“Erica… tumawag kayo ng ambulansya, please. Tulungan niyo po ang kaibigan ko.” Hysterical at umiiyak na humihingi ng tulong si Myra sa mga taong nakapaligid at nakikinood sa amin, habang ako ay nasa gitna ng kalsada ang tingin. Gusto kong tumayo. Gusto kong lapitan si Reynald na walang malay habang pilit na ginigising ni Justin. Pero hindi ako makatayo at ang sakit ng katawan ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. “Erica… ‘wag—‘wag kang pipikit. ‘Wag kang matulog, please—tulong… tulangan n’yo po kami…” Hawak na ni Myra ang kamay ko. Pero ingat na ingat naman siya na hindi niya ako masyadong magalaw. Maya maya ay umalingawngaw na ang mga tunog ng ambulansya. Kita ko pa ang pagtigil nito malapit Kay Reynald. “Myra… si Reynald… n-niligtas niya ako—" sabi ko, bago nagdilim a

