Nakatitig ako sa dagat dahil hindi ko alam Hayysss bakit kasi humalik ako pabalik? Nakakahiya grabe?! Manyak ka talaga Ethan. Pero aminin ko man o hindi nagustuhan ko kung paano nya ako halikan.
Ha-halikan?! Cassandra?!
"Ate Cass?" Tawag ng isang boses mula sa malayo. At yun nga si Mika tumatakbo papalapit sa akin kasama ang kambal at nasa likod si Ethan. Nawala ang ngiti ko napalitan ng hiya at ramdam ko nang namumula ang muka ko. "May sakit ka po ba?" Tanung nito sa akin. Kaya natauhan ako.
"Ah? Wala." Sagot ko dito na hindi sigurado.
"Sure ka? Namumula ka eh." Sabay hawak sa muka ko kaya napalayo ako ng kunti.
"W-wala i-ito maiinit lang. Oo tama mainit lang." At ngumiti ng tipid. Sabay paypay ng kamay. Maniwala ka ohh.
"Kain muna tayo bago ligo!" Masyang aya ni Lawrence kaya nag agree na din ako sa kanya.
Nagtakbuhan na naman ang dalawang kambal kaya sumunod naman agad si Mika naiwan na naman kami ni Ethan. Ethan na naman!
"Sorry about kanina." Umpisa ni Ethan kaya nakatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung pano mag umpisa ng sasabihin alam kong mauutal ako.
"o-okey lang." Sambit ko kahit nauutal ako.
"But i like your lips nakakaadik." At ngumisi ito aba?!
"Bastos ka ah?!" Tumayo kahit alam ko mas maliit sa kanya kaya ko itong batukan. At yun nga nabatukan ko sabay takbo.
"Cassandra?!" Galit nitong sambit sa akin tumakbo ako ng mas mabilis mahaba paa nito baka maabutan agad ako!
"Manyak ka!" Sigaw ko pero bwesit. "B-bat andito ka agad?" Gulat kong tanung. "Diba ang layo ko na?" Tanung ko muli kaya mas lalo itong ngimisi na may halong ngiti sa labi. "Kakain na tayo diba?" Pag iba ko ng topic.
"Change topic agad?" At ngumiti ito ng sobrang tamis kaya natulala na naman ako! Ethan!
"Ah? Hindi ah. Wala naman ako sinasabi bakit meron ba akong sinabi?" Inocent move. Unti unti sya at hinalikan agad ako. Isang smack kiss lang pero takte bakit nat butterfly sa tiyan ko? Nakatigin lang ako sa papalayong Ethan na yun.
Andito kami sa loob ng hotel at naka order na kami ng pagkain at ngayun natitig lang sa isang Ethan! Oo dahil mapang asar ang ngiti nya.
"Kuya why are you smiling? Because po ba kay Ate Cassandra?" Tanung ni Luis kaya napatigin ako sa gilid nasa kanan sya at kaliwa naman si Lawrence at kaharap ko naman si Mika. Si Kim at Hera hindi ko na nakita nag layas na ata hays ewan. " I saw you Kuya Ethan you Ki---...."
Sumabat na ako kasi alam ko ang sasabihin nya. "Kain na tayo pero pray muna maya mo na sabihin yan Luis ah."
Pero itong Ethan na to walang ginawa kunti matawa lang. Sige subukan mo kapag nalaman na nila wala na!
"Sino pala papakasalanan mo Kuya? Ano name nya?" Tanung ni Mika. Buti naman at unti unti nagiging okey na ang magkakapatid.
"I don't like her. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal." Sagot nito sabay subo ng pagkain.
"Akala mo naman gusto din kita pakasalanan." Bulong ko sa hagin.
" Si Ate Cassandra may sinasabi kuya!" Sumbong ni Lawrence mga bata nga talaga.
"Cassandra?" Tawag ni Ethan. Pero ako ngumiti sa kanya sabay taray.
"But Kuya Ethan si ate Cass na Lang please." Luis
Hindi ko alam bakit ako gusto ng mga bata. Dahil maganda ako? Hindi ako mabati hays ewan!
"Alam nyu kung kumain na kayo para makaligo na kayo pero masyadong maaraw pa oh baka mag kasakit kayo. Syaka sa tabi lang ah hindi ako marunong lumangoy." Dahil masyado silang excited ayun binilisan nila kumain jusko akala mo ngayun lang nakakita ng dagat. Pabalik na kami sa Hotel kung saan yung room namin isang kuwarto lang pala kinuha nya pero ewan kayna Kim at Hera nandito din daw sila pero mas gusto ata mag solo.
