Kabanata 53

1978 Words

Kanina pa ako handa. Pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Kinakabahan kasi ako— kinakabahan ako sa kung ano ang surpresa na naghihintay sa akin mamaya. Duda kasi talaga ako na napasok nina Shaira at mga kaibigan niya ang unit ko. Busina ng kotse ang nagpahinto sa pag-iisip ko. Sumilip muna ako sa bintana, at hindi nga ako nagkamali, si Myra na ang dumating. Kumakaway-kaway at ang lapad ng ngiti nito sa akin na ginantihan ko naman ng kaway din. Pero ang ngumiti, hindi ko magawa. Hindi ako makakangiti hangga’t hindi matatapos ang araw na ‘to na walang mangyaring masama. Sumenyas na muna ako kay Myra na hintayin na lang niya ako sa labas, saka naman ako bumuga ng hangin at matamlay na dinampot ang bag ko at lumabas na nga lang. “Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Binisita ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD