Kanina pa ako nakakainis ang kilay ko salubong na mukang magbubuga na ako ng apoy. Eh kasi naman kanina ko pa niyaya ang lukong dragon na ito pero hindi parin tumatayo sa pag kakahiga.
"Ethan Haris!" Inis kong sigaw sa pangit yang pangalan.
"Ang ingay mo." Pero nakahiga parin ito sa kama nya.
"Tatayo ka o hahalikan kita?!" Takte wait.
Nakita ko itong ngumisi na may binabalak. Wala akong sinabi promise. Wag kang kabahan Cassandra nasa dugo mo na ang palaban pero ang titig nito kakaiba eh.
"A-alam k-kong m-maganda a-ako w-wag m-mo i-ipahalata." Utal kong sambit. Nauutal na ako whaaa masama ito! Naku naman talaga oh!
"Halikan mo na ako." Ngising nakakaluko ang nakikita ko sa labi na ito.
Napalunok agad ako ng laway sa sobrang kaba hahalikan ko ba talaga?
"Tara at kakain na tayo." Change topic grabe nakakahiya my god!
"No... Halikan mo muna ako."
Grabe talaga itong lalaki na ito.
"Ethan." Ngiting sambit ko dito.
"Yes." Gumanti rin ito ng ngiti.
"Kakain na tayo." Malambing kong aya para effective.
"No... Kiss me first." Nang aakit na tono.
Talagang gusto nito mahalikan ah. Ayuko nga ano sya gold? No silver lang sya hindi!!! mali.... isa syang pangit na putik!
"Natulala ka?" Kaya agad bumalik ang diwa ko. At napasimangot.
"Ikaw na lang hinihintay ayaw mo pa bumaba nakakainis ka na kaya." At ngumuso ako ng todo hindi ako nagpapakiss pero mukang ganun na rin. Joke!!!
"Okey tara na."
Sa hindi ko alam ang dahilan ang lawak na pala ng ngiti ko. My God! Namiss ko sila namiss ang kambal Mika at lalo na itong unggoy na ito. Sa totoo lang sa bawat lapit ko kay Ethan ang puso ko parang hinahabol ng sampong kabayo. Sobrang bilis ng t***k nitong pesteng puso na ito masyadong traydor!
Sabi ko hindi ko papakasal itong Haris na ito pero ano? Ito nalulunod ako sa titig sa halik nito.
"Tutulo na laway mo ate!" Sigaw ni Lawrence kaya ito na naman natauhan ako.
Umupo na ako pero hindi muna ako sa gilid ni Ethan dahil bali pa nga ang kamay nitong bata na ito kailagan ko munang subuan ng pagkain!
Ang sama na naman ng titig nitong lalaki na ito. Kakain na lang kami ang dilim parin ng emosyon nito.
"Kilan liliwanag yan?" Bulong ko pero alam ko rinig nila.
"Ang alin?" Blankong tanung ni Luis.
Kaya ito na naman ako napasimangot. Nag pray muna kami syemre kailagan sa buhay ito.
"Nganga Lawrence." Sambit ko dito at susubukan pero nagulat ito at mukang hindi sanay. "Bakit?" Taka ko aba malamang gulat na gulat eh.
"Nganga ka o kay Luis ko ito isusubo?" Tanung ko dito kaya kumunot nuo. "Mika nganga." Sumunod naman ang babae at agad ko ito sumubo kaya natawa si Luis.
"Num num num num." Mika
"Ang sabi? Bawal mag salita kung may laman ang bibig." Tuluyan ko na ako ngumisi ito naman si Ethan naeewan aa ginawa ko.
"Luis?" Tawag ko magsasalita sana ito pero wala na. "Sarap?"
"Lawrence?"
Umirap lang ito na parang babae. Kaya ito wala nang magagawa dahil hindi naman nya magagamit ang kamay. Jusko parang mga anak ko ito.
"F*ck!" Mura ng isa dini pero ang pagkain hindi man lang ginalaw pa.
"Oh? Ayaw mo?" Tanung ko dito dahil nakaabang na ang kutsura sa ere. Sa hindi ko alam ang dahil ngumanga ito kaya ang mga kapatid nito.
"eww kuya! Hindi na baby." Lawrence
"Kuya Ethan totoo ba ito?" Naguluhan pa ata si Mika.
Hays mukang mamaya na ata ako kakain nakakainis. Bakit itong apat na ito kailagan kong subuan?! WwhhAa!
"Kumain ka na rin." Biglang salita ni Ethan kahit may laman ang bunganga. Takte naman oh kahit pagmasdan mo talaga ang itsura dito sa labi ka talaga mapapatulala eh. Ang pula pula kasi tapos ang sarap pa halikan saan ka na? Sa Ethan Haris na agad!
"Mamaya na pagtapos ko pakain kayo mga anak." Agad ako umirap jusko hindi ko alam bakit ko ito ginagawa? Siguro naawa lang ako kay Mrs.Haris. Oo nga pala pupunta ko pa pala sya pero next week na. Gagawa pa ako ng paraan para tumino yan Mr. Haris na yan.
"Ano isusubo mo yan o hindi?" Ethan na naman!
"E ito na po senorito say aaahhh..."
Pero nakatitig lang ito kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"Ayaw mo?" Aba kung ayaw mo. " Okey Luis." Owwwww..... "Gusto pala eh."
Natapos ang aming tanghalian at ang mga bata may ngiti sa labi. Maglalaba ba ako? Tinatamad na ako. Nakakapagsisi pala maging kasambahay. Sakit sa katawan sakit pa sa ulo.
"Ate Cassandra?" Tawag ng isang tinig.
"Hmm?" Ewan ko kung ungol yan si Mika lang naman ito. Namimili kasi ako ng lalabhan eh para mabawasan ito at wala na ako masusunod kasi!
"Thank You." Nahihiya yang sabihin pa sa akin eh.
"Para saan?" Tanung ko dito aba sinubuan ko lang naman sila para dun ba yun? Hindi ko kasi alam.
"Dun sa nag bully sa akin. Thank you kasi ikaw ang nandyan para puntahan si Lawrence. Hindi ko inaakala na masusubuan mo si Kuya Ethan naging maamong tupa tuloy."
Lumapit ako para maging pantay kami.
"Sorry kung umalis ako ng biglaan. Tandaan mo hindi ko kayo iiwan Pangako." Niyakap ko ito miss ko tuloy ang sissy ko abnormal. Ganitong ganito kami nung may sakit sya ako nag aayus sa kanya pero ngayung may iba ako inaalagaan.
Ngumiti lang si Mika at iniwan na ako dito. Ayaw lang ako tulugan nito eh. Nakakainis tuloy ang dami ko lalabhin sana naman hindi lahat ng kasambahay umalis eh. Ay oo nga pala may pumupunta pala rito para tulugan ako mag ayos. Kaya ito iiwan ko na dito. Oh katamaran is real! Nag ayus na lang ako sa sarili ko dahil ang ganda ko talaga!
"Bakit nandito ka?" Taas kilay kong tanung sinong abnormal susulpot sa harap ng salamin?! Sorry nasa likod ko pala sya!
"Bakit natakot ka ba?" Hindi ko alam kung nanakot talaga ito o hindi eh?
"Ako matatakot? Kapag ganyan naman lagi ko makikita sa salamin parang gusto ko na lang nandito ako sa harap." Sabay ngisi mapo fall ka talaga sa akin Ethan! Tandaan mo yan!