"Cass!" Boses iyun ni Kim kaya agad ako napaligon. "Tara ang daming papi dun!" Sabay turo sa dagat. Kaya si Ethan napatigin sa amin at nag sama ng tigin."Sabi ko nga taken ka na."
"Ha? Ano ka ba wala akong jowa." Natatawa kong sambit.
"Sabe ko yan ah." At hinila ako mukang may balak talaga ito.
"Mika tara agad! Ethan yung kapatid mo ah." Sabay nag paalam na dinila kami ni Kim sa room nila. Si Mika naman medyu nahihiya sa dalawa. Nagtaray kasi si Mika sa dalawa nung wala pa ako sa mansyon.
"Mika ano ka ba past na yun." Sambit ni Hera at ito naman si Kim busy kakahanap ng.
"Charan!!" Sigaw ni Kim na may na swimsuit. Nagkaharap kami ni Mika. Pero iba ang nakita ko nakangiti ito.
"Ilang papi ang lalapit kaya sa akin?" Tanung ni Mika kaya lalo akong naguluhan.
"Mika?!" Tawag ko sa pangalan nito. Anong pumasok sa isip nitong Mika na to at nakikipapi na din?
"Ate Cass ilang months I think 1 Year na din hindi ako nakakapag Beach." Nguso nitong sambit at namimili ng susuotin. "Kaya ikaw pumili ka na nang maglaway si Kuya HAHAHA."
Kuya na naman nya. Hindi na ako makatangi kasi silang tatlo ayun naga swimsuit jusko nakakahiya pero go. Hindi ito first time na magsusuot ako pero ewan kinakabahan ako. Kumuha na din ako ng alampay like towel na manipis para matabunan muna ang legs ko wala na akong pake kung kita cleavage ko sanay na ako.
Lumabas kami ng room na may ngiti sa labi. Tuwang tuwa si Mika kaya hinayaan ko na sya sa kasiyahan nya.
"Ngayun na lang ata sumaya yang bata na yan." Sambit Hera nauna na kasi yung dalawa naiwan kami ni Hera sa likod.
"Ewan ko pero hinahayaan ko na ang sarili ko para sa kasiyahan nya."
"Ang bait mo." Hera
"Medyu lang." Sagot ko totoo naman medyu lang ako mabait hindi ganun kabait sa inisip nila. Bad girl kaya ako minsan lang naman.
Nakalabas kami ng hotel at nagtatakbo na naman si Mika at Kim. Sayang saya sila na akala mo walang bukas. Kami naman ni Hera tawa ng tawa dahil sa kalukuhan ni Mika at Kim.
"Ate Kim! Dito tayo sa puno!" Sigaw ni Mika kaya pumunta kami nag pose sya ng mala model at sabay click naman ni Kim. "Ate Mika ikaw naman."
Ngumiti lang ako pero ayuko. " Wag na Mika tara na dun oh." Sabay turo kina Ethan na ngayun titig na titig sa akin o sa amin?
"Galit na naman sya." Bulong ni Mika. "Mukang magpapalit ako ah." Ngusong bulong ni Mika.
"Ganda naman!" Sigaw ng isang boses lalaki sabi na eh si Jake yun. Andito din pala ang Lima at nakangisi sa amin.
"Don't stare like that Jake." Sambit ni Ethan kaya napatigin kami sa kanya.", Magpalit ka Mika."
"Kuya Ethan naman eh." Inis sa sabat ni Mika mukang mali ito.
"Hayaan mo na Ethan." Sabat ni Leo kaya napatigin naman kami.
"Mababastos ka yan." Ethan naman.
"Hayaan mo na minsan lang." Mahina kong sambit pero sana dinig nya.
"Ikaw din masyadong kita ang dibdib at legs mo parehas kayo ni Mika." Napahawak naman ng nuo si Ethan yung dalawang kambal lumapit sa akin at niyakap ang leegs ko mukang natatakot talaga sila.
"Hindi kami mababastos dito lang kami sa tabi nyo. Bantayan nyu kami." Ngiti kong sambit sasakit ulo ko kay Ethan.
"Bodyguard kami?" Tanung ni Jake.
"Bobo." Sambit ko sa kawalan.
"Okey fine." Bugtong hininga ni Ethan.
Kaya ayun wala syang nagawa at naligo kami sa dagat nagtakbuhan ng na naman ang kambal haysss...