Masayang nakatanaw ako sa kanila. Hindi na muna ako naligo at ngayun katabi ko si Ethan nakaupo kami sa buhagin. Pero halata naman sa akin nakatitig ang mukong.
"Mata mo Señorito." Basag ko tahimikan kaya napaligon sya agad sa harap. "Alam kong maganda ako wag mo ipahalata naman." Sabay ngisi at ngumisi din sya.
"Thank you." Sambit nito sa kawalan kaya napaligon ako sa kanya.
"Nakain mo Señorito?"
Kaya mas lalong kumunot nuo nito sa akin.
"Eh kase naman nag thank you ka." Pero nakatitig na naman ito sa akin. "Señorito your welcome po hayaan mong maging masaya ang mga kapatid mo. Tingnan mo sila." Sabay turo sa kaibigan sya at mga kapatid sya pati na rin sina Hera at Kim. "Saya nila ohh. Hindi mo bibili ang kasiyahan nila kaya wag mo nang ipagkait okey?"
"Hhmm?" Ethan
"Pangit mo kausap." Sabay irap sa kawalan.
"Pogi naman ako." Sabat nito kaya napatayo ako bigla.
"At weh? Saan banda boss?"
Tumayo ito para maging pantay kami.
"Tsk." Sya
Hays minsan mapapaisip na lang ako mukang babae ito galing tumaray oh. Ethan Haris nga naman.
"Tara na maligo na tayo." Sabay higit sa kanya pero hindi kami naula. Bwesit naman oh! "Bigat mo." Nguso kong sambit pero nakatigin lang ito sa akin. Pero agad nya ako binuhat na parang sako. "Ethan! Waaahhh!" Sigaw ko ng napakalakas kaya nakaagaw pansin agad kami. Pero hindi ko iyun pinansin todo pumipiglas ako para mababa nya ako kaso malakas talaga si Ethan.
"Ethan baba mo na ako." Bulong ko dito kaya makulit parin ako.
"Ayuko." Tipid nitong sagot sa akin kaya napapikit na lang.
"Baba mo na ako nakakahiya." Sambit ko.
"Bakit yan kasi suot mo nakakainis tinititigan nila ang legs mo." Inis nitong bulong pero narinig ko yun.
"Concern ka po ba Señorito?" Tanung ko dito kaya napatigil sya sa paglalakad.
"W-wala." Utal nya.
Kaya lumapad ang ngiti ko. "Ikaw ah may gusto ka sa akin no." Tukso ko sa amo ko kapal ko no.
"Wala." Tipid nitong sambit sa akin.
"E di ibaba mo ako." Wala palang concern ah.
"Ayuko."
Bakit isang word lang binanggit nya? Pero deep inside napapangiti ako sa kanya. Sa totoo lang itong magkakapatid na ito ang laki nag pinagbago. Na ramdam ko na lang na tinapon nya ako.
"Pot*!" Sigaw ko ngayun basang basa na ako at masama ang titig ko sa lalaki na ito. "Hayop ka Ethan Haris!" Sigaw ko dito para ang kasama namin nakisabay na sa tawanan. "Ah ganun? Animal kayo!" Sigaw ko at hinigit si Ethan para masubsob sa dagat. Hindi ko mapigilan natawa na ako ng sobrang lakas. Dahil masama ang ugali ni Ethan hinila nya ang paa ko para masubsob din ako sa buhagin buti na lang pwet ang nauna.
Masama ang titig ko kay Kim at tawa ito ng tawa kaya hinagisan ko sya ng tubig kaya sakto nakalunok sya. Hindi ko alam pero ang itsura ni Kim na eewan na kaya. Nakisabay na sila ang dalawang kambal hinabol si Ethan at gawa ko binabasa ko lang ang mga kaibigan ni Ethan.
Sa mga oras na ito napakasaya namin. Kung pwede lang matupad ang hiling ko sana tumigil ang oras para masaya kaming naglalaro sa dagat. Kung tutuusin para kaming mga bata. Nagtago si Ethan sa likod ko para takasan ang dalawang kambal hawak nya ang bewang ko wala akong magawa kundi sumabay.
"Kuya!!" Sigaw ni Mika at daling daling tumakbo kay Ethan sisipain nya sana si Ethan kaso si Kian tinulak si Mika. Kaya nadapa ito pero kita ko ngiti si Mika kay Kian laro lang ito walang sakitan.
"Kian ang panget mo kabonding!" Sigaw ni Mika kay Kian pero si Kian dedma lang pero kita ko ang saya nito sa mata.
"Hoy! Jake bastos ka ah? Sapakan tayo!" Sigaw ni Kim kay Jake kaya dun naman ako napaligon si jake hindi mapinta ang muka dahil namumula ang tenga si Kim namumula na ewan ko kung bakit.
"Hala yari ka bro!" Sabay halakhak ni Cole. Sa nagkakaibigan may tahimik pero sa kalukuhan game na game oh.
"Ulol!" Sigaw ni Jake.
Nabaling naman ako kay Hera ngayun ko lang sya napansin nakangiti at nakatanaw kay Kim. Maganda si Hera at lalo nang nakangiti ito. Pero binuhat naman iyun ni Jake bakit nandun agad si Jake?
"Wag yan!" Sigaw ni Leo. "Gago!" At nilapitan si Hera hmm?
"So ako walang partner?!" Sigaw ni Axel kaya nagtawanan na naman sila. Nabaling ako kasi hinila ako ni Ethan. Shield ba ako?
"Taya Kuya Ethan!" Sigaw ni Luis kaya naging alerto ako tumakbo ako palayo sa kanya.
"Cassandra?" Tawag ni Ethan na may halong sweet voice kaya ang puso ko bumilis na naman ang t***k.
"Huwag ako kay Mika na lang." Nakalapit na ito sa akin kaya mas lalo akong magiging alerto kasi matataya ako habulan ang aming laro may sariling Mundo yung iba eh.
"Wag kang tatakbo Cassandra." Ethan
"Ang daya mo alam mo yun." Nguso kong sambit pero nahawakan na nya agad ang bewan ko para mas lalo akong napalapit sa kanya. Kaya agad ako napa atras. Puso teka.
"Ang daya mo!" Sigaw ko kay Ethan.
"Ano?" Ethan " Hindi ko kasalanan kung maliit ang hakbang mo." Paliwanag nya
"Higante ka kasi." Napangiti ako sa kanya at tumakbo kay Lawrence pero mabilis ito si Mika naman pero ganun din si Luis hays buhay pano ko kaya sila hahabulin? Dahil medyu malapit si Ethan kaso mali ang hakbang ko! " Ethan!" Sigaw ko sa kanya kaso ayun natumba kami ngayun nakasubsob akonsa dibdib nya. My god nakakahiya. Kaya pinikit ko agad ang mata ko.
"Sorry." Bulong ko sa kanya. Nakakahiya talaga kaya namula na naman ang muka ko. Dahan dahan akong tumayo kasi na kakahiya.
"Bagay kayo ohh." Basag katahimikan ni Mika may hawak na pala ito na camera kaya lalo akong nahiya. "Ate Mika para kayong model oh." Sabay pakita sa akin ng camera nya at yun nga nakuhaan kami ni Ethan.
Pero itong peste na ito akala mo walang nangyari pumunta sya kung asan mga kaibigan nya at naiwan naman kaming mga babae. Bantay ko din pala ang dalawang ka kambal. At yun laro parin sila ng laro.
"Thank you Ate Cassandra." Sambit ni Mika na ngayun naupo aa gilid ko umalis na si Kim at Hera hahanap daw sila ng papi.
"Para saan?" Tanung ko nito kahit nakatigin parin sa kambal.
"Sa lahat." Mika
Kaya napalunok nuo ko. "Ano?" Taka ko.
"Wala." At tumawa ito tatlobg oras na pala sila naliligo siguro ako dalawa lang kasi hindi agad ako naligo.
Kaya tumayo na ako at tinawag ang dalawang kambal para makapag palit na.
"Ate Cassandra 5 minutes pa." Hirit ni Lawrence itong bata talaga eh.
"3 hours ka nang nakababad baka magkasakit ka na." Sambit ko dito medyu padilim na at mag hahapunan na kami. "Ate Cass please." Hirit nya pa.
"May bukas pa Lawrence hindi ka nila uubusan ng dagat." Kaya natawa si Luis kasi tama naman ako hindi mauubos yung dagat Hello!
Dahil ako naman masusunod wala na nagawa itong bata na ito. Sumunod naman si Mika panay Parin kuha ng litrato sa paligid. Hindi ko alam kung asan na yung Senorito ko. Pumunta agad ako sa hotel pero wala yung mukong na yun asan yun?
"Mika bantayan mo nga yung kambal hahanapin ko ang magaling yung Kuya." Tumango naman si Mika para okey daw.
Nag towel na lang ako para hindi masyadong malamig at yun nga wala sya sa loob ng hotel lumabas ako oara hanapin sya pero bigo. Marami kasing tao dun medyu malayo kung asan ang hotel namin.
Wala naman atang mawawala kung susubukan diba? Kaya agad akong pumunta. At yun nga kahit nakatalikod ito sa akin pero kilala ko parin. May kausap itong dalawang babae yung isa parang linta na akala mo aagawin ng ibang tao makayakap kay Ethan jowa ka?!
Napaligon ito sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata pero parang walanh nakita ito tuloy ang usapan nila.
Ahhh ganun? Dahil sa inis ko umalis ako dun at bumalik na agad. Bakit ganun?