makakalimutan ang kaganapan noong pinarusahan ng Mother Golden Fairy ang kaisa isa nitong Anak na si Io. Sinuway kasi nito ang Ina, makasama lang ng palihim sa kanilang dalawa ni Loretta, patungo sa Kaharian ng Gaelin, para kunin ang mahiwagang libro na pag aari ni Mystical, ang isa sa apat na Heneral ng mga puting Anghel ni Bathalang Zachariah ang kakambal ni Bathalang Kaiser. Buwis buhay syang nakipaglaban kay Furball makalabas lang ng buhay sila Io at Loretta sa Gaelin, di nga ba't nagpanggap pa syang namatay sa pagkakalubog nya sa kumonoy, mapaniwala nya lang si Furball, ang taksil sa lahi ng mga Dwende. Na patay na nga sya.. Pero, hindi ang kagaya ni Lorsan na basta basta na lang nagpapatalo at sumusuko. Marami syang bagong kakayahan, na ang kapatid pa nyang si Arkin ang pinag praktisan, makontento lang sya't makabisa ang taglay nyang kapangyarihan. Nagtagumpay man syang mapaniwala ang kanyang taksil na kalaban, sa kanyang pagbalik ng Fairyland, masamang balita naman ang sinalubong ni Loretta sa kanya. Nawalang parang bula si Io sa Fairyland.. Ayun kay Loretta ang tagapagbantay ng lagusan patungong Fairyland. Pinarusahan si Io ng Ina nito, tinanggalan ng alaala saka dinala sa Kanlurang bahagi ng Engkantadya, kung saan naninirahan ang mga Amazona. ?? Ang kwento nila Lorsan at Io... ay mababasa sa "IONNA AMAZONA" story!?? "Lorsan!" Tawag ni Io sa kaibigan ng mapansin na hindi nila ito kasama. Bumaling sya kay Amihan at nagtanong, huling tanda nya na ang dalawa ang magkasama ng maglaho sya kanina. "Amihan, nasaan si Lorsan?" "Kasabay ko syang lumitaw dito kanina ah! San nagpunta yun?" "Saglit! Ako ng maghahanap sa kanya! Dito kana lang muna!" Nagpalinga linga din sa paligid si Amihan, pagkalaho ni Io, pero walang bakas ni Lorsan syang nakita, kaya balik ulit kay Uduja ang atensyon nya. "Urduja, sige na sumama kana samin ni Fairy Io!" "Gusto kong sumama, kaya lang... " Nag aalalang sumulyap ito kay Eihran. ".. baka hindi nya ako payagan." "Subukan mo kaya munang magpaalam!, para malaman mo kung papayagan ka nya o hindi!" Sabay hila kay Urduja, na wala ng nagawa sa kakulitan ni Amihan. "Eihran! Payagan mo na si Urduja na sumama samin!" "Saan?" Kunot nuong tanong nito kay Amihan, pero ang mga mata ay nakatutok sa nakayukong kasintahan. "Sa bahay na bato ni Fairy Io! Babalik din naman kami kaagad, kaya payagan mo na!" "Urduja?" Napaangat ng mukha si Urduja, nakipagtitigan ito kay Eihran. "Payagan mo na kasi sya Eihran! Sige ka, kapag ganyang palagi mo na lang pinaghihigpitan yang si Urduja, malamang iwanan ka nyan! Kawawa ka naman." Pang aasar ni Ashera sa kapatid na dinagdagan pa ng kaibigan nitong si Nixie. "Uminom kang mag isa, kapag inabandona kana ni Urduja, ha! Wag na wag mo na kaming idadamay ni Ashera sa paglalasing mo!" "Tigilan nyo akong dalawa!" Naiinis na singhal ni Eihran kay Ashera at Nixie. Nahuli pa nyang pag apiran nung dalawa. "Umuwi na nga kayo! Ba't ba kayo sunod ng sunod sakin?" "Kaibigan din namin si Urduja, baka nakalimutan mo, na kung hindi dahil samin ni Nixie, hindi magiging kayo!" "Paulit ulit ka na lang Ashera! Anu kaya kung... dina kita payagang makipag kita kay Mayumi, ibaon ko na lang sa kailaliman ng dagat ang mahiwagang gamot na pinampapalit sa'yo ni Lorsan, kapag nanghihingi sya ng halamang dagat sayo ha! Nais mo bang gawin ko yun ha?" "Hala! Bakit mo alam