ARAW ng sabado. Masayang nag tatawanan ang dalawang mag kapatid sa salas nila. Niyaya ni Sage si August na manuod ng movie ni vice ganda. Tawang-tawa sila sa mga pinag gagawang kalokohan ni viceral sa palabas. Sa gilid naman ng silid ay andon ang ina nila naka masid sa dalawang mag kapatid. May bakat na ngiti ito sa labi habang pinag mamasdan ang dalawang anak. Ilang taon nawala si August sa kanila. Kaya, makita na mag kasama at nag kakasundo ang dalawa niyang anak ay sobrang saya para sa puso niya bilang ina. "Mga anak, mag prutas muna kayo." Alok niya sa mga ito ng lumapit ito sa dalawa. Huminto si August sa pagtawa at binalingan ang ina. Umusog din ito kaunti palayo kay Sage pagkatapos ay binalingan ang ina na may ngiti sa mga labi. "Thanks, Mi! Love you po!" "Itong batang

