PAREHAS na hindi makapaniwala ang dalawang babae sa sinabi ni Sage. Hindi pa nakakabalik si Hannah sa pagka-shock nito ay pinaandar na agad ni Sage ang sinasakyan nilang dalawa. Tulala nakatingin si August sa harapan ng kalsada habang paulit-ulit naririnig nito ang sinabi ni Sage kay Hannah. Lumingon si August sa kapatid na nag mamaneho ngayon. May malawak itong ngiti sa mukha habang pasipol-sipol pa at tinatapik ng mga daliri nito ang manebela. "What was that?" Tanong ni August dito. Nag kibit balikat naman si Sage rito at binalik ang tingin sa unahan. "Kuya?" "I don't love her. So, I broke up with her." Sagot ni Sage sa kaniya na parang simpleng salita lang ang binitawan nito. "Akala ko ba? She's a family?" "Oh! I just said that para inisin ka. I think, gumana naman." "You

