Chapter 7 Home Visit

1217 Words
"Home Visit na" masayang sabi ni Ron sa aming klase pagkatapos ng huling subject. Oo nga pala nakakaisang buwan na kami dito sa loob, ngayon ko lang napagtanto na isang buwan na nakakalipas. Sa isang buwan na ito ay maraming nangyari sa amin. Maraming problema at kalungkutan ang bumalot sa amin pero nalagpasan namin ito ng sama-sama. "Anong plano?" tanong ni Hiro "Basta ako, magrerelax muna" sabi ni Sam "Three days na wala sa seminaryo, wow" nakangiting sabi ni Justin "Classmates" tawag sa amin ni Harry "May Bad news at Bad news ako, ano ang gusto ninyong unahin?" "Parang kinakabahan ako ah" sabi ni Clay "May choice ba kami parehas bad news yan" "According to Monsignor" seryosong sabi ni Harry "Our class is suspended for monthly break and until October" Nakita ko ang aking mga kaklase na nagulat sa balitang hinatid ng aming president. "B-bakit wala tayong bakasyon?" utal na tanong ni Ivanne. "Walang malinaw na rason si Mons" tugon ni Harry sa amin "It's unfair!" galit na sabi ni Yves. "Kasalanan kasi ni Lance" bulong ni Sam "WHAT?" gulat na sabi dito "Sabi ko kasalanan mo!" taas noong tugon nito sa akin "Bakit naman naging kasalanan ko ang pagkawala ng ating monthly break?" "Kung hindi mo sinabi yung tungkol sa Anino na nakikita mo o napapaniginipan mo kay Mons, e di sana meron tayong bakasyon!" galit na wika ni Sam. "Kailangan ko lang may pagsabihan" "Pwede naman sa amin mo sabihin ah o sa Spiritual Director mo" wika pa ni Sam "Hindi naman kayo naniniwala sa akin ah na may anino talaga na gusto tayong patayin!" "Wait lang, anong sabi mo papatayin tayo nung anino?" singit ni Conan habang nakangiti ito. "Oo yun ang sabi sa akin nung anino sa aking panaginip" "Ano ba ang nangyayari sayo Lance, hindi ka naman dati ganyan!" wika ni Harry na may concern sa kanyang tono "Please maniwala kayo sa akin, hindi ako nagsisinungaling" "That's enough!, ayaw ko ng marinig pa itong pinaguusapan natin. At away ko rin na inaaway ninyo ang isa't – isa. We are all brothers here, remember?" ~ Napagkasundan ng klase na bawal na pag-usapan ang bagay tungkol sa anino pero hindi pa rin ako mapakali, naiinis ako sa mga kaklase ko ngayon. Bakit ayaw nilang maniwala sa akin. Nagsasabi naman ako ng totoo. Alam kong hindi nagpakamatay sina Drake at Lander, pinatay sila nung anino. Tapos ako pa ang sinisisi ni Sam kung bakit kami walang bakasyon ngayon. Nakakainis siya. Sawang-sawa na ako sa kanyang iresponsabling bunganga. Nakakaubos ng pasensya. Sana siya na lang ang namatay. Sana mawala na siya dito. Nakakai – nagulat ako nung marinig ko ang warning bell para sa lights off. Napatingin ako sa aking relo at ang sabi doon ay 10: 30 na ng gabi. Nagmadali na akong nag-ayos at inihanda ang aking sarili sa aking pagtulog. ~ Napamulat ako bigla noong may narinig akong mga kalus-kus. Nagpalinga-linga ako at doon ko nalaman na wala ako sa aking kwarto. Nasa hallway ako ng aming dormitoryo, napakalamig dito para bang may aircon na bukas. Nakarinig ulit ako ng mga kalus-kus, mga kalus-kus na naging mga yabag. Hanggang sa nakakita ako ng isang pigura ng tao sa dulo ng hallway. Hindi ako pweding magkamali si Sam ito. "Sam!" tawag ko dito Lumingon ito at doon ko nakita na umiiyak ito at sabay nagwika ng "Sorry!" tumalikod na ito sa akin at nakita ko na itong umakyat papunta sa ika-apat na palapag. Susundan ko sana ito pero may naramdaman akong kumapit sa aking balikat. Nilingon ko ito at doon ko nakita si Sam, napatingin ako sa kanyang mga mata at doon ko nakita na wala itong itim. Nangilabot ako at nagsitayuan ang aking balahibo. "Sam?" tawag ko dito Hindi ito sumagot bagkus sinakal niya ako, napakalakas nito at napakahigpit ng kapit nito sa aking leeg. Naramdaman kong umangat ako sa sahig. Nahihirapan na akong huminga, pinipilit kong makawala sa kanya subalit sa bawat pagpipilit kong makawala ay siyang higpit ng kanyang kapit sa aking leeg. "S-saaa-aam" utal kong tawag dito pero para itong walang marinig pinagpatuloy lang nito ang pagsakal sa akin. "Buhay lang ang kabayaran" wika nito sa akin. Lalo akong natakot nung marinig ko itong magsalita, ang boses nito ay hindi normal para ito hinugot sa kalaliman ng lupa. Para itong demonyo. At ito ang huli kong naalala bago ako lamunin ng kadiliman. ~ "Lance!" Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at doon ko nakita sina Harry at iba pa ko pang kaklase. "Bakit, anong ginagawa ninyo dito?" takang tanong ko dito "Dapat kami ang magtanong niyan sayo" sabi nito "Ano ang ginagawa mo dito sa sahig ng chapel natin, dito ka ba natulog?" "Nasaan si Sam?" hindi ko alam ang sasabihin ko dito dahil hindi ko rin alam kung papaano ako napapunta dito. "Nasaan si Sam?" ulit ko dito. "Nandito ako!" singit ni Sam na merong malaking eyebags sa kanyang mata. "Wala" sabi ko dito sabay hinga ng malalim. Para akong nabunutan ng tinik nung makita ko si Sam na nakatayo sa aking tabi. "By the way Lance, sorry nga pala kahapon" sabi ni Sam "..." Tumayo na ako at nagmadaling umalis sa chapel para makapag-ayos ng sarili. Makalipas ng ilang sandali ay bumalik na ako sa chapel. At nagdasal ng pang-umagang panalangin at nung natapos na akong magdasal ay hinanda na namin ang aming sarili para sa banal na misa. ~ Hindi ko pa rin malimutan ang aking napaniginipan at nangyari sa akin. Hindi ko alam kung papaano ako napapunta sa loob ng chapel ang naalala ko lang ay ang tagpuan namin ni Sam sa hallway. Natatakot na ako, baka sasusunod ay hindi na ako magising at tuluyan na akong lamunin ng kadiliman. Hindi ko lang maintindihan kung ano talaga ang nangyayari sa akin. Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan noong may marinig akong mga sigawan sa baba. Nagmadali akong pumunta sa aming veranada at doon ko nakasalubong ang aking mga kaklase. "Anong meron?" tanong ko dito "Si Sam" mangiyak-ngiyak na wika ni Clay Hindi na ako nakapagsalita nung hinawi ako ni Harry at nagmadali itong bumaba. Sinundan ko ito at nagmadali na rin akong bumaba. At noong nasa baba na ako ay wala akong nagawa kundi sumigaw. Si Sam na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. "Tumawag kayo ng ambulansya at tawagan ninyo si Monsignor!" sigaw ni Harry Nagmadali namang sumunod si Yves kasama sina Justin at Ivanne. Noong nakaaslis na sila ay nagtanong ako sa iba kong mga kaklase "Papaano?" tanong ko sa akin kaklase habang ako ay naiyak. "Kanina nakatambay lang kami sa veranda sa ika-apat na palapag nung nagsalita siya ng I want to end this, Sorry" bulong ni Hiro "Tapos umalis siya sa kanyang kinauupuan and then he jumped. Hindi namin alam nung una na tatalon siya dahil ang akala lang namin ay nagbibiro lang ito " "Masaya kaming nagkwekwentuhan tapos nasingit niya ang topic tungkol sa 13 Reasons Why, ano daw kaya ang pakiramdam na wakas ang buhay" wika ni Clay "Tapos ang sabi namin ay baliw nasisiraan ka na ba ng ulo – sabay tawa" sangat ni Harry "Tapos tumayo siya at tumalon sa veranda" Hindi na ako nakapagsalita, marami pa sana akong itatanong nung dumating na yung tatlo kasama si Monsignor. "Parating na ang ambulansya" sigaw ni Justin sa amin. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD