Para akong lalagnatin ngayon tapos ang sakit pa ng ulo ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngayon. Sabi nung doktor noong nagpacheck-up ako ay baka daw stress lang ako. At hindi nakakatulog ng maayos. Pero katawan ko ito kaya alam kong may nangyayari sa akin. Lagi pati akong nilalamig, kahit napakainit. Ngayon madaling araw nagising na naman ako, napatinggin ako sa aking relo ay alas tres na. Isang linggo na akong nagigising ng ganitong oras at hirap na rin akong dalawin ng antok kaya ako ay antok na antok kapag nasa misa na ako. Marami ng nakakapansin na brothers kung bakit daw ako ay napakaantukin ko ngayon kahit sa klase ay ako ay tulog pero pagsapit ng alas tres ng umaga ang diwa ko ay gising na gising. Tumayo na ako sa aking kama at nagtungo sa aking banyo. Noong bubuksan ko na ito ay may narinig akong munting mga tawa. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking katawan. Nilakasan ko ang aking loob, dahan-dahan kong binuksan ito at laging gulat ko noong sinunggaban ako nito, ito yung anino na lagi kung nakikita sa aking panaginip. Hindi ko na alam ang nangyari sa akin noong nawalan na ako ng malay.
~
Nagising ako hindi sa buzzer kundi sa mga sigawan at iyakan sa labas ng aking kwarto. Napatingin ako sa aking relo 7:30 na. Nasapok ko ang aking sarili dahil hindi ako nakaattend ng misa at umagahan. Yari na naman ako sa aming Rector. Nagpatuloy pa rin ang mga iyakan at sigawan sa labas ng aking kwarto.
"Tumawag kayo ng amublansiya" sigaw nung tao sa labas pero nakikilala ko ang boses nito, ito si Hiro.
Nagmadali na akong lumabas ng aking kwarto at doon ko nakita ang mga seminarista na nakaikot sa gitna ng hallway.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila.
Tumingin ang mga ito sa akin, mugto ang mga mata nito sa kakaiyak.
"Brothers, ano ba ang nangyayari sa inyo?" ulit ko dito.
Nakita ko ang aking mga kaklase na nakayuko. At doon ko nakita na nakahiga si Lander na para bang wala na itong buhay. Hinawi ko ang ibang seminarista para makadaan ako.
"Anong nangyari?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa aking mga kaklase.
"Hindi namin alam, natagpuan na lang siyang nakabigti." Mangiyak-ngiyak na tugon ni Harry.
"At nagiwan pa siya ng suicide note" bulong ni Hiro.
Kinuha ko ito at binasa. Namilog ang aking mata noong mabasa ko ito.
Classmates,
Sorry, hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang buhay ko. Tapos sumabay pa itong mga problema ko sa buhay. Sorry sa lahat lahat lalong lalo na kay Lance. I hope na maging pari kayo sa hinaharap, sayang hindi na tayo magkakasama pa sa dulo ng ating pangarap.
ANINO!
Lander
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsosorry sa akin, wala naman siyang kasalan sa akin. At isa pa bakit may ANINOng word sa sulat niya. Bigla akong nakaramdam na malamig na hangin natumama sa aking likod. Nilingon ko ito pero wala namang electric fan na bukas. Biglang nagsitayuan ng aking balahibo.
"Nandito na yung ambulansya" sigaw si Justin.
Binuhat na namin si Lander, at nagmadaling sinakay ito sa ambulansya.
~
"Classmates, anong nangyayari sa atin?" tanong ni Clay sa amin "Bakit mga kaklase natin ang gumagawa nito?"
"Hindi ko rin alam" sabi ni Sam "At isa pa mga seminarista tayo dapat alam natin na kasalanan ang gumawa ng ganitong mga bagay"
"Anong sabi ni Msgr. Rector" sabi ni Conan
"Wala pa akong balita, hanggang ngayon kausap pa rin ng ating rector ang mga magulang ni Lander" wika ni Harry
"Baka may connection ito doon sa anino?" tanong ko sa kanila
"I don't think so Lance" sabi ni Justin "It's just a bad dream"
"Pero nakakapagtaka naman na parehas tayo lahat ng panaginip" sabi ko sa kanila.
"Lander was frustrated, may problema siya kaya siya nagcommitted ng suicide" sabi ni Harry
"Per – " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko noong nagsalita si Harry
"That's enough, masamang panaginip lang yun. Hindi magkakatotoo o ano man, Lander was stressed or something" seryosong wika nito.
~
Gabi na naman, nangangamba ako na baka mapanaginipan ko na naman ang anino na lagi na lang nagambala sa akin. Nagsimula ito nung nasa burol kami ni Drake. Hindi ko alam kung bakit niya ako ginugulo, lagi niya akong sinasaktan sa aking panaginip. Hindi ko nga alam kung panaginip talaga iyon para kasing totoo. Narinig ko na yung bell na tumunog, hudyat na kailangan na naming matulog. Sinulyapan ko aking aking alarm clock ang sabi dito ay 10:30 na. Nagmadali na akong nagayos ng aking sarili bago ako matulog. Makalipas lang ang mahigit walong minuto ay natapos na ako, nagmadali na ako pumunta sa aking kama at wala pang limang minuto ay nakaramdam na ako ng antok.
Hindi ako pweding magkamali, nandito ako sa kwarto ni Drake at nakaharap sa isang malaking salamin. Muntikan na akong mapasigaw noong napalitan yun aking reflection ng isang itim na anino. Ito yung anino na laging kong nakikita.
"Anong kailangan mo?" matapang kong tanong dito.
"...."
"Ano ang kailangan mo?" ulit ko dito
Bago ito sumagot ay tumawa ito ng napakalakas, nagkaroon ng malaking c***k ang malaking salamin.
"Ang kailangan ko ay hustisya!" sabi nito habang ito ay nakangiti
"Hustisya?"
"Oo, hustisya"
"Para saan?" tanong ko dito "At Sino ka ba?"
"..."
"Ano - " hindi ko na natuloy yung aking sa sabihin noong lumabas ito sa salim at bigla akong nawalan ng malay.
~
Nagising ako sa tunog ng buzzer hudyat na para bumangon.
"Benedicamus Domino" sigaw ng aming Beadle
"Deo Gratias" tugon ko dito.
Nagmadali na ako bumangon pero bago ako makabangon ay may napansin akong mga putik sa aking sahig, kung hindi ako nagkakamali ay bakas ito ng paa. At doon ko lang napansin na puro putik ang aking kama. Hindi ko alam kung saan ito galing. Tumingin ako sa veranda kung saan nagmumula yung mga bakas ng putik. Bumaba na ako sa aking kama at tinungo ito subalit noong nandoon na ako ay wala akong nakita kundi mga putik. Nakakapagtaka naman, ang kwarto ko ay nasa ikatlong palapag. Saan dadaan ang may ari ng bakas na ito. Tumalon? Bigla akong napangiti sa aking naisip. Binalewala ko na ito at nagmadali na akong nag-ayos.
~
Natapos na ang misa at unti-unting nagsisialisan ang kapwa kong seminarista para pumunta sa refectory. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngayon, sobrang bigat ng nararamdaman ko para bang may nakadagaan sa akin ng isang sakong bigas.
"Lance, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Hiro
Nilingun ko ito at nakita ko sa kanyang likod yung anino.
"A-anino"
"Ano?" tanong nito
"Yung anino" sabi ko dito.
Lumingon ito pero wala siyang nakita. "Anino ba g**g!" nakangiti nitong tugon sa akin. "Tara na nga, gutom lang yan"
Tahimik kaming naglakad sa hallway noong makarinig ako ng isang tawag. Nilingun ko ito subalit wala akong nakita, binalewala ko na lang ito pero hindi ito tumigil sa pagtawag. Nilingun ko ito subalit wala pa rin akong nakita.
"Lance!" tawag sa akin ni Hiro
"Narinig mo ba yun?"
"Ang alin?" nagtatakang tanong nito "Wala akong naririnig, tayong dalawa lang ang narito"
"...."
"Tara na gutom na ako"
"Sige mauna ka na pupunta na lang ako sa aking kwarto, pagod lang siguro ito"
Nakita ko yung bibig nito na bumuka pero walang salitang lumabas dito bagkus ay tumalikod na ito at nagtungo sa refectory.
~
Pagkabukas ko nung pinto ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Bigla akong namanglaw sa aking naramdaman. Namumuo rin ang mga pawis na lumalabas sa aking ilong. Hindi ko mawari kung bakit ako nagkakaganito. Noong tuluyan na akong makapasok sa aking kwarto ay nagmadali na akong pumunta sa aking kwarto at ibinagsak ang aking katawan dito. Makalipas lang ang ilang sandali ay may narinig akong mga yabag sa labas ng aking kwarto. Ang mga yabag na palakas na palakas hanggang sa mawala ito. Tatlong katok ang nakinig ko mula sa aking pinto.
"Sino yan?" sigaw ko habang ako ay nakapikit.
Pero hindi ito sumasagot bagkus nagpatuloy lang ito sa pagkatok. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, sa pagmulat ko ay unti-unti ring nawala ang mga katok sa aking pinto.
"Yung anino"
Napabangun ako bigla nung may narinig akong bumulong sa aking kanang tenga. Nagpalinga linga ako subalit wala akong nakita.
"Nandiyan na siya"
Parang pamilyar sa akin yung boses, pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig. Nangilabot ako bigla at nagsitayuan ang aking mga balahibo noong bumukas ang gripo sa aking banyo. Bigla akong napatayo sa aking kama noong may narinig na naman akong panibagong nagsalita.
"Mag-iingat ka, nandiyan na siya!"
Hindi ko na alam ang aking gagawin, gusto ko nang umalis pero para bang napako ang aking mga paa. Hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan. Nakita kong bumukas ang pinto ng aking banyo subalit walang lumabas dito, nanginginig na ako sa takot.
"Malapit na siya" ito yung narinig ko sa aking paligid kasabay ng pagsarado ng pinto ng aking banyo. Hindi ko alam ang aking gagawin, tatakbo ba ako o mananatili sa aking pwesto. Bigla akong napatalon noong marinig ko yung buzzer na tumunog hudyat na magsisimula na ang aming klase. Marami nabuong tanong sa aking isipan, ano ang ibig sabihin ng aking mga nararanasan. Kailangan ko nang kausapin ang aming Rector tungkol dito.
~