Umaga na pero hindi ko ginsing sila hindi ko alam bakit katabi ko na silang lahat. Tumayo ako at lumabas nasasaktan parin ako. Umupo ako malapit sa dagat tanaw ko ang tubig ng dagat. Napakalinis nito sana ganun din ang isip ng mga bata.
"Habaan mo lang pansensya mo." Ani ng isang boses kaya napaligon ako at si Hera nga. "Alam ko ang nangyari kagabi."
Hindi ko iyun pinansin wala akong mali! Mataas ang pride ko hello!
"Takot lang sila magtiwala muli." Si Hera na naman.
Sasaktan ko ba sila hindi naman diba? Bakit kailagan maging ganun?
"Cassandra." Hera
"Single ako Hera." Sagot ko kahit walang tanung. "Malandi ba ako? Hindi ko alam paano maging malandi. Okey fine may mali ako kasi tanaw pala ako ng mga bata. E di I'm sorry kasalanan ko na okey." Pinunasan ko ang luha ko na naman. Lagi naman kasalanan ko kahit hindi.
"Hindi sa ganun." Hera
"Hera please tama na pagod ako makipag sabatan. Sumakit ulo ko sa Ethan na yun."
"Paano kung gusto ka na pala nya?" Tanung nito muli.
Kaya natawa ako ng mahina. "Iyon? Hinding mangyayari yun. Sakit nya magsalita eh. Mana daw ako sa magulang nya Malandi? Tama ba yun?"
Pero nakatitig parin sa akin si Hera. Hangang sa nag ring ang phone ko. Dala ko pala ito. Napatigin ako at si Mom ang tumatawag? Bakit napatawag ito?
"Hera sagutin ko lang ito." Tumango naman sya bilang sagot. Lumayo layo ako kay Hera kasi alam nila mahirap ako baka magulat ito naku gulo ito.
Sinagot ko ang tawag. "Cassandra!" Sigaw ni Mom sa kabilang linya kaya medyu nilayo ko ang phone ko. Hays ito na naman kami.
"Mom?" Tawag ko sa kanya.
"Ayusin mo ang buhay mo Cassandra! Kung ayaw mo sa state ka titira!" Sigaw na naman nito sa akin. Napapikit ako sa sigaw nito. Hays naman Mommy.
"Mom? Ayuko." Madiin kong sambit.
"Cassandra! You always disappoint me!" Giit na naman ni Mom. As always naman eh never nila nakita ang halaga ko. Always Sissy I mean Samantha.
"Mom?" Ngumiti ako kahit nag situlan na ang mga luha ko pero hindi ko pinahalata sa boses. Sasabihin na naman nito nag dadrama ako. "Welcome back." Kaya ito tumawag kasi alam mo na nandito na sila sa Pilipinas. And i think sissy nandito na rin. Magugulo na naman ang buhay nito.
"Umuwi ka na Cassandra may dinner tayo. Mamemeet mo din ang fiance mo." Sabay end ng call.
Napabugtong hininga ako makikita na nya ako. Pano kung magalit sya? Gagawin ko? Galit pala sya talaga. Bumalik ako sa pwesto namin ni Hera.
"Sino kausap mo?" Tanung ni Hera.
"Aalis ako baka one week ako mawala." Kita ang gulat sa mga mata nya sabay kunot nuo.
"Why?" Tanung nito.
"Amm... problema." Sambit ko dito.
"Magagalit si Ethan kung hindi mag paalam." Hera
Pero ngumiti lang ako. Galit na sya kagabi pa. At hindi naman nya ako papayagan kung magpapaalam ako. Syaka masasakit nasalita ang natanggap ko sa magkakapatid na yun.
"Hera favor please ikaw na bahala mag explain. Kailagan ko na umalis. Okey." Peeo pinigilan ako na naman ako.
"Anong kasing meron?!" Napataas na ito ng tono sa akin. Kaya napatulala ako sa kanya.
"Hera... Please.." Pagmamakaawa ko sana naman pumayag na ito sa akin.
"Iiwan mo sila na walang paalam? Lahat nila may trauma na ganyan? Aalis ka na lang bigla!" Sigaw ni Hera sa akin. Trauma? Paano? "Kung aalis ka ng walang paalam wag ka nang babalik." Hindi ko kung banta ba talaga ito?
"Hera sana maintindihan ko ako. Alam ko alam mo nangyari diba? Kaya please i need to go."
"Bakit kasi?!" Inis na nito sa akin.
"Kasi gagawa sila ng paraan para makasal ako sa iba! Ayuko Hera! Ayuko sa lalaking ikakasal ako! Gusto sumaya! Gusto ko gawin lahat pero pinipigilan nila!" Hindi ko alam pero pumatak na ang mga luha ko.
"Cassandra Francisco?" Tanung nito sa akin. Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. "Si Ethan ang papakasalan mo diba? Bakit nag maid ka? May plano ka ba?" Hera
Masisiraan na ata ako ng ulo dahil kay Hera.
"Kapag nalaman ito ni Ethan magagalit talaga sya sayo." Hera
Hera Hera Hera!
"Hera tama na! Ako si Cassandra Francisco. Hindi ko alam si Ethan pala ang fiance ko! Pero pwede makinig ka? Wala akong gusto kay Ethan. Tumakas ako sa bahay namin para lumayo pero lintik na buhay na to! Sa mga Haris pa ako napadpad sa daming pwede puntahan! Wala akong plano wala akong ginawang masama lahat ng pinakita ko sainyu totoo. Totoo ako!" Hiningal ako sa dami ko ng sinabi. Paano nya ako nakilala? Sa pagkakaalam ko hindi ako nagpapakita sa tao. Kapag may events sa bahay never ako lumabas ng kuwarto. Si Sissy lang ang kilala nila. Ang pagkakaalam nila sa shy type daw ako yuck! Nakakasuka!
Nabigla din si Hera sa sinabi ko kaya wala na syang nagawa. Kaya ito ako ngayun nakamasid sa labas nasa taxi na ako medyu matagal din ang byahe sa bahay namin. At alam ko na mangyayari kung sakaling makita ko na naman si Samantha the bruha!
Huminga muna ako baho pumasok sa mansyon namin. At yun nga sumalubong sa akin si Manag Loida. Ngumiti ito sa akin at niyakap ako.
"Buti nakarating ka ng maayos dito." Manang Loida. "Kamusta ka na pumayat ka ah." Tanung nito sa akin pero tipid na ngiti lang ang sinagot ko. Deritso na ako sa kuwarto ko at wala akong pakealam.
Bakit parang wala akong gana? Dati masaya ako kapag na umuwi na sila. Pero bakit hindi na? Nagpalit na ako ng damit. At pumasok si Manang Loida sa kuwarto ko.
"Nasa hapag kainan na sila." Sambit nito sa akin mukang alam na ni Manang mangyayari ah. Gabi na pala? Bakit hindi ko namalayan?
Tumango ako kay Manang at diretso na sa kusina. At nandun na nga sila. Umupo ako sa harap ni Samantha at hindi ko gusto ang titig nya sa akin.
"Cassandra? My sissy.." Basag katahimikan ni Samantha. Tumigin ako sa kanya kung pano nya titigan ganun din ang ginawa. "Hindi ko gusto ang titig mo Cass." Parang may banta sa boses ni Sam.
"So... Kamusta ka na Cassandra?" Biglang tanung ni Mom.
Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Fine." Tipid kong sambit kay Mom. Bakit hindi na ako sanay kapag kasama sila? Hindi ako ganito dati ah? Masaya ako datj kapag umuwi sila? Bakit iba na ngayun?
"Makilala mo na soon ang fiance mo." Si Dad naman iyun.
Tumaas agad ang kilay ko kay Dad. "Diba sabi ko wag muna ngayun? Pagtapos na ng new year dad." 3 months naman na e-end ang year tapos dali dali sila? Ano yun atat na atat na makasal ako sa Ethan na yun?!
"Cassandra, kailagan natin sila kung hindi mawawala sa akin ang pinahirapan kong company." Explain ni Dad. Mas mahal nya ang company kisa sa sariling kaligayahan ng anak nya?! Anong klase kang ama! Pero wala akong lakas para sumabat kasi mali iyun. Masampal lang ako pagbawalan pa ako lumabas.
"Ikakasal ka na pala?" Piking ngiti ni Sam.
"Bakit ingit ka?" Pabalang kong tanung. Wala ako sa mood kausapin impakta na to. Kung hindi ka lang mahal na mahal nina Mom and Dad pinatay na kita.
"No... Masyado pang maaga kung ikakasal ka agad diba? Bata ka pa." Ngumisi ito sa akin.
"E di sana ikaw ang ikasal. Kaso wag na baka paglakad mo palang sa altar mawalan ka ng hininga mamamatay ka agad. Hindi mo eenjoy ang buhay may asawa. Ay baka mamatay ka agad kaya ako na. As always naman diba SISSY." May diin sa huli para matakot sya. Simula nung nagka-isip ako ganito na ako sa kanya. Sana mawala na lang sya o ako para naman maging masaya ako.
"Ayuko ng tabas ng dila mo CASSANDRA." Sam
"Enough! Kung wala kayong respeto sa amin! Kahit sa pagkain naman!" Sigaw ni Dad kaya napatungo kaming dalawa.
Kaya ito tahimik kaming kumakain kahit ayuko kumain sapilitang ilulunok ko ito. Nag aaway kami sa titigan ni Samantha. Ganito naman lagi eh kilan pa bago?
Natapos kami kumain at nasa kuwarto na ako nag muni muni. Ayuko na dito! Nasasakal ako.
May kumatok sa pintuan ko at bunuksan ko iyun napataas ang kilay ko sa nakita ko.
"Why are you here?" Inis kong tanung sa kanya.
"Won't you let me in?" She asked me.
"Why? You are not welcome in my room Samantha." Ngumiti ako pero peke iyun.
"Cassandra!" Napataas ang tono nya sa akin.
"Bakit kakanta ka?" Tumataas eh mukang bibirit.
"I hate you!" Samantha
Napangiti ako at mukang malapit nang tumawa. "Ows.. Really? Eh mas hate nga kita eh!"
"Bakit ikaw lagi? Akin sya! Akin lang sya!" Samantha
Pinagsasabi nitong babae na ito? "Baka kailagan mo magpatigin na nasisirain ka na ng ulo Samantha. Akala ko maayus ka na hindi pa pala. Takas mental ka na ba?" Ngumisi ako dahil kita ko namumula na ang muka nya sa inis. Deserve mo yan girl!
"Hindi ka magiging masaya Cassandra." Sam
"Samantha never ako naging masaya. Nasayo nga ang lahat eh. Kaya hayaan mo sa buhay ko." Sinarado ang pinto ng kuwarto ko wala akong pake kung bastos ako sa sarili kong kapatid. Pagod na ako sa daming nangyari sa buhay ko.
Hindi ako makatulog ewan hindi ako inaantok patulugin nyu ako!