Thirty Days in Paris Chapter 28 Apple Twelve in the afternoon. Kangina pa ako paikot-ikot rito. Walang magawa at naiinip na rin ako. Mula ng bumalik ako mula sa paglabas ko para maglakad. Wala na ako ginawa. Manood, mahiga, maupo, nagpagulong-gulong sa loob ng kwarto ko. Sa kama. Dun ako nag-paikot-ikot. Hindi ako mapalagay. Sa kakaisip ko kay ano— hindi ko pala alam ang pangalan ng tao na yon. Hindi ko pa ba naitanong? napaisip tuloy ako ng diretso at mabilis para makakuha ng sagot. Kaya lang ang sabi nito— utak ko. Hindi ko pa raw tinatanong. Pero, alam na niya ang pangalan ko? Parang nasabi ko na ata sa kanya nung una kami magkita at nang mag-inuman kami at makapag-usap. Napabangon ako sa pagkakahinga ko ng nakataob. Nakadapa ako. Actually! Habang ipina-padyak ang dalawang paa ng ma

