What have you done Lance? – reklamo ko sa aking sarili. Anong sinabi mong kasinungaligan sa iyong mga kaklase. Pero I had to, kung hindi ko sasabihin yun ay mapapalabas ako ng seminaryo. Ayos lang sa akin magalit ang klase kesa ako mapalabas at mapapunta sa wala ang aking pinaghirapan sa loob ng anim na taon. Sabi kasi ni Harry ay kung hindi ko daw ititigil ang sinasabi kong anino ay isusumbong niya ako sa aming Rector na nababaliw na ako. Hindi ko kayang mapalabas ng seminaryo at dumiretso sa mental hospital. Pero parang mabuti na rin ito na ako na lang ang naniniwala sa anino para maiwasan ang pagkamatay ng aking mga kaklase siguro kung ako na lang ang naniniwla ay matitigil na ang lahat ng kababalaghan dito. Para bang si Boogieman kung walang maniniwala ay para siyang hindi nag-eexist o hindi siya totoo. Bigla akong nakarinig ng mga munting katok isa hanggang apat na katok ang aking pinalipas bago ko binuksan ang pinto. Nagulat ako nung makilala ko ito
"Oh why are you here?" sabi ko dito "it almost 10:30 pm na ah!"
"I just need to say na hindi ako naniniwala sa sinasabi mo kanina!" tugon nito
"Oh come on, Ivanne – totoo yung sinasabi ko!"
"Basta alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin" sabi nito
"What do you mean?"
"I think. I'm next" bulong nito
"W-what?"
"Yesterday before Ron died" sabi nito "I saw the shadow, I think hindi lang ito simpling anino. I think, it is a demon"
Hindi ako makapagsalita para bang naparalisa ako sa aking narinig, gusto ako sanang siyang tulungan pero nakagawa ako ng pangako.
"I told you" sabi ko dito na medyo napalakas ang aking boses "The anino is not real. I just made it up, Gets?"
"Okay" sabi nito sabay talikod "Good night" dagdag pa nito.
~
2:58 na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin siguro inaalala ko pa rin yung sinabi ni Ivanne kanina. What if siya na nga ang kasunod? Tapos wala pa akong ginawa para siya tulungan.
Ahahhahahahahahah, sigaw ko sa aking isipan. Anong gagawin ko, tanong ko sa aking sarili. Kailangan ko na siyang tulungan. Nagmadali na akong lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa kwarto ni Ivanne. Kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit. Kinatok ko ito pero hindi ito sumasagot. Siguro tulog na ito kaya napagdesisyunan ko na bumalik sa aking kwarto at natulog pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako nakatulog pa.
~
Umalingasaw na ang tunog ng buzzer sa buong building. Tumayo na ako sa aking kama at nagmadaling nag-ayos ng aking sarili. Natapos na ang misa na wala akong nagawa kundi matulog. Sobrang bigat ng aking katawan ngayon, para bang may dala-dala akong dalawang sakong bigas sa aking balikat.
"Lance!"
Nilingon ko ito at laking gulat ko na lang na iba ang aking nakita. Wala itong ulo. Kinusut ko ang aking mata para masigurado ko na totoo ang aking nakita. Sa pagmulat ng aking mata ay nakita ko na ang ulo nito. Ano ba yan, Malik-mata reklamo ko sa aking sarili.
"Oy, Lance are you okay?" tanong nito sa akin "Para kang nakakita ng multo e"
"Sorry, Ivanne puyat lang ako" sabi ko dito "Ano ang kailangan mo?" nakangiti kong dagdag dito.
"About last nigh – "
"No, I'm sorry dahil sa akin nagugulo kayo" pagputol ko dito para hindi na niya matuloy pa ang kanyang sasabihin.
"Okay" matipid nitong tugon sa akin "Tara na gutom na ako" dagdag nito habang nakangiti ito pero makikita mo sa kanyang mga mata na hindi ito masaya at merong pangamba sa kanyang puso.
Natapos na ang klase sa buong araw pero wala akong nagawa kundi matulog lang sa klase. Kung hindi man ako tulog ay nakatulala lang at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, sobrang wala ako sa focus ngayon.
"Lance"
"Oh Harry, bakit?"
"You are requested by the Rector na pumunta sa kanyang office, ngayon na" sabi nito
Napakunot ang aking noo dito.
"wait lang Lance" sabi nito "Alam kong expression yan. Wala akong sinabi sa ating Rector"
"So bakit?"
"Hindi ko alam"
Nagtungo na ako sa office ng aming Rector. At noong nasa loob na ako ay bigla akong kinabahan. Para bang gustong lumabas ng aking puso sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Lance"
"Po?"
Nakita ko itong may kinuhang envelop sa kanyang drawer at inabot ito sa akin.
"Mons, ano po ito?"
"Buksan mo"
Dahan-dahan kong binukasan ito. At bigla akong nagtaka nung makita ko ang laman nito
"Picture?"
"Nakikilala mo ba sila?"
"Hindi po Mons, bakit po?"
"Just look"
Tinitigan ko ito at laking gulat ko na makita ko ang aking sarili na kasama ng mga lalaking nakauniform. Itong picture na ito ay parang class picture ng isang High school or College students.
"Papaa – "
"It's your classmates before sa isang school na exclusive for boys only"
"Parang Seminaryo?"
"yes pero may malaking pagkaibahan"
"Bakit wala po akong maalala sa kanila?"
"Yun na nga ang pinagtataka namin dahil after ng aksidente sa isla ay parang –"
"Wait Mons, anong nangyari sa amin sa isla?" sabi ko dito "At anong isla?"
"Sa resthouse ninyo sa San Francisco, Quezon" sabi nito "Ang alam ko ay nagbakasyon kayo sa inyong resthouse then after a week natagpuan na lang kayong nakahalundusay sa sahig at punung-puno ng mga dugo sa katawan. Hindi namin alam kung anong nangyari sa inyo at ikaw lang ang nakaligtas sa kanilang lahat at sabi nga nila ay 50-50 kang dinala sa ospital. Natagpuan kayo ng magulang ni Harry na inyong katiwala sa bahay"
"Wait Mons, wala po akong maintindihan sa inyong sinasabi pero diretsuhin ninyo na nga po ako" sabi ko dito
"You have a tendency na magcommit ng suicide"
"W-what?" medyo napasigaw ako "How can you say that- wala nga po akong maalala sa aking nakaraaan?"
"Pero – nagsisiguro lang kaming mga pari dito sa seminaryo na magkaroon ng suicide na naman dito. Hindi lang naman ikaw ang hinalungkat ang nakaraan. Buong klase ninyo para makita namin ang mga suicidal tendency"
"Bakit kami?"
"Dahil sa inyo nagmumula ang suicide accident"
~
Ano ba talaga ang meron sa aking nakaraan, bakit wala akong maalala. Hindi kaya sila ang pumapatay sa aking mga kaklase dahil hindi nila matanggap na patay na sila? Bakit ngayon pa? Kailangan kong malaman ang aking nakaraan. Pero sino ang tatanungin ko? Sino ang nakakaalam?
AAAHHAHAHAHAHAHAH – sigaw ko sa aking sarili.
Kinuha ko ang aking laptop sa aking table at binuksan ang Google Chrome, pinindot ang search engine at tinype ang San Francisco, Quezon Accident. Nagulat ako ng makita ko ang mga lumabas, ang daming balita ukol dito. Pinindot ko ang isang balita at binasa ito.
April 20, 2012 –
San Francisco Massacare at Cortez'
Dalawangpu't pitong estudyante natagpuan patay sa loob ng bahay ng isang kilalang negosyante sa San Francisco, Quezon. Hindi mapaliwanag ng mga pulisya kung ano ang nangyari sa mga esduyante. Walang makitang motibo ang mga pulisya para sa aksidenting ito. Ang nasabing aksidente ay masasabing malaking misteryo parin sa pulisya. Ang mga estudyanting umano ay nag-aaral sa isang ekskulisbong paaralan dito sa ating lugar na para sa mga lalake.
Si Lance Cortez (Picture above) ang nag-iisang nakaligtas sa m******e na ito pero siya ay ngayon ay nasa ICU at 50/50 pa rin. Nakakuha ito ng maraming sugat sa katawan at sa ulo.
"Wala pa rin kaming lead sa kasong ito, Hihintayin pa naming magising ang biktima" sabi ni PO1 Patrick Red "Pero gagawin naming lahat para maresulba ang kasong ito at mahatid ang hustisya sa pamilya ng mga naulila"
Pagkatapos kong basahin ito ay maluha-luha akong napatingin sa aking bintana. Lumipas pa ang limang minuto ay nakarinig ako ng mga katok sa aking pinto, dalawa hanggang limang katok ang pinalipas ko bago ko ito binuksan.
"Lance" tawag nito sa akin "Are you okay?"
"I'm fine, Harry" sabi ko dito habang nagpupunas ako ng luha.
Napatingin ito sa aking laptop at nakita ko ang ekspresyon nito na nagbago bigla
"can I come in?"
"Okay"
Nung nakapasok na siya hinawakan nito ang aking laptop at binasa ang laman nito.
"So alam mo na?"
"Wala pa rin akong maalala" sabi ko dito
"It's okay, basta ang mahalaga ay ligtas ka na"
"pilit kong inaalala ang aking nakaraan subalit wala talaga akong maalala"
"Lance, may amnesia ka"
"kailan ako gagaling?, I need to remember everything" sabi ko dito habang naluha "Para ako sira ulo dito na wala akong alam sa aking nakaraan"
"Basta Lance, nandito kami para sayo"