Chapter 17

1059 Words
Tuluyan nang hindi ako nakapasok mas inayos ko si Lawrence dahil masakit daw ang kamay. At kami ni Ethan away kung saan saan jusko hindi naman kami aso at pusa no? "Why did you come back?" Walang buhay na tanung ni Ethan. Nasa sala na kami ngayun at harap ko itong lalaki na ito kasama ang dalawang kambal. Pauwi na rin si Mika at nagulat din sa pagbalik ni Ethan. "Cassandra!" Malakas na sigaw ni Ethan sa maganda kong pangalan kaya tinitigan ko ito. "I'm sorry okey. Kung umalis ako na walang paalam." Pero mukang hindi naman nakikinig. "Umalis ka na dito sa bahay ko." Madiin yun at alam ko galit ito. "Ayuko nga syaka Mom mo nagsabi sa akin babalik ako hello." Mataray na kung mataray. "Umalis ka bago pa kita makalagkad." Ethan Bakit ba ito galit na galit sa akin buhay nga naman. "Aray teka!" Dahil mukang totoo nga. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak nya sa braso at hinila ako palabas. "Layas!" Sigaw nya. "Teka babe yung anak ko baka malaglag kapag talaga ako maagasan multuhin ka sana ng anak natin." Jusko sa dami dami kong pwedeng sabihin bakit ito?! "Wala akong anak sayo." Inis yang sambit sa akin pero natawa na lang ako. "Sus nahiya ka pa tara gawa tayo ng baby." Teka? Baka sumabay ito. Hinila ko ito papasok sa mansyon nila pero. "G-gagawin mo?" Bakit ako uutal?! Ang ginawa lang naman nitong lalaki na ito sinadal ako sa pader. At unti unting lumalapit ang muka nito sa akin. "T-teka l-lang b-baka m-mapapagusapan ito." Dila mo Cassandra ayusin mo! OMG nakakahiya! "Hhmm? Diba gagawa tayo ng baby." Malambing nitong sambit sa Teka ko. "Aah may sinabi na ako?" Sana tumalab ilang usog na lang nito sa muka ko at mukang may talagang hahalikan ako. "Gawin natin kambal na lang." Ngisi itong sambit sa akin. Bakit ang gwapo? Takte yan! "Mahirap manganak kaya!" Inis ko dito. "Pero masarap ang gagawin natin." Ethan Nakakainis ka na tumitig muna ako sa mga nito kitang kita mong nang aasar talaga oh. Dahil malapit ang muka nito hinalikan ko agad ito pero mabilisan lang at oras na para timakbo. Puso mo Cassandra baka mahulog. "Nakita ko yun." Walang buhay na sambit ni Luis sa harap ko ngayun. "Cassandra!" Sigaw ni Ethan na galit na galit. "Luis secret lang natin yun ah. Tingnan mo Kuya mo umuusok na yung ilong." Hindi ko alam ang dahilan natawa na lang ako sa pinag-gagawa ko. "Cassandra! Nakakarami ka na!" Sigaw na naman ni Ethan. At mukang galit na talaga itong lalaki na ito. Tumakbo ako sa kuwarto ko at nilock iyun. Napa-upo na lang ako sa sahig bigla. Bakit ko iyun nagawa? Oo nung Nakita ko sya kanina ewan bakit napangiti na lamang ng lihim. "Cassandra! Open the door!" Katok nito at malakas na sigaw nito sa pintuan ko. Gagawin ko sayo? Ano bang nangyayari? "Kuya?" Tawag ng isang boses at alam ko si Mika iyun kaya agad ako tumakbo at niyakap si Mika. Alam ko nagulat ito pero wala akong pake. "May ginawa ka bang kalukuhan Kuya?" Taas kilay tanung ni Mika kaya naman natawa ako bigla. "Nakakatawa ba ako Yaya?" Oh diba ang taray ng alaga ko Mika ko yan. "By the way anong nangyari kay Lawrence?" Tanung nito bigla habang papunta kami sa kusina. Malamang magluluto ako ng tanghalian. Walang magluluto dito kung di ako lang. Nag uusap sila at ako tamang gawa lang sa gagawin. "I hate you Kuya!" Biglang sigaw ni Mika kaya napaligon ako. "Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa nyu!" Sigaw naman ni Ethan. Mag kapatid nga naman. "Bakit ni minsan naramdaman ko may Kuya ako?" Nanginginig sambit ni Mika kaya pumagitna ako. Kanina lang ang ayus ayus nila tapos ito na naman kami. "Mika! Hindi ka na bata." Inis na sinabi ni Ethan. Ganun ba dapat? Kailagan maging bata muna para maramdaman na may Kuya? "Ethan? Tsk! Sana hindi ka na lang bumalik." "Mika!" "Kayong dalawa kung hindi kayo titigil kayo mag luto ng adobo!" Sigaw ko sa dalawa kaya nabigla ito. Kita ko sa ang inis sa mga mata. Magkapatid nga naman talaga. "Yaya ka kaya ikaw dapat." Ethan "No!!! Never pa ako nakapag luto." Ito naman si Mika. Bumogtong hininga ako sa dalawa. "So mag sisigawan kayo dyan? Umayus kayong dalawa pag buhulin ko kayo." At iniwan ko sila ramdam ko naman sumunod si Ethan at bumulong pa. "Hindi pa tayo tapos Cassandra." Pinikit ko na lang ang mga mata ko sa inis. Ramdam ko din umalis na ito sa likod. Kaya nagpatuloy ako sa pag aayus ng lulutuin ko. "Ate?" Tawag ng isang dinig kaya napaligon ako. At nag kunot nuo ako. Nakain nitong bata na ito? "Tu-.... Tulugan na kita dyan." Muntik na utal ni Mika. Pero ngumiti lang ako ng tipid. "Okey." Tipid kong sambit sa kanya. Inabot ko ang patatas sa kanya nagulat pa sya kasi anim na patatas iyun. "Anim? Ang dami naman." Ngusong reklamo nya sa akin. "Ilan tayo kakain?" Aba dapat lang anim favorite ko ang patatas kaya dapat lang marami. Napapangiwi na lang ako sa bawat talop nya ng balat jusko babae! "Wala na atang matitira eh." Inis ko dito pero syemre joke lang dapat chill lang. "Ganito gayahin mo ako." Ayan dapat chill lang talaga. Nakasunod naman ito agad at mabuti naman hindi sya nasugatan at baka masakal ang kuya yang mukang dragon! "Nakakaiyak ate Cassandra." Sabay singhot ng sipon. "Magagawa ko? Hindi ko na kasalanan kung broken yang sibuyas na yan at gusto kang idamay." Pero agad ako natahimik ah hehehe pansensya na nakalimutan ko. Pero noooo..... "Kaya ikaw umiyak ka na dyan damayan mo yang sibuyas na yan. Magpasalamat ka nga at may kasama kang broken." Sabay patuloy sa ginagawa ko kunwari meron. "So nakakatawa yun?" Asar talo nga naman talaga Mika. "Bakit nakakatawa ba ang sinabi?" Kaya mas lalo itong naasar. "Ewan ko sayo Ate tapos na ano next?!" Hindi ko alam pero nalungkot na lang ako bigla. Sa totoo lang ganito din kami ni Sissy pero sadyang nagbago na ang lahat kaya para na kaming aso at pusa. Hindi na kami dati same ang gusto ngayun nag aaway na kami sa pipiliin nakakainis. "Tapos na Cassandra... Sa pagkakaalam ko ako ng broken at hindi ikaw? Pero mukang ata ang broken share mo na." Ngumisi ito sa akin kaluka! "Gurl! Wala akong jowa okey." At tuluyan na itong iwan sa kusina at tatawagin ko ang kambal at ang kuya na dragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD