Chapter 9 Lumang Bahay

1352 Words
"Familiar itong lugar na ito" wika ko sa aking sarili Nasa harap ako ng isang bahay na merong apat na palapag. Luma na ang bahay na ito at kung hindi ako nagkakamali ay nasa isa o tatlong daaang taon na itong nakatayo. Iba ang aking pakiramdam sa bahay na ito para bang nang-galing na ako dito. Para bang may kakaibang nangyari dito sa mga nakaraang taon. Bigla akong napatalon sa takot nung nagbukas ng kusa ang pinto nito. At kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang mga boses na dala nito. Hindi ko mawari ang aking naririnig, para ba silang nakulong dito na matagal na panahon at sila ay sumisigaw sa galak. Hinakbang ko na ang aking kanang paa para makapasok sa loob ng bahay. Namangha ako nung nakapasok na ako loob ng bahay, moderno ang loob nito hindi katulad ng panglabas nitong anyo na nakakatakot. Nakarinig ulit ako ng mga boses, pero ang mga boses nito ay naging malinaw na sa aking pandinig. Hindi sila sumisigaw sa galak kundi sumisigaw sila sa sakit at poot na kanilang nararamdaman. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo, at nagsimulang maglabasan ang aking mga pawis sa aking noo. Bigla akong napalingunun nung may narinig akong tumawag sa aking pangalan "Lance" Nagpalinga-linga ako pero hindi ko mahanap ang pinagmulaan nito. Lumipas pa ang halos kalahating segundo ay nakarinig ulit ako ng mga boses na tumatawag sa akin. Napatingin ako sa hagdanan kung saan may nakita akong tumakbong lalake, kung hindi ako nagkakamali ay halos kaedad ko lang ito. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa ika-apat na palapag, at nakita ko yung lalake na pumasok sa isang pinto sa dulo ng kwarto na may kulay pulang pintura. Nagmadali akong pumunta dito pero nung nandoon na ako ay bigo akong mabuksan ito. "Takte bat lock ito" Bigla akong napasigaw nung may narinig akong nagsalita sa aking likod. "Di ba bawal dito, bat ang kulit mo!" Lilingunin ko sana ito nung nakaramdam ako ng malakas na tulak mula sa aking likod. ~ Napabalikwas ako ng gising, nung marinig ko ang buzzer na umalingasaw sa buong seminaryo. "s**t panaginip lang" Nakarinig ako mga munting katok sa aking pinto. Tatlo hanggang limang katok ang pinalipas ko bago tuluyan itong buksan. Laking gulat ko na lang na si Harry ang iniluwal nito. "Harry?" tawag ko dito. "Okay ka na ba?" tanong nito sa akin. "Yes, bakit?" "You passed out yesterday, remember?" Bigla kong naalala ang nangyari kahapon, bago ako mawalan ng malay. "Nasaan si Ron?" "Okay na siya" "Thank God, by the way ano ang kailangan mo?" "Kilala mo ba si Mang Nestor?" "Sino yun?" "Wala ka ba talagang naalala?" "Ang alin?" "Nung araw ng aksidente sa rest house ninyo sa San Francisco, Quezon yung nangyari sa inyo magkakaklas – " naputol yung sasabihin nito nung narinig na namin tumunog ang final buzzer hudyat na kailangan na naming magmadali para sa spiritual activity. Pero bago kami pumunta sa chapel ay may sinabi pa ito sa akin. "What!" sabi ko dito "Kung gusto mong maging maayos itong klasing ito stop your over imaginative mind" "Pero – " "Wala ng pero pero - basta sumunod ka na lang" Natapos ang misa na wala akong naintindihan dahil okupado ang aking utak sa mga sinasabi ni Harry sa akin. Ano ba ang meron sa aking nakaraan? Bakit wala akong maalala? Bakit ang dami kong tanong sa aking isipan at sino ang sasagot nito? Naputol ang aking iniisip nung nakaramdam ako ng tapik sa aking likod. Nilingun ko ito at doon ko nakita si Ron. "Okay ka lang ba Lance, kanina ka pa wala sa focus?" "Ah eh, okay lang ako, ikaw ba?" "Maliit na bagay" "Maliit na bagay, sira remember, you passed out?" "ikaw rin naman a, it's a tie" Napatigil ako at sabay tawa. Napatigil lang ang tawanan namin ni Ron nung nakarinig kami ng isang saway at marealise namin na silencium magmun pa. ~ Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Para bang may hinihintay ako na hindi ko alam. Nagpaikot-ikot na ako sa aking kama pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Lumipas pa ang ilang sandali ay may narinig akong mga kaluskos na nagmumula sa labas ng aking kwarto, ang mga kaluskos ay naging mga yabag ng tao. Ang daming tanong ang pumasok sa aking isipan, 12 midnight na pero bakit may tao pa ring naglalakad sa hallway. At hindi lang isa ang tao sa labas kundi parang isang grupo ng lalake na nagbubulungan. Tumayo na ako sa aking kama at pumunta sa may pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ng maliit ito para masilip kung sino ang tao sa harap ng aking pinto. Namilog ang aking mata nung makompirma kong may mga tao nga sa aking harapan. Hindi ko makita ang mga mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin pero naririnig ko ang kanilang mga usapan. "Kailangan na nating tapusin ito" sabi nung isang lalake. "Tapusin na natin itong larong ito" sabi pa nung isa na medyo payat "Kailangan na nating pumunta sa rest house sa San Francisco, Quezon" Napaatras ako at nakagawa ng isang ingay, nakita ko ang mga ito na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ko ngayon, masyado akong naguguluhan. Mga pamilyar ang mga mukha ng mga ito sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko sila nakita. Nakita kong papalapit ito sa akin, wala na akong nagawa kundi pumikit. Lumipas ang ilang sandali ay walang nangyari sa akin, dahan-dahan kong minulat ang aking mata at ako'y biglang napasigaw sa takot. Hindi ko na makita ang mga lalaking nag-uusap bagkus yung anino ang aking nasumpungan na nakangiti sa akin. "It's time, Lance" sabi nito sabay ngiti. Wala na akong nagawa kundi sumigaw. Ito ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay. ~ Nagising ako bigla noong may narinig akong mga sigawan sa labas ng aking kwarto. Nagmadali akong tumayo sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Bigla akong napasigaw sa takot nung makita ko ang isang tao na nakatali ang leeg sa may hallway. "My God" sigaw ko Lalo pa akong napasigaw nung makilala ko ang taong nakatali. "Ron!" sigaw ko habang ako ay humahagulhul. "Lance!" tawag ng isang lalake sa aking likod Nilingon ko ito at nakita ko ang aking mga kaklase na nag-iiyakan. Pinuntahan ko ang mga ito at tinanong ang mga ito: "B-bakit?" utal kong tanong sa kanila "A-anong nangyayari sa ating lahat?" "We don't have any idea kung bakit nangyayari ito sa atin" sagot sa akin ni Harry habang ito ay naluha. "Ron was okay, yesterday" sabi ni Ivanne "until ....." "Until, what?" halos sabay sabay naming tugon dito. "Until na may nakita siyang kung ano sa infarmary room na hindi niya mapaliwanag" sabi ni Ivanne "simula noon may binubulong na siya na hangin. Hindi ko masyadong maintindihan pero isang word lang ang natatandaan ko anino" dagdag pa nito. "ANINO?" sabi ni Justin sabay tingin sa akin "Guys, what if yung nakikita ni Lance at ni Ron ay iisa?" sabi ni Yves "I think. We are jumping in the wrong conclusion" sabi ni Harry "There is no such thing na Anino ang pumapatay? Pwede ba yun? ANINO nga e wala siyang physical matter para gumawa ng mga ganitong bagay" "Pero what if demonyo ito" sabi ni Conan "We are not sure about that!" sabi ni Harry "Pero – " naputol ang sasabihin ni Clay nung nagsalita ako "Wala talagang anino" sabi ko "Ginawa ko lang siya dahil sa sobra kong imahinasyon" "What? Lance!" sabi ni Yves "Nagsinungaling ka sa amin na may nakikita ka pero yun pala ang tunay mong intensyon ay magpapansin sa amin" "I'm sorry guys. It's my fault" "Sorry! Mababalik ba ang mga buhay ng mga kaklase nating nagpakamatay dahil dyan sa anino mong sinasabi" galit na sabi ni Yves sa akin "Wala akong kinala – " naputol ang sasabihin ko nung nagsalita si Harry. "Enough, Lance admitted his fault. Nagsinungaling siya so tama na ang awayan. Hindi fit sa ating mga seminarista yang nagaaway" "Fine!" sabi ni Yves
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD