Nakabalik ako sa room namin mainit ang ulo. Tapos na din naman mag linis ng katawan yung kambal pati na rin si Mika. Dinama ko na lang ang agos ng tubig sa katawan ko. Nagseselos ka ba? Hindi mali?! Wala akong karapatan diba? Syaka hindi ako jowa? At maid lang ako. Pero fiance pala ako. Hays ang gulo. Hindi pa pala nya alam.
Napangiti ako sa kawalan. Nababaliw na siguro ako. Nakatapos ako sa paglilinis ng katawan ko. Nandito si Ethan bakit good mood ito? Nasarapan ba sya sa halik nung linta na yun?
Cassandra umayus ka nga! Hindi ka ganyan kaya umayus ka.
"Are you okey?" Tanung ni Ethan kaya agad bumalik ang diwa ko.
Pero tiningnan ko lang ito at hindi pinansin oh diba karma?
"Cassandra anong attitude yan?" Tanung ni Ethan naiinis.
Kaya ngumiti ako ng pilit sabay irap. Manigas ka dyan! Hindi na namin hinintay si Ethan pumunta na kami sa restaurant may pera ako kaya go lang! Hindi na namin kailagan yang pesteng Ethan na yan.
"Galit ka po ba kay Kuya?" Tanung ni Luis kaya napaligon ako sa kanya. Galit nga ba ako? Naiinis lang ganun.
"Hindi." Tipid kong sagot sa bata umupo na kami at nag order.
"Bat bad mood ka po? Akala ko hinahanap mo si Kuya? Bakit hindi mo sya kasama bumalik sa hotel?" Napakaraming tanung ni Luis. Itong bata na to magsasalita lang puro tanung pa. E di mas lalo lang ako nainis.
"Luis?" Tawag ko sa pangalan nya. Kaya napaligon muli sya sa akin. "Ang gwapo gwapo ng alaga ko no." Sabay ngisi.
"Of course kambal kami eh." Singit ni Lawrence hindi kita kausap bata.
" Wala yan sa mga tanung ko ate. Answer me please." Luis
Pinikit ang mga mata ko. Kasi ano isasagot ko? Wala akong isasagot jusko ko.
"Ate cass?" Tawag muli ni Luis kaya bumalik ang diwa ko.
"Ano nga tanung mo ulit?" Sana tumalab sana hindi na nya maalala. Napansin ko nakatitig parin si Ethan sa akin. Tsk!
"Excuse me po." Boses ng isang lalaki. Napaligon kaming lahat dahil sa lalaki na ito. Cute ah ay dapat lang!
Napansin ko si Ethan mas lalong nakakunot ang nuo.
"Pwede po bang makausap ka?" Tanung nito sa akin napakunot nuo ko ngumiti si Mika ng sobrang lapad si Ethan na madilim ang tigin. Ang kambal na nakanganga. Ano to?
"Miss?" Sambit nito kaya bumalik ang diwa ko.
"Su-sure." Nauutal kong sambit. Tumayo ako para lumayo layo sa kasama ko. "Para saan yung pag uusapan natin?" Basag kong katahimikan.
"Miss nag lalaro kasi kami ng Truth of Dare so napili ko Dare then lumapit daw po ako saya at pwede po pahalik?"
"Ano?!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses.
"Mali!" Kaya mas lalo akong magulat.
"Ito po kasing lipstick po gamitin mo po tapos halik po kayo sa akin kahit saang parte po." Ano ba talaga? Iba yung una kong narinig ah?
" Wala naman po diba magagalit? May jowa po ba ikaw?" Muli nitong tanung hays umay ang buhay!
"Wala akong jowa okey." Kinuha ko ang lipstick then naglagay agad ako sa labi ko at hinila ko ang kamay nya hinalikan iyun parang ako yung lalaki ah?
"Sa-salamat." Utal nito tumango naman ako bilang sagot. "Jiro." Sabay abot ng kamay sa akin.
"Cassandra." At nag shake hands na kami. Bumalik ako sa upuan ko at masama ang tigin ni Ethan pati na din ang kambal? What's?!
"Mata nyo." Wala kong ganang sambit sa tatlo.
"You flirt that boy." Walang buhay na sinabi ni Lawrence kaya napangiti ako aba may alam ito ah?
"Gaya ka lang diba pala ng iba mga b***h?" Luis
Ang ngiti ko sa labi nag bago bila nawala iyun at lumigon ako kay Mika pero nakatungo ito.
"Akala ko si Kuya na kaya mo pala makilaglandian sa iba." Ngumiti ito pero alam kong peke iyun. Dahil ba hinalikan ko yung lalaki na yun? Sa kamay lang naman ah masama ba iyun? Single ako pwede ako lumandi!
Nagtikom ang kamao ko at hindi ko alam gagawin ko.
"You just like my Mom. Malandi." Ethan
May mali pero hindi ako iyun! Napatayo ako at napangiti sa kawalan.
"Okey. Salamat sa papuri nyu." Napapiyok pa ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi? Malandi ba agad ako?
Napatigin sa akin si Mika na parang pipigilan ako. Nagtama ang tigin namin ni Ethan same parin sa dati walang emonsyon pero alam ko galit ito.
"Where you going?" Malamig na tanung ni Ethan hindi ko ito sinagot at umalis ako. Hindi ko pinansin ang pagtawag nya pero ramdam ko sumusunod sya.
"Cassandra!" Sigaw nito pero mas lalo kong binilisan ang lakad.
"Cassandra?!" Sigaw nito napatigil ako at humarap sa kanya.
Ngumiti ako kahit nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan bakit ako umiiyak? Pinahid ko ang luha ko. At taas nuo ako tiningnan sya. At ngumiti pero fakesmile.
"Po? Tapos ka na mag insulto?" Tanung ko dito pilit kong kumalma pero sa tigin ko hindi ko kaya.
"Bakit hindi ba totoo?" Tanung nito sa akin. Ano ba!
"Alam mo hindi ko alam kung ano kinagagalit mo. Pero ss tigin ko wala akong mali."
"Wala? Tama ba iyun nahahalikan mo yung kamay nung lalaki na yun?" Ethan
Mukang magsasabatan kami ah. "Bakit hindi ba pwede? Single ako single sya eh ano naman."
Napangisi ito kaya medyu kinabahan ako pero hindi ko iyun pinahalata.
"Talaga lang ha? So parehas nga kayo ni Mom."
Hindi ko hinintay ang sinabi nya dahil sinampal ko sya. Oo sinampal ko at kita ko sa muka nya ang galit at mas lalo itong dumilim ang muka.
"Kung may problema ka sa akin. Sa akin lang! Wag mo idamay ang mama mo na walang alam sa ginawa!" Sigaw ko dito pero ngisi lang ang sukli sa akin.
"Talaga ba? Yung ginawa mo ginawa nya din parehas lang kayo malandi makati!"
Pinikit ko mata ko sa inis gagawin ko sa lalaki na to? Bakit nasasaktan ako? Napangiti ako ng pikit hays!
"Okey ako na malandi makati o ano pa iyan! Pero anong tawag sayo? Mas makati mas malandi? Ganun?" Kung pano nya ako tingnan ganun din ang ginawa ko. Sya ang pangalawang lalaki nag pag-iyak sa akin.
"Hindi ka makasagot?" Sabay tawa ng peke."Hinanao kita at nakita kita may dalawang babae pa ngang kasama ka eh. Ano masaya nakipag yakapan? Yun nga lang ba ang ginawa nyu o baka may iba pa? Bakit ko ito sinasabi sayo? Parehas tayo malandi diba? Jowa ba kita?! Hindi! Kaya Excuse me Ethan Haris Tabi!" Hindi ko mapigilan tumaas na naman ang boses. Pero sasaktan talaga ako ang sakit dito sa dibdib ko.
Tinalikuran ko sya at bumalik sa hotel. Gusto ko na magpahinga. Matulog at pag gising bukas okey na hindi na masakit puso ko. Tama tama.
"Cassandra!" Tawag nya muli sa akin pero hindi na iyun pinansin bumalik ako sa hotel dirig ko parin ang pagtawag nya. Dahil wala naman akong karapatan mag lock kasi hindi lang naman ako matutulog sa kuwarto na ito deritso ako sa cr kunwari liligo ulit.
Nilock ko agad ang pintuan pero peste hangang dito sa cr? Susundan nya ako?
"F*ck Cassandra open this door!" Sigaw nya habang kinakatok ako naman natulala parin ginagawa ng lalaki na to.
"Cassandra!" Sigaw nito kaya mas lalo akong kinabahan. Ethan ano ba?
"Open the door or sisirain ko ito!" Sigaw nya dahil ayuko mabingi at nakakahiya sa nakakarinig inopen ko. Ng dahan dahan at sinalubong sya.
"Ano? Sasama ka ba maligo?" Cold kong tanung sa kanya. Kaya nagulat sya sa inasta ko.
"Cassandra." Tawag nya muli sa akin.
"Señorito okey lang po sorry about kanina. Wag mo nang sirain yung pintuan mukang mahal maid lang ako diba. Lumabas ka na." Cold ko parin sambit sa lalaki na ito.
"I'm sorry." Ethan
Hahawakan na sana nya ang muka ko pero agad ako umiwas marupok teka iiiwas muna ako!
"It's okey lumabas ka na maliligo ako. Bumalik ka na sa kanila. Busog pa ako." At tuluyang sinarado ang pinto.
Nakakaligo ko lang at ito ako ngayun maliligo ulit. Bwesit kasi naman talaga! Malandi daw ako? Tapos yung mommy nila? Akala mo mga hindi anak eh? Tapos anak sa ibang lalaki? My god magkakamuka nga sila. Hindi na ako magtataka kung mag mana si Ethan sa ama nila. E ito nga ako ngayun eh Malandi daw. Single naman ako ah. Kaya pwede ko gawin lahat ng gusto ko!
Pero bakit ang sakit? Hinawakan ko ang dibdib ko at napangiti ako sa kawalan. Mali ito..