Thirty Days in Paris Chapter 27 Kangina. Habang kausap niya si Mrs. Americana. Hindi mawala sa isip niya si Apple. Kahit ngayon na nasa isang event na siya ito pa rin ang tumatakbo sa utak niya. Kahit makulit si Mrs. Americana na ipakilala sa kanya ang babae na bago niyang kaibigan na nakilala rin nito sa kanyang pamamasyal sa Paris. But, she admits na sa baba lang pala ng hotel niya ito nakilala. Pero— Hindi naisip ni Thomas ang nasabi at na kwento sa kanya ni Apple. Tungkol sa taong nakilala din nito sa ibaba ng hotel at inaya siyang mag breakfast at nagpadala pa ng take-home. Nakain pa nga niya. Nakain nila pareho ni Apple ng saluhan din siya nito. “Hallo, Thomas" habang napapaisip. Isang boses ulit ang pumukaw sa kanya. Napatigil siya, habang nilingon upang tingnan kung sino. Isang

