bc

So, I married a Businesswoman

book_age16+
1.2K
FOLLOW
11.0K
READ
contract marriage
one-night stand
love after marriage
pregnant
dominant
powerful
comedy
sweet
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Married Series #2: So, I married a Businesswoman

“All men are the same,” ang mga salitang iyan ang laging sinasabi ni Britta Ellinore Matastas.

Wala siyang tiwala sa mga lalaki dahil ang bigay lang ng mga ito ay sakit sa ulo at sakit sa puso. Para sa kaniya ay sa una lang magaling ang mga lalaki at pag nagsawa na ay biglang magbabago at magloloko. Maraming beses na siyang naloko kaya itinaga niya na sa bato na hinding hindi niya na kailangan ng lalaki sa buhay niya. Hindi niya gustong may lalaking lumalapit sa kaniya. For her… Being a man hater is better than being a broken woman. Magawa pa kaya niyang buksan ang kaniyang puso sa isang lalaki?

Si Kalel Ross Demalas ay isa lang ang hinahangad sa buhay-ito ay ang maging pinakamagaling na abogado. Kaya niyang magpanggap na bakla para lang makamit ang kaniyang pangarap na makapasok sa isang kilala at magandang law firm. Ang kaniyang apelyido ay kabaliktaran ng kaniyang nararanasan. Demalas man ang kaniyang apelyido, suwerte naman siya sa buhay niya. Kayanin pa kaya niyang magpanggap na bakla kung unti-unti na siyang nahuhulog sa anak ng abogadong iniidolo niya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Cheating is a choice not a mistake. Hinding hindi ako magbibigay ng second chance kahit na mahal ko pa siya. Niloko niya ako at hindi niya deserve ang pagpapatawad ko. Gumawa siya ng mali at dapat lang ay matuto siyang humarap sa mga consequences. Hindi ako magpapakatanga sa kaniya. Deserve ko ng lalaki na hinding hindi ako lolokohin. I want a faithful man, but I think that this will be the last time that I will love someone. Sawa na akong maloko. Ayoko nang sumubok pa. Pare-pareho lang ang mga lalaki, manloloko silang lahat. Akala ko ay iba siya sa mga naging una kong kasintahan ngunit mali pala ako. Magkakatulad lang silang lahat. Mapait na ngiti ang ipinakita ko sa kaniya at napansin ko ang pagngiti niya sa akin. Ang aking luha ay naubos na kagabi sa pag-iyak kaya wala nang lumalabas pa sa aking mga mata. Said na ang mga luha ko, at ang pagmamahal ko sa kaniya ay napapalitan na ng sakit at galit. Bumitaw ako sa kaniyang kamay at napansin ko na kumunot ang kaniyang noo. Ang tahimik na simbahan ay biglang napuno ng usap-usapan. Tumingin ako kay Father at umiling ako sa kaniya. Napatigil siya sa pagmimisa. Nasa kalagitnaan na ang kasal ngunit hindi ko na kayang ituloy pa ang kalokohan na ito. Ang kasal na ito ay kalokohan lang para sa kaniya. Kung dati ay masaya pa ako na ikasal sa kaniya, matapos kong malaman na niloloko niya pala ako ay nawalan na rin ako ng gana sa kasal na ito at parang kalokohan na lang din sa akin. Napagtanto ko ngayon na huwag nang ituloy pa ang kasal kahit na marami ng mga tao ang nasa simbahan. Ayokong magsisi sa huli. Mas maigi pang pag-usapan nila kami kaysa matali ako sa kaniya habang buhay. Ang aking mukha ay hindi makikitaan ng reaksyon. Seryoso lang akong nakatingin kay Father. Binitawan ko na ang hawak kong bulaklak. Mas lalong umingay ang paligid. “Father, stop this ceremony,” mariin kong wika habang nakatitig lang sa kaniya. Napansin ko na napabuntong hininga siya habang umiiling. “May problema ba, iha?” mahinahon niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kaniya. Mas lalong nagkagulo ang mga bisita. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama pero hindi ko siya nilingon. Mamaya ko na lang siya kakausapin. “Wedding is sacred and marriage is a serious matter. Ayokong matali sa lalaking hindi ako sigurado,” wika ko sa seryosong boses. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng lalaking papakasalan ko sana. Ang mga bisita ay napasinghap. Ang pamilyar nilang mga boses ang naririnig ko sa buong simbahan. Alam ko nang mangyayari mamaya, ako na naman ang kanilang pag-uusapan. “Anong problema niya?” rinig kong tanong ng isang bisita. Nagbulungan lalo ang mga tao. Hindi ako nakakaramdam ng hiya dahil wala naman akong ginawang kasalanan, hindi man matuloy ang aming kasal ngayon ay makakahinga pa rin ako nang maayos at hindi mapapahiya sa kanilang lahat. “What are you doing?” rinig kong tanong sa akin ng lalaking sana’y pakakasalan ko. Walang reaksyon ko siyang tinitigan. “I will leave this wedding,” wika ko sa malamig na boses. Napasinghap siya at sinubukan niya akong hawakan sa braso ngunit umatras ako. Napansin ko ang pagtingin niya sa mga bisita. Hindi natahimik ang mga ito sa pag-uusap. Muli siyang tumingin sa akin at pansin ko ang inis sa kaniyang mga mata. “Aalis ka sa kasal? This is our memorable day! Bakit naman bigla ka na namang tinotoyo?” mahinang bulong niya sa akin. Inalis ko ang belo na nakaharang sa aking mukha. Mariin ko siyang pinagmasdan. “Ikaw ang may toyo. May tulo ka pa. Disgusting!” kalmado na wika ko. Galit na galit ako sa kaniya noong nalaman ko kagabi ang kababuyan at panloloko niya, ngunit kahit na nasaktan ako ay hindi siya makakarinig sa akin ng mura. Hindi ako bababa sa kaniyang level. Bahala na siya sa buhay niya. Lalamunin na lang siya ng konsensya niya. Ako rin naman ang may kasalanan dahil hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko. Kung hindi ako nagkamali sa kaniya, sana ay hindi niya ako nasaktan. Mas mabuti na yata na mag-isa na lang ako. Mas nagkagulo ang lahat dahil sa narinig mula sa akin. May narinig pa ako na mga mapapait na salita galing sa mga kamag-anak ng lalaking nanloko sa akin. Mabuti na lang at wala akong inimbita na mga media reporters, baka lalong magkagulo. “Can you lower your voice? Huwag kang gumawa ng iskandalo,” bulong niya sa akin ngunit hindi nakalampas sa aking pandinig ang inis sa kaniyang boses. Sinubukan niya akong abutin ngunit mas lalo akong umatras. Hindi naging sagabal sa akin ang mahaba kong wedding gown. Kami ang center of attention ngayon, hindi dahil kami ang ikakasal kundi… sa rebelasyon na aking sinabi. Hindi pa tapos ang mga sasabihin ko. Nagsisimula pa lang ako. Wala na akong pakialam kung masira ang imahe niya sa iba. Deserve niya ito. “Gay,” mahina kong bulong. Napansin ko na nanlaki ang mga mata niya. “What? Ano bang pinagsasabi mo?” malakas niyang tanong sa akin. Lumapit siya sa akin. Pansin ko ang galit sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ako sa braso at naramdaman ko na mahigpit ito. “Are you really asking me that? Right here?” tanong ko sa kaniya sa seryosong boses. “Ano bang problema mo? Tumigil ka na, Britta! Mamaya tayo mag-uusap!” mahina niyang bulong ngunit gigil na gigil na siya. Mariin niya akong tinitigan. Napataas ang gilid ng labi ko. He can’t hurt me because there are so many eyes looking at us. Inalis ko ang kaniyang kamay sa braso ko. Nagpapigil naman siya. “Sylvester! Bakit ako titigil? Ayaw mo bang malaman nila?” seryosong tanong ko sa kaniya. “I will ask you one question, Do you kind that I’m dumb?” pahabol na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Napansin ko na nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Alam niya ang ugali ko. Matalino ako at hindi niya na ako kayang lusutan pa dahil alam niyang may hawak na akong alas laban sa kaniya. Naging maingat man siya sa pagtatago ngunit tanga siya para maging kampante at akalain na habang buhay niyang maitatago sa akin ang sikreto niya. Pinagkatiwalaan ko siya. Hindi ako naging clingy na girlfriend sa kaniya at hinahayaan ko siyang gawin ang mga gusto niya. Hindi rin ako selosa. Alam kong will ni God na magtagpo ang landas namin sa hotel na pinuntahan niya. Hindi niya alam na sa hotel na iyon din ang dinner meeting namin ng aking business partner. Malayo na sa syudad kaya walang nakakakilala sa kaniya. Sinundan ko siya at nakita ko ang pinaggagagawa niya. Pinanood ko ang kataksilan niya. Mabuti na lang at business partner ko ang may-ari ng hotel kaya napakiusapan ko siyang mapanood ang cctv footage sa silid na inokopa niya. Pag-uwi ko pa rin kagabi ay agad kong tinawagan ang pinakamagaling na investigator na kaibigan ko at pina-imbestigahan ko agad siya. Kaninang umaga lang ay naipaalam niya na agad sa akin ang lahat ng kalokohan ni Sylvester. “Akala mo ba ay hindi ko malalaman na niloloko mo lang ako? Sa dalawang taon pala nating magkarelasyon ay may relasyon ka ring iba. Matatanggap ko pa sana kung babae ang kabit mo pero lalaki pala,” wika ko sa malamig na boses. Napalayo siya sa akin habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga bisita. Malakas din na sigaw ng kaniyang ina ang pumaibabaw sa bulungan sa paligid. Nagkagulo ang lahat habang ako ay walang emosyon na nakatayo lang sa kanilang unahan. Masakit ang ginawa niya ngunit hindi ko naman ito ikinadurog. Ngayon ay napagtanto ko na hindi ko talaga siya mahal. Nasanay lang ako sa mga bagay na ginagawa at sa pag-aalaga niya sa akin. “H-hindi t-totoo iyan! I-ikaw lang ang m-mahal ko!” malakas niyang sigaw. Lumingon siya sa mga bisita at umiling siya sa mga ito. Mas lalong umalingawngaw sa paligid ang bulungan. Lumingon ako sa mga bisita at nakita ko ang nanghuhusga nilang tingin kay Sylvester. Taas noo ko siyang nilingon upang titigan siya. “Mahal? Ako ba talaga o ang mga bagay na mayroon ako?” tanong ko sa kaniya sa mariin na tono ng boses. Bigla na lang siyang sumulpot sa aking buhay at niligawan ako. Iba pala ang kaniyang plano. He’s a gold digger. “Bakla siya?” rinig kong sabi ng mga lalaki sa kabilang side. “Sinong karelasyon niya?” tanong naman ng isang babae na umabay sa kasal namin. “Sylvester! Magpaliwanag ka!” malakas na sigaw ng ina niya. “She’s lying!” depensa niya kaya naman napangisi ako. “I’m not a liar. Huwag mo akong itulad sa’yo,” matigas kong sabi. Nanlisik ang mga mata niya habang tinitingnan ako. “Kung ayaw mo namang magpakasal sa akin, bakit hindi ka na lang pumayag noong nagpropose ako sa’yo? Ipinahiya mo pa talaga ako sa lahat ng tao!” “Kung alam ko lang noong una pa, hinding hindi ako papayag na magpakasal sa’yo. Ikaw ang gumawa ng kahihiyan mo. Bakit sa akin ka pa magagalit? Mabuti nga at nalaman ko kagabi ang kagaguhan mo. Baka lalo akong magsisi kung ikinasal tayo,” wika ko. Inalis ko na ang bridal gloves ko. Hinayaan ko itong mahulog sa sahig. “Huwag kayong maniwala sa kaniya! Baliw siya! Gusto niya lang akong siraan para maging madumi ako sa paningin niyo,” paliwanag niya habang umiikot siya upang tingnan ang mga bisita. Itinaas ko ang aking gown upang makahakbang ako nang maayos palapit sa kaniya. “Ikaw ang sumira sa sarili mo. Don’t act like you are the victim here. Ako ang biktima rito dahil niloko mo ako,” seryoso kong sabi sa kaniya. “Wala kang ebidensya na nagloko ako! Hindi ako bakla!” pagtanggi niya. Ayaw niyang mas mahusgahan siya ng mga tao kaya pilit siyang nagsisinungaling. “Itatanggi mo pa ba? Karelasyon mo ang kaibigan mo, hindi ba?” tanong ko habang nakangisi. Tumingin ako sa kabilang side ng upuan kung saan naroroon ang lalaking kalandian niya. Malakas talaga ang loob nito na umattend pa sa kasal namin. Hindi rin siya umalis kahit na nagkaroon na ng komprontasyon sa amin. Walang ekspresyon sa mukha na itinaas ko ang kanang kamay ko at itinuro ang nasa part ng groomsmen. Napasinghap ang lahat noong nakita ang lalaking kalaguyo niya. Napansin ko na naging kabado siya at hindi mapakali. Lumapit agad sa akin ang secretary ko at ibinigay niya sa akin ang isang envelope. Inilabas ko ang laman nito, itinaas ko ito upang ipinakita sa kanilang lahat ang pictures. “This is my evidence! Hindi ba’t ito ang bachelor party mo kagabi kasama ang mga kaibigan mo? Imbis na babae ang dala niyo ay lalaki pa talaga! Nakipaghalikan ka pa! Nagselos pa nga si Nosh dahil sa kalandian mo,” nakangisi kong sabi. Mas lalong lumakas ang pagbubulungan sa paligid. Nagkagulo ang mga tao at mas lumapit ang mga ito sa amin. Inihagis ko ang sobrang daming pictures. Pinulot ito ng mga bisita. Napalingon ako kay Sylvester noong sumigaw siya. Nakita ko na lumapit na kay Sylvester ang magulang niya. Walang pakialam na pinanood ko lang siya noong sinuntok siya ng ama niya. Lumapit sa akin ang secretary ko at ibinigay niya sa akin ang cellphone ko. “Bakit ka nagloko?” rinig kong sigaw ng ama niya. “Hindi ka namin pinalaking ganiyan! Isa kang kahihiyan sa amin!” malakas na sigaw ng kaniyang ina. Napatingin lang ako sa aking pamilya at wala naman silang reaksyon. Nakamasid lang sila sa paligid habang seryoso pa rin ang kanilang mukha. Alam kong hindi sila mahihiya dahil wala namang kasalanan ang aming pamilya. Ang lahat ng kahihiyan ay nasa kabilang pamilya. Tumango lang ako kay Papa at napansin kong tumango rin siya sa akin. “Huwag sana tayong mag-away away sa tahanan ng Diyos,” rinig kong suway ni Father. Lumingon ako kay Sylvester. “Paalala lang, Sylvester. Ayusin mo ang gulong ito,” malamig kong sabi sa kaniya. Itinaas ko ang aking wedding gowan at tinulungan din ako ng secretary ko upang hindi ako matalapid. Naglakad na ako papunta sa red carpet. Walang emosyon sa mukha na taas noo akong naglakad. Nagkakagulo pa rin ang lahat habang nakatingin sa akin. Narinig ko pa na may nagsabi na kawawa raw ako pero mali sila roon. Bakit ako magiging kawawa? Hindi naman siya malaking kawalan sa akin. Sumunod ang secretary ko sa akin hanggang sa makalabas ako sa simbahan. “Saan po tayo, Ma’am?” tanong niya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang susi ng kotse ko. Binuksan ko agad ang pinto nito. Tinulungan niya ako sa pagpasok sa loob ng kotse ko. Mabilis naman niyang naipasok ang laylayan ng aking gown. “New York. I will attend a meeting,” seryoso kong sagot sa kaniya. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Sylvester pero noong nakasakay agad ang secretary ko ay pinatakbo ko agad ang kotse ko. No more tears because I didn’t lose you… You lose me, Sylvester.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook