Nanghihina at hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak mula sa mga mata ko. Naririnig ko pa ang mga bulungan at tawanan sa palagid. Umuugong ang mga masasakit at mapanghusgang salita mula sa mga tao na hindi naman ako kilala. Gusto ko na lang maglaho sa mundo. Gusto ko na lang pigilan ang paghinga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Gusto ko na lang lumayo at magtago habang buhay. Hindi totoo ang mga sinasabi nila, pero ang sakit pa rin ng mga salitang naririnig ko. Hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko, hindi pa man nila alam ang totoo. Hindi ako pokp*k. ‘Yong narinig nilang mga ungol at halinghing, record ko nga ‘yon, pero hindi ako ‘yon. Lalong hindi ako ‘yong nasa video na pinalabas nila kanina. Hindi ako s*x addict;