ang tungkol sa bagay na yun Eihran? May espiya ka bang itinalaga para magbantay sakin ha?" Napabuga ng hangin si Eihran. Nagsisisi sya sa kanyang mga tinuran.. Nagpadala sya sa bugso ng kanyang galit, kaya ayan tuloy.. naibunyag nyang inililihim sa kapatid. No choice na sya, kundi sabihin ang ang lahat kay Ashera. "Nahuli ko si Lorsan! Natakasan lang nya ako! Pero, kapag nakita ko ulit ang laman lupa na yun, tatapusin ko ng pagbabalatkayo ng Dwendeng mayabang na yun!" "Teka lang! Anubang ginagawa mo sa mga mahiwagang gamot na binibigay ni Lorsan sayo, Ashera?" Naguguluhang tanong ni Urduja. Dipa nga nakakasagot si Ashera, sumabat na si Amihan sa usapan nung dalawa. "Kaibigan mo si Mayumi? Si Mayumi na Prinsesa ng Potion Mansion?" Nakangiting tumango si Ashera. Sa isip isip nito.. 'Una si Urduja... tapos si Ayana.. sunod si Mayumi! At baka ngayon, itong si Amihan ay magiging kaibigan ko na rin! Woww... ang swerte swerte ko naman talaga...! Puro Prinsesa ang mga nagiging kaibigan ko!' "Amihan, kaibigan nya rin si Ayana!" Ani Urduja sa katabi. "Talaga! Panu naman nangyari yun, Urduja?" "Dahil sa'kin!" Nanlaki ang mga mata ni Amihan ng lubos na maunawaan ang sinabi ni Urduja. "Ibig mong sabihin, nagkikita kayo nila Ayana at Mayumi?" "Palagi!" Biglang napasimangot si Amihan, inirapan pa si Urduja na napatawa sa nakitang hitsura nya. "Andaya nyu namang tatlo! Hindi nyu man lang ako naalalang pasyalan sa Palasyo. Nakakatampo kayo, sobra!" "Anuka! Pinupuntahan ka kaya namin dun! Kaso, hanggang Lagusan lang kami, hindi kami pinapapasok ni Calypso, kasi, yun daw ang kautusan ng Mahal na Reyna Ashera." "Si Ina! Eh, bakit?" "Ewan ko! Yun din ang ipinagtataka naming tatlo." Napaisip ng malalim si Amihan, malaking katanungan para sa kanya ang ginawa ng kanyang Ina. Ng biglang sumulpot si Io na inis na inis dahil di nito makita si Lorsan. Di nito alam na nasa malapit lang ang hinahanap nito. Sadyang ayaw lang nitong magpakita dahil nasa dalampasigan pa rin si Eihran na kanyang pinagtataguan. "Lecheng Lorsan na yun! San na naman kaya nagsuot ang Dwendeng yun! Nakuu! Sasama sama.. tapos mang iiwan lang pala ng walang paalam! Nakakainis! Natagalan tuloy tayo dito!" Kinalabit ni Amihan si Io na nanggagalaite sa inis kay Lorsan. "Fairy Io! Dipa pumapayag si Eihran!" "Ha! Bakit daw?" Bilang sagot, inginuso na lang ni Amihan si Urduja, na nagpapaawa sa kasintahan payagan lang itong sumama sa kanila. "Eihran! Ako ng bahala kay Prinsesa Urduja, kaya sige na, payagan mo na syang sumama samin ni Amihan!" "Syanga naman Eihran! wag kang mag alala, dika ipagpapalit nyang si Urduja, mahal na mahal ka nyan eh!" Nakangiting sabat ni Ashera sa usapan nila. "Saka, dina makakahanap ng kasing kisig, kasing gwapo at kasing bait mo si Urduja,, nag iisa ka lang kasi sa puso nya!" Dagdag hirit pa ni Nixie. "Ano! Dika pa rin ba papayag? Kung mag iinarte kapa rin dyan! Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo! Para maging malaya na ako! Hmp!" Inis na naglakad palayo si Urduja, minsan nararamdaman din nyang nakakasakal ng pagmamahal ni Eihran sa kanya. Pero, dahil sa mahal na mahal nya ito, kaya palagi syang nagpapasakop at sumusunod sa lahat ng naisin at gustuhin nito. "Urduja! Maghunusdili ka naman! Wala namang ganyanan! Hoy! Teka lang naman!" Pahabol na sigaw ni Eihran, sa nagtatampong kasintahan. "Ayan kasi, puro drama... eh di, napuno ang Diwatang sinisinta.. nag walk out! naiwan ang Shokoy na natataranta! Hahaha..." "Tama! Ang arte arte kasi ng kapatid kong yan eh! tara na nga Nixie!.. mamasyal na lang tayong dalawa, tulungan mo akong manguha ng mga kabebe dagdag dekorasyon sa'king kweba!" Bumaling ito kila Io at Amihan saka nagpaalam. "Sige! Mas masaya pa nga yun! Kesa, ang bumuntot buntot sa kapatid mong mukhang sawi na sa pag ibig nya ngayon! Hahaha.." "Urdujaaa! Bumalik ka ditoo!" "Ayokoo...! Bahala ka sa buhay mong Shokoy kaa.. Nakakainis kanaa ..!" Natawa silang apat ng marinig ang sigawan nung dalawa. Batid naman kasi nilang nagbibiro lang si Urduja, samantalang nasubrahan naman sa drama itong si Eihran. "Tutuloy na lang kami sa Palasyo ng Inspra, kami ng bahala kay Urduja!" ani Io sa dalawang Sirena. "At kayong dalawa ng bahala kay Eihran!" Dagdag naman ni Amihan. "Susunod kami ni Nixie sa isang kundisyon!.." Malapad ang pagkakangiti ni Ashera kay Amihan, isa lang naman ang hihingin nyang kapalit dito. "Anong kundisyon?" "Papayag ka bang maging kaibigan din kita? gaya nila Ayana, Urduja at Mayumi ha! Amihan?" Nagkatinginan muna sila Io at Amihan, bago nito sinagot si Ashera, nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Yun lang pala eh! Oo naman, pwedeng pwede mo akong maging kaibigan!" Hinaplos pa ni Amihan ang pisngi ni Ashera. 'Kaygandang Sirena! Tuso nga lang... Hahaha' "Talaga! Amihan? Magkaibigan na tayo? Talagang talaga?" "Oo nga! Kaya sige na! Iuwi nyu na yang kapatid mo! Tutungo na rin kaming Palasyo." Tatalikod na sana si Amihan para sundan si Io ng marinig nyang boses ni Ashera. "Salamat Prinsesa Amihan! Salamat kaibigan..! Paalam!" "Paalam Ashera! Paalam Nixie! Hanggang sa muli nating pagkikita mga bago kong kaibigan." Nakangiting kumaway pa si Amihan sa dalawa. "Paalam!" Kumakaway na sagot ng dalawang Sirena kay Amihan. Sabay na lumangoy ang mga ito papunta kay Eihran, na walang tigil ang pagtawag kay Urduja na malayo ng pagitan dito. Pumwesto sa magkabilang tabi ni Eihran ang dalawang Sirena, nagsenyasan tapos sabay na niyapos at pwersahang hinila sa gitna ng dagat ang Shokoy na nagpupumiglas para makawala lang sa dalawa. Pero, hindi ito nagtagumpay dahil sabay sabay silang tatlo na bumulusok pababa sa kailaliman ng karagatan. "Amihan! Halika na sa Palasyo!" Tumatakbong nilapitan nya si Urduja. "Ibig sabihin ba nyan, sasama kana samin ni Fairy Io, kahit na dika pinayagan ni Eihran?" "Pumayag na sya Amihan, nagdadrama lang yun kanina! Kaya halika na!" Magkahawak kamay pang naglakad ang dalawa, patungo kay Io na nakatingala sa isang puno. "Fairy Io, alis na tay- " "Shhh..." Tinuro nitong taas ng puno, sabay pang napatingala dun si Amihan at Urduja. Sa malaking sanga, naka upo dun si Lorsan, nakapikit ang mga mata nito. "Tulog?" Pabulong na tanong ni Amihan kay Io, na sumesenyas sa kanilang dalawa. "Iiwan na natin yan dito! Parusa ko sa kanya, dahil pinahirapan nya akong maghanap, eh! dito lang naman pala sya!" "Sigurado ka?" Tanong naman ni Urduja. "Oo, kaya! Tayo na sa Palasyo ng Inspra!" Sabay na hinawakan ni Io ang kamay ni Amihan at Urduja. Kaagad na naglaho ang tatlong Diwata. Siguradong matataranta itong si Lorsan pagkagising at wala na itong makita sa dalampasigan na nakatulugan nyang pagmasdan kani kanina lang. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD