Nangingilabot ako habang pinapanood ko ang CCTV kuha kahapon bago tumalon si Sam sa veranda. Totoo nga ang sinasabi nina Harry tungkol kahapon dahil normal lang silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan pero ang kumuha sa aking atensyon ay ang aninong nakasunod kay Sam habang tumatayo ito sa veranda para bang inaalalayan si Sam pasampa dito. Pinakita ko ito sa aking mga kaklase pero wala silang nakita. Wala silang nakitang anino.
"Namamalik-mata ka lang" wika ni Clay sa akin "yung anino kasi ang mukhang bibig mo e" nakangiting dagdag pa nito.
Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na makipagdebate dito baka lang mapapunta na naman ang usapan sa ayaw naming topic. Pero alam ko sa aking sarili na nagsasabi ako ng totoo, hindi ako namamalik-mata, alam ko ang aking nakikita. Alam kong totoo ang anino, at siya ang gumagawa nito sa amin. Siya ang pumapatay sa aking mga kaklase.
~
Nakabalik na ang ibang seminarista galing sa kanilang tatlong araw na bakasyon. Sa bawat seminaristang nakakasalubong ko ay hindi ko mapaliwanag ang kanilang emosyon na binibigay sa akin. Para silang malungkot pero ang umiibabaw sa kanilang ekspresyon ay ang pagtataka. Sa bawat titig nila ay may ibig sabihin, pero hindi ko makuha kung ano ang gusto nilang ipahatid sa akin.
"Lance"
Napalingon ako sa aking likod nung may narinig akong tumawag sa aking likod.
"Oh Justin, Bakit?"
"Pinatatawag tayo ng ating rector sa kanyang office ngayon" seryusong wika nito sa akin.
Bigla akong nangilabot sa takot at para ba akong binuhusan ng malamig na tubig na punung-puno ng yelo. Ganito ang aking pakiramdam nung unang araw ng aming balikan, nung araw na nabalitaan namin na patay na si Drake. Pero mas doble pa ang aking nararamdaman ngayon, pinagpapawisan ako ng buo.
"Lance, Ayos ka lang ba?" tawag sa akin si Justin "Bigla ka kasing natulala e"
"A, eh oo tara na" akit ko dito.
~
"Seat down" wika ng aming rector sa amin ni Justin nung nakapasok na kami sa loob ng kanyang office.
"Thank you Mgsr" tugon namin ni Justin
"Pinatawag ko kayong lahat dito sa isang dahilan" seryusong sabi nito sa amin
Lalo akong kinabahan noong marinig ko na itong magsalita. Napakaseryuso nito. Walang emosyon na ibinibigay ang kanyang mukha. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo.
"Ahhaahh" daing ko
"Lance, are you okay?" tanong ng aming rector
"Yes, Mons bigla lang pong sumakit ulo ko"
"Okay, hindi na ako pagpapaligoy-ligoy pa – tommorow pupunta kayo sa isang doktor"
"Doktor?" takang tanong ni Harry
"Yes, doktor"
"Anong doktor po? Wala naman po kaming sakit e" nagtatakang singit ni Clay
"You'll meet Dr. Caluya, a psychologist"
"WHAT?" halos sabay-sabay naming tugon dito
"Bakit po?" wika ko dito
"Isang rason lang, sa inyong klase nangyayari ang suicide accident baka kasi isa pa sa inyo ang magcommit nito. Ayaw na naming magyari pa ito"
"Normal naman po kami, bakit?" wika ni Yves
"Enough, that's my order!" nakatayong tugon nito sa amin
~
"Nakaka-asar e" wika ni Conan sa amin.
"Ano ang tingin nila sa atin baliw" nakasimangot na wika ni Justin
"Classmates, hindi naman lahat ang nagpapatingin sa isang psychologist ay baliw ah, siguro kailangan talaga natin ito. Natatakot lang ang ating rector sa ating kalagayan dito sa loob ng seminaryo" wika ko sa mga ito
"Yes, Lance is right, wala namang masama o mawawala sa atin kung magpapacheck-up lang tayo" pagsang-ayon ni Harry sa akin
~
Narinig ko na ng tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming matulog. Napatingin ako sa aking relo at ang sabi ay 10:30 pm na. Nag-ayos na ako ng aking sarili at makalipas lang ng mahigit limang minuto ay handa na akong matulog. Noong natapos na ako ay nagmadali na akong pumunta sa aking kama para matulog. Papikit pa lang ang aking mata nung may narinig akong mga kalus-kus na nagmumula sa aking banyo.
"Sino yan?" sigaw ko
Pero walang sumagot bagkus nagpatuloy lang ang mga kalus-kus. Bigla akong napatayo nung marinig kong bumukas ang gripo at kasabay ng pagbukas ng gripo ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Napatingin ako sa aking pinto at doon ko nakita na merong isang malaking salamin na nakatayo dito. Bigla akong nangilabot dahil ito yung salamin sa kwarto ni Drake, itong salamin na ito ang pinaggalingan ng anino. Dahan-dahan akong pumunta dito para isara ang pinto pero laking gulat ko nung hindi ko makita ang aking sarili sa salamin bagkus ibang imahe ang lumabas dito. Imahe nina Drake, Lander at Sam na nakatitig sa akin na may hawak na papel at ang nakalagay doon ay umbra – hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito o kung anong languahe ito. At bigla akong napabalikwas noong marinig kong tumunog na ang buzzer hudyat na kailangan ko ng gumising.
"Benedicamus Domino" sigaw ng aming Beadle
"Deo gratias" tugon ko dito
Nagmadali na akong pumunta sa aking banyo para mag-ayos at maghanda ng sarili para sa aming prayers at misa. Tumunog na ulit ang buzzer hudyat na limang minuto na lang magsisimula na ang aming prayers. Nagmadali na akong nagbihis at pumunta sa aming chapel. Natapos ang aming prayers at ang misa at tahimik na umaalis ang ibang mga seminarista para kumain ng umagahan. Tatayo na sana ako noong may narinig akong bulong-bulungan. Tumingin ako sa aking likod at doon ko nakita sina Clay at Harry.
"Hindi totoo yan" sabi ni Harry dito
"Totoo ito, nakita ng aking dalawang mata" bulong ni Clay
"That' enough Clay, it's not healthy"
"pero nakita ko talaga ang anino na nakikita ni Lance"
"No, kailangan mo lang ng pahinga"
"Hindi delikado ang buhay ni Ron, nakita ko talaga kagabi na pumasok itong anino sa kwarto ni Ron"
"No, enough – tama na ganitong usapan... it is very distrubing" seryusong wika ni Harry sabay tingin sa akin.
Tumayo na ako at iniwan yung dalawa sa loob ng chapel. Naguusap pa rin noong iniwan ko ang mga ito. Nung nakababa na ako ay wala pa rin ako sa aking sarili dahil sa aking narinig. Delikado ang buhay ni Ron – ito yung paulit-ulit na naririnig ko sa aking tenga.
"Hoy Lance, nakatulala ka na naman"
Napaatras ako at natumba dahil sa gulat. "Aray" daing ko "H'wag ka namang nanggugulat Ron, para kang iwan e"
"Bahala ka nga dyan ang hirap mong pakisamahan"
"Tek –" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nung makita ko yung anino na nakasunod kay Ron.
Delikado ang buhay ni Ron
Wala na akong nagawa at sinundan ko na lang ng tingin si Ron habang papalayo ito sa akin.
~
"Namamalik mata lang siguro ako" wika ni Clay sa akin nung natapos na ang aming kahuli-hulihang subject namin "Ang dami ko kasing iniisip e, sumasabay pa yung exam natin sa Ad Lectoratum"
"Sigurado ka ba?" tanong ko dito
"Oo, sigurado ako" wika nito sabay tawa
Tumatawa nga si Clay pero halata sa kanyang mga mata na may pangamba at takot dito.
"Sige sabi mo e, wala akon –" naputol ang sasabihin ko nung may narinig kaming sumisigaw mula sa labas ng classroom. Nagmadali kaming lumabas ni Clay mula dito. At nung nakalabas na kami ay nakita namin sina Harry at iba kong mga kaklase na nakaikot. Nagmadali na kaming pumunta doon.
"Guys, anong nangyayari?" tanong ni Clay
"Si Ron kasi sumisigaw mula sa kanyang kwarto tapos nakita namin siyang nakahalandusay sa kanyang sahig at may hawak na papel na may dugo" sabi ni Yves.
"Hala, sino ang nagbigay niyan? di ba may phobia si Ron sa dugo?" singit ni Conan.
"Nasaan si Ron?" tanong ko.
"Nasa infarmary na siya dinala nina Hiro at Ivanne"
"Tara puntah –" naputol yung sasabihin ko nung makita ko yung anino na katawa sa akin at kasabay ng pagsakit ng aking ulo at biglang nagdilim ang aking paligid.
~